FALL OF ADAM PART 9


Nanatili akong gulat sa usapan namin ni Angela. Para akong na-hypnotized para sumang-ayon sa gusto niya. Alam kong dinig ni Cristine ang usapan namin kaya kinakabahan ako. Sobrang wrong timing. Ang lubos kong ipinagtataka ay alam niya ang contact details ko. Landline, street address, block, house number, office, name it. Weird!

Ayos lang naman na makipagkita ako kay Angela pero ayaw magkaroon ng meaning. Siguro naman hindi mamasamain iyon ni Cristine. Malawak ang pang-unawa niya at minsan nga hindi na katanggap-tanggap. Yes, attractive si Angela pero wala akong nakikitang iba kundi ang physical. In short, hindi ako interesadong malaman kung ano ang mayroon sa kanya. 

“Si Angela,” wika ko kay Cristine matapos ang aming pag-uusap. Mahina. Pabulong. Kabado. 

“Type mo ang friend ko?” tanong niya habang inaayos ang damit niya. Nadismaya siguro siya pero di ako sigurado.


“No!” madiing tanggi ko. “She’s attractive but iyon lang ang nakikita ko.”

“She’s beautiful and intellegent.” Tinitingnan ko ang mata niya. Kalmado. Halatang di man lang nairita kung nag-uusap kami ng kaibigan niya. “And very loving.”

Ewan! Hindi ko alam. Bakit kailangan niyang sabihin ang mga katangian ni Angela? Sinisimulan na ba n’ya akong itaboy? “Nagtataka lang ako kasi alam n’ya ang number ko.”

“Binigay ko. Every details na alam niya… galing sa akin.” 

“What?” 

“Masama ba?” 

“No.” Wala akong maisip na dahilan para mangatwiran. Tila naging tagasunod lang ako. 

“Good.” 

Natulala ako. Tila tumigil ang mundo ko sa tuwing mararamdaman ko at pumapasok sa bawat sulok ng utak ko na ang babaeng kinababaliwan ko ay ang nagtataboy sa akin palayo. Parang kinalawang ang utak ko at walang pumasok sa isip ko na magandang dahilan para sabihing ayoko ko kay Angela. 

Siya ang gusto ko. Ewan ko kung bakit di n’ya maramdaman. Tanga ba s’ya? Manhid? O wala lang talagang pakialam? 

Pumasok sa isip ko si Philip. Nagseselos ako. I’m dead. 

“Tara sa loob,” yaya ko kay Cristine. Dismayado. At bigla akong nawalan ng gana. 

Gumuhit ang malanding ngiti kasunod ang pagtataas ng kilay. I find her cute sa tuwing gagawin niya iyon. “Ipoposas mo na ako?”

“Oo. Then ilalagay kita sa electric chair.” Kinindatan ko siya. 

“Damihan mo ang kuryente para derechong langit.”

“Sa langit naman talaga ang punta natin.”

“Ows. Sure ka?” 

“Yes! Angels kaya tayo.”

“Haha. You’re crazy. Lagay kong ‘to, angel? Mas katanggap-tanggap kung devil.”

“Hindi naman nagsesex ang devils e. Bawal silang makarating sa heaven.”

“Naughty! Tara na at kukumustahin ko pa ang manok ni St. Peter.”


Napakasarap sa pakiramdam sa tuwing ikukulong ko si Cristine sa aking mga bisig. Isisinigaw ng puso ko na akin siya. Bawat halik at yakap naming pinagsaluhan ay nagbibigay sa akin ng di maipaliwanag na kasihayan. 

Sa tuwing napapaidlip siya sa aking dibdib hindi ko mapigilan ang aking sarili na sabihing mahal ko siya. Gusto ko siyang ipagdamot at pahalagahan na higit pa sa mamahaling bagay. Gusto kong wakasan na ang paborito niyang laro. Sa bawat haplos ko sa kanyang buhok ay sinusundan ko ng buntong hininga. Nagdesisyon na ako. Siya ang babaeng gusto makasama ni Adan habang buhay. 


“Bakit hindi mo subukang magmahal?” Kumalas siya sa pagkakayakap at tumitig sa aking mukha. 

“Nagpapatawa ka ba?” 

“Nagawa mo na ang lahat sa buhay mo, magmahal at mahalin na lang kulang sa’yo.” 

“Sa tingin mo may magkakagusto pa sa akin?”

Hinawakan ko ang kanyang mukha. Tinitingan ko ang kanyang mata. Hindi ko hinayaan pang may kumawalang salita sa kanyang bibig. Hinalikan ko siya saka ako nagsalita, “Meron… Ako.” 

“Mahal mo ako?”

“Oo. Mahal na mahal.”

“Nasasabi mo lang ‘yan dahil nasasatisfy ko ang pagkalalaki mo!”

“Madaming babae ang kanyang magbigay ng satisfaction pero hindi lahat pwede alayan ng pagmamahal. Bakit hindi mo subukan maging tayo?”

Umiling siya. “Komplikado. Ayaw kong maging magulo ang buhay mo.”

“Tatanggapin ko lahat. Communication lang ang sagot sa lahat para walang… maging complicated.”

“Papayag akong maging tayo, in one condition. Hindi mo ako pagbabawalan makipagflirt.. Hindi lang kayong mga lalaki ang may karapatan na magmalaki na naikama nyo si ano o magaling sa kama si ano. “

Nadismaya ako sa mga nadinig ko. Pero hindi ito ang oras ng pagsuko. “Ano pa bang gusto mong patunayan? Life is not about sex.” 

“Gusto kong ienjoy ang buhay. Ayaw ko sa bandang huli ay iiyakan lang kita dahil nagpaseryoso ako sa’yo.”

“Paano kung mabuntis ka?”

“Dalawang bagay lang.. Kung mahal mo ako tanggapin mo ang anak ko. Or iwanan mo ako. Now Decide!”


…itutuloy

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.