FALL OF ADAM PART 12


Malambing ang pagkakabigkas ni Cristine kaya nakangiti akong bumalik sa tabi niya. Musika sa aking tenga ang mga salitang may halong lambing. May kilig wika nga ng ilan. May kiliti. Tuluyang nahulog si Adan kay Eba. 

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Marahan. Puno ng emosyon. 

Tinitigan n’ya ako. Gumalaw ng bahagya ang kanyang ulo bilang anyaya na humiga ako sa tabi niya. Sumunod lang ako. Komportable akong nahiga at mabilis naman niyang ipinatong sa aking katawan ang kanyang braso. May mga sandaling nakakadama ako ng higpit ng kanyang yakap sa tuwing ako ay gagawa ng pagkilos. Tila ayaw n’ya akong lumayo kahit ilang pulgada lang. Minsan lumalayo talaga ako para bahagya siyang asarin. Tinataasan niya ako ng kilay kapag ginagawa ko iyon. 

“Okay na ang pakiramdam mo?” 

“Yes babe.” Hinawakan ko ang kanyang noo kung mainit pa. “Stress nga lang siguro ito. Medyo madaming ginawa lately e.”

“Magpahinga ka na lang muna. Tamang tama nakaleave ka. Kakausapin ko si Brenda na siya muna ang bahala sa resto n’yo.” 


“Sasamahan mo ako palagi?” may lambing na tanong niya sa akin. 

Bahagya akong napakamot sa ulo. “Sa gabi lang. Mahirap magkaroon ng displinary action.”

“Hindi mo ako love!” Pambihira. Love ang pinakalaspag na salita para i-blackmail ang isang tao. 

“Mahal kita. May sinumpaan tungkulin ako kaya hindi basta–“

Tinakpan ni Cristine ang bibig ko. “Biro lang. Baka magtalumpati ka pa dyan ng mission at vision nyo.” 

“Mission, to love.” Hinalikan ko siya ng bahagya sa labi. “Vision, to reproduce.”

“Puro ka kalokohan. May sakit ako!”

“Kaya pagaling ka agad,” biro ko sa kanya.

“RJ, salamat sa pagdating sa buhay ko. Kahit late na. Saan ka ba nagsusuot noong maayos pa ang buhay ko? Sana di ako ganito ngayon.” 

“Perfect nga lang ang dating ko e. Kung noon pa tayo nagkakilala wala din mangyayari kasi nagloloko din lang ako noon!”

“Pakiramdam ko madumi akong babae kaya pilit ko kayong pinaglalapit ni Angela kasi palagay ko bagay kayo. Parehong maayos, di tulad ko baluktot mag-isip.”

“Hindi pa naman huli ang lahat. Minahal kita at mamahalin pa lalo bawat araw..”

“Masaya ako dahil ako ang minahal mo..”


Paunti-unting humina at dumalang ang salita ni Cristine hanggang sa makatulog. Kailangan niyang magpahinga kaya sinigurado ko munang mahimbing ang tulog niya bago ako bumangon. Inayos ko muli ang kanyang kumot. Naupo ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko muna siya ng ilang minuto bago ako lumabas ng kwarto. 

Lumabas ako ng bahay at kinuha ang aking mga gamit sa loob ng sasakyan ni Cristine. May panghihinayang ako sa pinagplanuhan naming bakasyon pero marami pa namang araw at sa susunod ay sa malapit na lang para hindi maubos sa byahe ang oras namin. 

“Sir! Sir, si Ma’am!! Sir RJ!” sigaw ng kasambahay sa akin. Tumatakbo siya habang sumisigaw. Humahangos.

“Bakit anong nangyari?!” Hinawakan ko ang balikat niya para pakalamhin. “Huminahon ka!” Kinabahan ako dahil sobrang balisa ang matanda. 

“Sumisigaw! Inaatake ng sakit ng ulo niya!” 

“Ano?!” Mablis akong tumakbo papasok ng bahay. Nakita kong namamaluktot sa sakit si Cristine habang hawak ang kanyang ulo. Matindi ang hawak niya sa isang bahagi ng kama habang bumabagsak ang luha sa isang mata. “Cristine! Anong nangyayari?”

“Tatawag na po ako ng doktor, Sir!” wika ng matanda.

“Hindi ako na ang magdadala sa kanya sa ospital. Sayang ang oras kung maghihintay lang tayo.” Binuhat ko si Cristine palabas ng kwarto. Pilit ko siyang pinakakalma subalit kahit ako ay nanghihina sa tuwing makikita kong umagos ang luha sa kanyang mata. Wala na halos boses na lumalabas sa kanyang bibig dahil tila nagapi na ng sakit ang kanyang pag-iisip.

“R.. RJ.. “

“Cristine, hold on!” 

“Maghahanda po ako ng gamit ni Ma’am,” alok ng kasambahay matapos buksan ang pintuan ng sasakyan. 

“Samahan n’yo po muna ako hanggang sa ospital mas kailangan ko assistance.” Mabilis akong nagmaneho patungong ospital. Kinakabahan ako. ” Madalas ba ang pananakit ng ulo niya?”

“Bihira lang, Sir. Palagi din po kasing bumibisita sa bahay si Dr. Balmes kaya may mga gamot siyang naiinom.” 

“Balmes?” Napanganga ako sa sinabi ng matanda. “Si Angela?”

“Si Dr. Philip Balmes po. Hindi n’yo po ba alam na may sakit si Ma’am?” 

What?! Wala akong kamalay-malay na ang pinagseselosan ko ay ang taong nagdudugtong ng buhay ng taong mahal ko. Kaya siguro madalas ang paglabas nila. 

“Shit!!!” Ilang beses kong hinampas ang manebela. Asar na asar ako sa tuwing may haharang sa aking daan. 
Abot-abot ang aking busina. 

“Hello? RJ napatawag ka?” tanong ni Angela. 

“Nandyan ba si Philip? Kailangan ko ang tulong niya! Pleaasse! Si Cristine..”

“Wait! Huminahon ka di ko maintindihan!” 

“Si Cristine inatake ng sakit ng ulo niya!!! Kailangan ko ang tulong ng kuya mo!” 

“Wait!”

“Si Philip ‘to RJ.” 

“God! Ba’t di n’yo sinasabi sakin may sakit si Cristine?!” Gusto kong magalit sa ginawa nilang paglilihim. “Hindi ako mapakali, she’s in pain!”

“Calm down! Hindi makakatulong kung ganyan ka,” payo ni Philip sa akin. “May medicine palagi sa bag si Cristine makakatulong iyon para bawasan ang sakit. Sa CitiMed mo siya dalahin para maattend ko agad.”

“Hindi ko dala ang bag ni Cristine! Nasa byahe na kami.” 

“Sa Van ni Cristine?”

“Oo.”

“Sa dashboard.. sa may drawer may mga medicine siyang itinatago. Nasa loob ng gold can.” 


Mabilis kong binuksan ang drawer at iniabot sa matanda ang gamot para ipainom kay Cristine. Matagal na palang inililihim ni Cristine ang kanyang sakit. Balisang balisa akong nakarating ng ospital.


…itutuloy

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.