FALL OF ADAM PART 4


Buong gabi kong inisip si Cristine at ang lalaking kasama niya. Kahit wala kaming relasyon pakiramdam ko ay natapakan ang aking paglalaki. Nakita ko silang sumakay ng passenger elevator at inabot ko pa ang halik ng lalaki sa pisngi ni Cristine bago sumara ang pinto Nagtataka lang ako dahil boyfriend ng kaibigan niya ang kasama. Hindi ko alam kung pagtataksil ang tawag doon dahil may consent naman.


Binabangungot ako ng mga alaalang hatid ng gabing pinagsaluhan namin. Bumangon ako. Umupo. Humiga. Humanap ako ng magandang pwesto para makatulog dahil sa sobrang pagkabalisa. Maraming tanong ang humihingi ng kasagutan.

Ginawa din kaya nila ang ginawa namin? Siguro mas matindi pa. Pinag-uusapan din ba nila ang mga napagkwentuhan namin? O balewala na sa kanya ang lahat. Hindi na bago sa akin ang one night stand kaya nagtataka ako sa aking sarili. Siguro dahil hinahanap-hanap ko siya o gusto ko lang maulit ang lahat.

“Jacobo, puyat ka ba o hindi ka natulog?” puna sa akin ng isang opisyal. “Baka masagasaan ka kung ganyan ng itsura mo!”

“Sorry sir.”



Ginising ko ang aking sarili bago pa ako bigyan ng disiplinary action. Naglalakad-lakad muna ako sa labas bago pumunta sa aking pwesto.

“P’re mukhang nakascore ka na naman kagabi?” Binigyan ako ng malikot na tingin ni Rommel. “Inubos ang lakas mo ah!”

“Ulol! Puyat lang talaga ako.”


Bumalik ako ng L-AIG Towers pagkatapos ng duty. Inabangan ko ang muling paglabas ni Cristine. Makapal ang bilang ng taong lumalabas kaya minabuti kong sa may parking area na lamang ako maghintay. Natukoy ko naman agad ang van niya sa may parking lot. Dumistansya ako ng ilang metro para di niya ako makita.


Nagsindi ako ng sigarilyo para maalis ang aking pagkabagot. Nilibang ko ang aking sarili sa panonood ng mga babaeng dumadaan. Pinagmasdaan ko ang kanilang pigura at ang malulusog na harap at likod. Tama si Rommel. Masyadong madami ang mga babae kumpara sa lalaki kaya kawawa ang ilang kababaihan na hindi nakakahanap ng kapareha. Para punan ang kakakulangan, ipinagkakaloob ng lalaki ang sarili. Yari nga lang kapag nahuli.


Bumalik ako ng motorsiklo noong makita kong iniluwa ng building ang kaakit-akit na nilalang. Kasabay niya ang babaeng kakwentuhan niya sa restobar. Hinintay ko munang makaalis ang van bago ako sumunod sa kanilang pupuntahan. Nakakatawa ang ginagawa ko pero di ko siya maaalis sa sistema ko.

Pumasok muli sila sa restobar na tinambayan nila noong nakaraan. Siguro madalas sila sa lugar dahil kilala na sila ng mga staff. Naupo sila sa dati nilang pwesto. Bumalik din naman ako sa dati kong kinauupuan para makinig muli sa kanilang usapan. Interesado akong malaman ang nangyari kagabi para masagot ang aking mga katanungan.

“Hindi ko alam na good kisser pala ang boyfriend mo!” panimula ni Cristine. Natatawa lang ang kausap niya halip na magalit sa nangyari. “Wala sa itsura na gagawa siya ng kalokohan.”

“Mukhang enjoy ka talaga sis!” Tinapik niya ang braso ng kaibigan. “Kaya di pwedeng pagbasehan ang itsura. Natural sa lalaki ang sinungaling kapag may lumalapit na grasya!”

“Kaya tinuruan natin ng leksyon e.” Nagtawanan ang dalawa habang ako naman ay naguguluhan.

“Right! He deserved that! Sakit ng puson nun!”

“Oh girl, pero kung natagalan pa ang pagtawag mo baka bumigay na ako. He’s damnn hot honey!”

“Sabi mo 10 minutes e! Kaya upon your signal, hinintay ko talaga ang 10 minutes. Pero alam ko naman kaya mo siyang i-handle!” Nagtawanan muli ang dalawa.

“Hindi mo ako binigyan ng tip na sobrang sabik ng boyfriend mo! Imagine, french kiss pa lang, hinuhubaran na ako!”

“Mas maganda kung may challenge para di obvious na scripted,” pang-aalaska ng kaibigan ni Cristine. “Anong narating nya?”

“Dahil masarap naman siya humalik, hinayaan kong maghiking s’ya sa mga bundok ko!” wika ni Cristine habang sinasapo ang dibdib niya. “Buti na lang naniwala siyang may emergency sa bahay kaya di matutuloy ang sex.”

“Bad girl! Buti na lang pala tumawag na ako.” Naiintidihan ko na ang lahat. Ginamit si Cristine bilang patibong sa lalaki. Hindi ko naman masisisi ang lalaki dahil mapang-akit talaga ang bitag. Pero swerte na din siya dahil natikman niya ang hinaharap ni Cristine. “Ngayon alam kong di totoo ang mga promise n’ya.”

“He’s texting me. Reschedule daw e.” Ipinakita ni Cristine ang cellphone niya. “So anong plan?”

Sumimangot ang dalaga. Halatang masama ang loob sa kataksilan ng boyfriend. “Makikipagbreak ako sa kanya. Buti na lang hindi ako pumayag sa gusto n’ya. Plano pa akong iskoran!”

“Basta kung need mo ng help, nandito lang ako sis. Here’s the pictures nga pala.”

Lumabas ako ng resto at nagpalipas ng ilang sandali. Kumuha ako ng sigarilyo sa aking bulsa at sinariwa ang usapan ng dalawa. “Pambihirang babae,” bulong ko sa sarili ko.

Gumawa ako ng bilog na tila ulap mula sa ibinuga kong usok. Sinilip ko ang dalawa sa loob at halatang madami pa silang pinag-uusapan. Malakas ang tawanan at wala pakialam sa ibang taong nasa loob.

Napagdesisyunan kong bumalik sa loob at sa pagkakataong ito, sa harap mismo ni Cristine ako dadaan. Nakakapagod din ang sundan siya kaya naglakas loob na akong lumapit.

“Cristine?!” kunwaring nasorpresa akong nakita siya sa lugar na iyon. Kumunot ng bahagya ang noo niya, siguro hindi niya ako natatandaan. “RJ. Remember me?”

“Oh RJ, so nice to see you again!” Tumayo siya at idinikit ang kanyang pisngi sa akin. “RJ, this is my friend, Brenda.”

“Hi! I’ve heard good things about you,” panlalaglag ni Brenda sa kaibigan. “Gwapo ka nga pala talaga.”

“Talaga? Hindi yata kapaniwala-paniwala iyon.”

“Naku! RJ, huwag kang masyadong maniniwala sa bruhang ‘yan,” sabat ni Cristine. “Call me Tin nga pala.”

“O kaya babe na lang para sexy pakinggan!” singit ni Brenda. “Teka dapat pa lang iwan ko na ang mga lovers. Abala ako dito. Bye!”

“Wait!” sigaw ni Cristine pero tiningnan lang siya ni Brenda at nagpatuloy sa paglalakad.

“Hindi inakalang magkikita tayo,” wika ko. “Baka hindi ka comfortable.”

“Okay lang naman. So, what brings you here.”

“Bibili ako ng pizza. Paborito ko ang pizza nila dito.”

“Talaga? Anong paborito mo dito?” tanong niya sa akin habang ipinakikita sa akin ang list ng pizza.

“Classic with peperoni crust.”

“Sige.” Tinawagan niya ang isang staff at ibinigay ang order ko.

“Ako na ang magbabayad. Nakakahiya naman.”

“No. You don’t have to.” Nagpumilit ako. Hinihingi ko sa staff ang resibo pero wala silang ibinigay. “I own this place kaya ako ang masusunod.”

Nagulat ako sa sinabi n’ya. Kaya pala doon sila nagkikita ng kaibigan niya. “Sige. Babawi na lang ako sa sunod.”

“Talaga babawi ka?”

“Kung may pagkakataon. Bakit hindi?”

“Tinatamad akong umuwi. Pwede mo ba akong samahan?”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Napakaprangka niyang magsalita. Walang arte. Parang hindi iniisip ang sinasabi. “S-sige.” Halos magbuhol ang dila ko sa kaba. “Saan tayo pupunta?”

“You’re place babe.”

Nanuyo ang aking lalamunan.


itutuloy…

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.