Kaligayahan

Advertisements

Ikaapat na yugto.

“Hoy Shiela, bingi ka ba? Sabi ko tapusin mo na yang pagkain mo at aayusan ka na daw ni Diegong Bading!” Napapitlag si Shiela mula sa matinding pag-iisip ng marinig nyang bahagya syang sinigawan ng ina sa harap ng mesa. Kanina pa pla ito nagsasalita ngunit dahil sa lalim ng kanyang pag-iisip ay hindi nya ito narinig. Hapon na ay di pa rin sya nakakapagpa-make up at ayos ng buhok kay Diego, ang bading na hinire pa ng kanyang ina para mag-ayos sa kanya.

“Busog ho talaga ako eh. Mamaya na lang ho siguro ako hihingi ng sandwich pag nagutom na ulit ako.” pagsisinungaling ng dalaga para matapos ang diskusyon at tumayo na sya mula sa kinauupuan para tunguhin ang naghihintay na make-up artist. Maghapong lipad ang isip ni Shiela. Hindi pa rin nya malimutan ang ngyari kaninang madaling araw. Nawalan sya ng ganang kumain. Parang nanlalambot ang mga tuhod nya. Nawawala tuloy siya sa concentration para sa okasyon. ‘Diyaskeng lalaki yun. Ginugulo ang buhay ko”, sigaw ng isip nya. Matindi pala ang epekto ng first kiss. Feeling nya ay nakalapat pa rin ang labi nya sa mga labi ni Jeffrey. Nararamdaman pa nya hanggang ngayon ang pagkamanhid ng kanyang mga labi dahil marahil sa tagal ng halik na iyon. Ikaw ba naman ang makaranas ng first kiss na tumagal ng kalahating oras? Hindi ka nga kaya ma-trauma nun? Maaring kaya nyang kalimutan si Jeffrey ngunit hindi nya kayang burahin sa isipan ang first kiss na iyon. Tuloy, para sya ngayong dahon na dinadala lamang ng ihip ng hangin sa gaan ng utak nya. Wala syang maisip na maayos. Puro alaala ng ngyari kaninang madaling araw ang pumupuno sa umaawas na nyang pag-iisip. Pakiramdam nya ay pinagsamantalahan sya ni Jeffrey ng may pag-sangayon nya. Inis na inis sya sa pangyayari ngunit wla nmang dapat sisihin kundi sya rin. At bigla nyang naalala na mamayang gabi ay pinangako nga pala ni Miko na darating sa kanyang kaarawan. Pinagalitan ang sarili. “ crap ka Shiela, umayos ka! Kailanagan mong paghandaan ang programa mamaya. Hwag kang paapekto kay Jeffrey. Pangahas talaga ang lalaking yun!’ Bigla syang bumalik sa katinuan. Hindi sya dapat paapekto sa pangyayari at hindi dapat makahalata si Miko na may bumabagabag sa kanya.

Alas- dyes na ng gabi. Halos kalaghatian na ng programa para sa debut ni Shiela. Mula sa sulok ng hall na pinagdausan ng okasyon ay matamang nagmamasid si Jeffrey sa mga pangyayari. Hindi na sya nagpakita sa dalaga upang huwag masira ang gabi nito. Pinilit na lamang niyang aliwin ang sarili sa ilang shot ng Fundador na nakahayin sa mesa. Nagsasayahan ang mga tambay sa lugar nila at nakikiisa sa pagdiriwang ng pagiging ganap na dalaga ni Shiela pero walang nakakapansin na buong gabi na ni Jeffrey tinititigan ang dalaga mula sa kalayuan. Gandang ganda si Jeffrey kay Shiela ng gabing iyon. Simple lamang ang make-up nito na nagpatingkad ng kanyang simpleng ganda. At sadyang kaakit-akit ang suot nitong pink na gown na hapit na hapit sa bewang, maluwang ang design ng dibdib nito na nagpalabas sa cleavage ng dalaga. Asymmetrical ang cut ng laylayan ng gown na nagpalitaw sa kalahati ng binti at pinatingkad ng isang roman sandals na fuschia pink ang kulay ang mga asset nitong legs. Kitang kita ang umbok ng pwet nito na talaga namang kay sarap hawakan. Ngunit halata nyang palinga-linga ang dalaga sa paligid. Marahil ay hinahanap ang kanina pang hinihintay na kasintahan. Nagtataka rin naman si Jeffrey kung bakit patapos na ang 18 Roses ay hindi pa nya nasisilayan ang anino ng kasintahan ni Shiela. Usap-usapan sa kanilang lugar na ito ang pinakamaganda at pinaka-espesyal na regalo na matatanggap ni Shiela sa gabing iyon. Marahil ay dramatic entrance pa ito at lilitaw lamang sa kasiyahan pag tinawag ang pangalan bilang last dance ni Shiela. Sabay bigay sa dalaga ng isang pumpon ng 18 pulang pulang rosas at papatak mula sa itaas ang napakaraming confetti habang hindi maipinta sa tuwa ang mukhang ng dalagang hinahangaan nya. May kung anong kumurot sa puso ni Jeffrey. Kung ano-ano na ang pumapasok sa kukote nya. Masyado na syang nahuhulog ang loob sa dalaga pero ito na nga ang gabing kinakatakutan nya. Ang pagbabalik ng kasintahan ni Shiela at siguradong hindi na sya papansinin nito at maaring hindi na sila magkasama pang muli. Ganunpaman ay inaliw na lang nya ang sarili. “E, ano naman, nahalikan ko na naman si Shiela kanina eh. Sapat na yun.’

Palabing-pitong lalaki na ang naghahandog ng rosas kay Shiela. Biglang tumindi ang excitement sa hall. Lahat ay nag-aabang sa prince charming na sasayaw kay Shiela sa gabing iyon. Nang biglang tumigil ang background na waltz music. Dumilim ang paligid, maliban sa spotlight na nakatutok kay Shiela sa gitna ng dance floor. Bhagya itong nagulat dahil alam nyang hindi ito parte ng programa. Pumailanlang sa paligid ang isang malamyos na tugtog. Biglang lumiwanag sa tapat ng dingding ng hall. Isang VTR ang nag-play. Si Miko ang lumitaw sa projector.Isang taped na message.

‘Shiela, Happy bday!!! Alam ko di mo inaasahan itong message na ito. Im really sorry but I cannot make it to ur birthday. Hindi talaga ako pinayagan ng boss ko eh. Sorry talaga. I really wanted to be there but there are things that we are not in control of. But I still want you to know that I’m always here. I love you so much at hintayin mo pa rin sana ang pagbabalik ko. In the meantime, ito ang gift ko sayo.” Inilabas nito ang isang gitara mula sa likuran at nagpasakalye ng isang pamilyar na kanta. Kinilig ang mga tao sa hall. Maliban kay Jeffrey na nag-alala sa disappointment na nilikha sa dalaga ng hindi pagsipot ni Miko sa debut nito. Alam nyang pilit lang na ngiti ang pinakawalan ni Shiela para sumunod sa agos ng kilig na nilikha ng palabas ni Miko.

‘I never thought I will be right for you, I just can’t compare you with anything in this world, you’re all I need to be with Forevermore” pagtatapos ng awitin na inihandog ni Miko sa kasintahan sabay sabing “Happy birthday, Hon.”

Isang masigabong palakpakan ang pumuno sa hall, hudyat rin iyon ng pagtatapos ng programa para sa debut ni Shiela. Nag-alisan na ang mga tao dala ang kilig ng natapos na eksena sa kaarawan ng dalaga. Napansin ni Jeff na matamlay na umalis si Shiela sa hall. Ngunit hindi nya ito nagawang lapitan.

Kinabukasan, gabi na ng magising si Shiela. Marahil sa tindi ng pagod at pag-iisip. Tumungo sya sa kusina para magtimpla ng juice. Hindi nya maiwasang lumuha dahil sa naganap noong nakaraang gabi. Binigo sya ni Miko. Hindi nito natupad ang pangakong darating sa kanyang kaarawan. Pilit man nyang gustong unawain ang sitwasyon nito sa trabaho umandar pa rin ang pansarili nyang katwiran na hindi sya dapat pinaasa ni Miko. Sana man lang ay tinawagan sya nito ng maaga para sabihin ang sitwasyon at hindi sinorpresa ng ganun sa gitna ng pagdiriwang. Pero sabagay, hindi nya maitatatwang espesyal ang awiting inihandog ni Miko pero mas gusto nyang makita ito at makasama ng personal. Tumulo na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Dahan- dahan nyang pinahid ito ng kamay.

‘Umiiyak ka ba?” isang boses mula sa likod ang ikinagulat ni Shiela. Pgharap sa kanya ay bumungad si Jeffrey. Kanina pa pala ito nagmamasid sa kanya.

Bilis- bilis nyang pinahid ang luha at nagkunwang hindi umiiyak habang humaharap kay Jeffrey. ‘Hindi ah. Anong ginagawa mo rito?”

“Sensya na. hindi na ako kumatok sa pintuan. Nakasalubong ko nanay mo at mga kapatid eh. Pinatuloy na ako, bukas naman daw at kagigising mo lang daw. Okey ka na?”derederechong wika ni Jeffrey habang kumuha na ng sariling upuan sa kusina.

‘Bakit mo naman nasabing hindi ako okey? Syempre naman okey ako, wala namang dahilan para malungkot eh.” Sumandal si Shiela sa lababo, ininom ng bahagya ang tinimpalang juice at pilit itinatago ang lungkot.

“Ah ganun ba? Okey ka naman pla eh. Wala pala akong dapat i-worry.” Sagot naman ni Jeffrey na biglang napansin na nakapantulog pala ng manipis si Shiela. Marahil ay hindi napansin ng dalaga na nakalimutan nyang magsuot ng bra. At bakat na bakat ang mga nipples nya sa napakanipis na pantulog. “Kaya mo pala pinapatugtog sakin yung Forevermore ng Side A eh. Theme song nyo yata yun. Kainis ka naman. Pinagkapuyatan ko pa naman na buuin nung isang gabi para ma-impress ka. Yun pala, si Miko pala ang maaalala mo pag narinig mo yun.” Natatawang sabi ni Jeffrey sabay kamot sa ulo.

Pagkarinig ng sinabing iyon ni Jeffrey ay may kung anong bagay na naman na nagpatindi ng nararamdamang lungkot ni Shiela. Hindi nya naiwasan ang pagdaluhong ng luha na kanina pa pinipigilang tumulo. Hindi nya kayang itago ang lungkot na nararamdaman.

Napatayo sa kinauupuan si Jeffrey. Nilapitan ang kaibigan at wala sa loob na nayakap. Pinipilit nyang pakalmahin. ‘Shiela, ano ba? Hwag kang umiyak, baka dumating ang mga Mommy mo akalain na pinaiiyak kita.”

Tuloy pa rin sa paghagulhol si Shiela na ngayon ay hindi nya namalayan na yumakap na rin sya kay Jeffrey at nakasubsob sa balikat nito. “Pinaasa nya ako Jeff, alam mo bay un?” parang batang nagsusumbong si Shiela sa kaibigan sa pagitan ng mga hikbi.

“Shiela, okey nay un. Hwag ka ng malungkot. Wala rin nmang mangyayari eh. Hintayin mo na lang ang ipinangako nyang pagbabalik. Mahal ka naman ni Miko pero wala tayong magagawa kung hindi sya payagan ng amo. Tahan na, Shiela.” Sabay hagod ni Jeffrey sa likod ng dalagang nalulunod sa kalungkutan. “Ako na lang ang gawin mong last dance. Pwede? Dito sa kusina nyo, pwede naman a?!”

Pagkarinig nito’y napatawang bigla si Shiela, tumunghay mula sa pagkakasubsob sa balikat ni Jeffrey at tiningnan ang mukha nito na ngayon ay ngising ngisi dahil sa huling tinuran. ‘Hehehe… gago ka talaga. Puro ka kalokohan.” Pinahid ni Shiela ang mga luha nya at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Wala naman ngang mangyayari kung malulungkot sya eh. Hindi naman kasalanan ni Miko yun. At natutuwa syang pinipilit syang pasayahin ni Jeffrey.

“Serysoso ako Shiela, Sayaw tayo.” Kinabig ni Jeffrey papalapit si Shiela. Hinapit ang bewang ng kaibigan at hinagip ang mga braso nito para ipulupot sa mga leeg nya. Napangiti si Shiela. ‘Walang tugtog Shiela, puro imagination lang. Ipikit mo ang mga mata mo at isipin mo na karugtong pa ito ng debut mo. Ako ang espesyal na last dance na hinintay mo.” Sumunod si Shiela sa sinabi ni Jeffrey. Dahan-dahang ipinikit ang mga mata at pinagana ang imahinasyon na pumapailanlang sa paligid ang Forevermore ng Side A. Magkadikit ang mga katawan nila ni Jeffrey.Halos ilang inches lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Maya- maya pa ay nararamdaman nyang umiindayog na ang kanilang mga katawan sa saliw ng musikang sila lamang ang nakakarinig. Nakatitig naman si Jeffrey sa mukha ng dalagang nakapikit. Nakakabighani talaga si Shiela. Parang inosenteng anghel. Ramdam na ramdam ni Jeffrey ang malambot na katawan ni Shiela. Ang mabangong hininga nito na amoy na amoy nya bunga ng pagkakadikit ng kanilang mga mukha. Hindi nya mapigilan ang sarili na halikan muli ang dalaga. Marahan nyang inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi ni Shiela. Hindi ito nagmulat ng mga mata. Naramdaman iyon ni Shiela ngunit di niya pinigila si Jeff. Banayad ang mga halik na iyon. At nararamdaman nya ang sariling nagpapaubayang muli sa mga labi ni Jeffrey. Nang maging pamilyar sa mga kilos ng labi ni Jeff ay maya-maya pa ay gumanti na rin sya ng halik. Tinugon ang bawat paghalik.. Natuto agad humalik si Shiela. ‘Alam mo ba Jeffrey na ikaw ang first kiss ko?” tumigil sandali si Shiela pra tingnan si jeff. Nagulat si Jeffrey sa narinig. “Never pa akong nahalikan ni Miko. Ikaw pa lang ang unang lalaking hinayaan kong makahalik sakin. Pero hindi pala ako dapat magsisi. Espesyal ka sakin inaamin ko.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment