Bahay ni Kuya Chapter 8: Miyu Madness (a)


Chapter 8: Miyu Madness

One week lumipas at iba ang kinikilos ni Miyu lately, siya siguro ang nagtetext sa akin ng I love you araw araw. Lunes, over breakfast habang kumpleto sila sa harapan ko tinawagan ko ang number at syempre wala sasagot dito pagkat katabi ko si Miyu. “Wala talaga sumasagot syempre nandito kayo lahat” sabi ko. “Kuya sino ba talaga ang hinala mo?” tanong niMiyu. “Ikaw sino pa kaya?” sabi ko sa kanya at tumawa sya. “Nope not me promise” sabi nya.

Tinawagan ko ulit ang number at lahat sila nakatingin sa akin, di inaasahan pero may sumagot ng phone at nagulat ako. “Hello?” sabi ko pero di nagsasalita yung nasa kabilang linya. “Hello sino ka ba talaga?” tanong ko pero pinatay agad ang phone. “Sumagot kuya?” tanong ni Miyu. “oo nga e pero di nagsasalita” sabi ko. “O ayan that means wala sa amin” sabi niTessa. “Oo nga e, sorry pinagdudahan ko kayo” sabi ko sa kanila.

Friday sumapit at pinapatawag ako ng adviser ni Miyu sa school nila. Pumunta ako after classes at doon sa classroom niMiyu kami nag usap. Si Miyu nag aantay sa labas at medyo naiilang ako sa teacher niya pagkat maganda at sobrang cute. “Mister Mendez I would like to talk to you about Mayumi” sabi nya at naupo sya sa tabi ko. “Is there something wrong mister Mendez at nanginginig kayo ata” sabi nya bigla. “Ah, wala ito, di lang ako sanay nakikipag usap kasi sa mga magagandang babae e” sabi ko at tumawa sya. “Masyado formal yung mister Mendez, guardian lang ako, kahit Jeff nalang” sabi ko at ngumiti sya. “OK then you call me Maureen too then” sabi nya. “Yes teacher” sabi ko at muli syang tumawa.

Kinakabahan ako baka ito ay tungkol sa paghalik ko kay Miyu, baka nagsumbong ang bata. “Eto Jeff tignan mo mga report card copy ni Miyu from first year to third year high school” sabi nya at inabot nya ang mga card at tinignan ko. “Ouch! Pasang awa lahat, wala kasi dito yung favorite subject nya e” sabi ko. “Anong subject yon?” tanong nya. “Eating” sagot ko at tumawa ulit sya, ang cute ng tawa ni Maureen, kumikinang talaga ang braces niya at nag rorosy cheeks sya. “About that eating ilang beses sya nahuli eating inside the classroom, pero that’s not why I called you here” sabi nya at kinabahan na ako.

“Eto ang latest report card ni Miyu” sabi nya at natatakot ako basahin ito baka panay bagsak. “Sabihin niyo nalang diretso parang ayaw ko na basahin tuloy ito” sabi ko. “No, go on take a look” sabi nya kaya tinignan ko agad. Natulala ako at nagulat pagkat ang tataas ng grado nya, lahat A at A plus. “Grades ni Miyu ito?” tanong ko at ngumiti sya. “Wow! What happened?” tanong ko at tumawa sya. “that’s what I want to ask you, Mayumi is our top student sa section na ito but over-all she is only second” sabi nya. “Ha? First and second? Sorry paki explain kasi medyo overwhelmed pa ako dito” sabi ko at ngumiti sya.

“Pag dito lang sa classroom she is the top student. But if you include all of the fourth year students in general second lang sya” sabi nya at kahit na ganon bilib na bilib parin ako kay Miyu. “Did she cheat?” tanong ko at tumawa sya. “Oh no, we have all the records and she really did well this first grading, and when I asked her bakit ngayon lang niya ginawa ito she told me kasi inspired daw sya gawin best nya para sa boyfriend nya” sabi ni Maureen at tumawa ako. “She has a boyfriend?” tanong ko. “Ikaw daw yon” sabi nya at di ko na mapigilan ang tawa ako. “Ako boyfriend daw nya? Oh my God, sa bahay she just says that out of fun, I didn’t know hanggang dito ibibiro nya yan” sabi ko.

“Jeff I think she isn’t joking, sa tingin ko feeling talaga nya ikaw ang boyfriend nya” sabi ni Mau at nagulat ako. “No its not true, alam ko naman boundaries ko, I mean 24 ako at sixteen lang sya ayaw ko naman makulong o mabitay ano” sabi ko at pinalo nya ako sa kamay at tumawa. “I know that but to her it is real, alam ko its wrong pero look at the results sa grades nya and even her attitude changed. Nakausap ko ang past advisers nya at sabi nila sya yung carefree person dati na walang pakialam sa pag aaral. The spoiled brat na who just comes to school kasi requirement. Pero now lahat sila shocked kasi she totally changed, pag break time nakikipagkwentuhan sya sa akin and lahat ng kwento nya about you” sabi niya. “Wow, I hope panay good things lang sinasabi nya” sagot ko at ngumiti sya.

“Don’t worry its all good, and sa dami ng kwento nya it is as if kilalang kilala na kita and I can see why she likes you that much” sabi nya sa akin. “Di naman, I still cant believe this. You know sa bahay she is the bunso, medyo spoiled sya sa akin kasi I used to have twin cousins na ganito din ugali. Matanda na sila so parang sya ang pumalit sa kanila. Ang masama is I cant say no pag may hiningi sya, ganon kasi ako sa mga pinsan ko dati, siguro she told you maaga nawala parents ko at sa bahay ng lolo ko ako tumira” sabi ko. “She didn’t mention that pero now I can see why you treat her that way” saagot nya. “Miyu is so makulit pero kahit na ganon di naman ako naiinis, yun lang hairdo nya ang medyo weird kasi parang kinder sya” sabi ko at tawa sya ng tawa. “Did you know one classmate touched her hair one time at talagang inaway nya” kwento ni Maureen at nagtawanan kami. Bumukas ang pinto at sumilipt si Miyu, “Kuya ano nanaman sinasabi mo kay teacher?” sabi ni Miyu at tinawag ko sya para lumapit.

“Ikaw ha di mo sinasabi sa akin ikaw pala top notcher dito sa section mo ha” sabi ko sa kanya at todo pacute naman niMiyu. “Just as promised you deserve a reward, sige name it” sabi ko at pacute nanaman si Miyu. “Hmp isasama pa ba natin mga ate ko?” tanong nya. “Oo pero sige now tayo lang, saka na natin sabihin sa kanila ang good new” sabi ko. “Isama natin si teacher” sabi nya at tinignan ko si Maureen. “Before you answer no again like last time sana sumama ka to celebrate this event” sabi ko sa kanya at di na sya nakatanggi.

“So Miyu saan tayo?” tanong ko at ngumiti sya. “Kuyaahh…sa steak house…pero babagalan ko na kumain kasi ayaw ko na mangyari like last time” sabi nya at tawa kami ng tawa. Nagpunta kaming tatlo sa steak house, super happy si Miyu at di ko maalis ang titig ko sa teacher nya. “Ay kuya bago dumating ang food gusto ko ng ice cream baka mamaya di ko na kaya mag ice cream, penge pera” sabi nya at inabot ko ang wallet ko at bigla sya umalis. “You give your wallet to her?” tanong ni Maureen. “Yes, don’t worry honest naman sya. Pero you know one time nabawasan ng around three thousand pera ko, I kept quiet about it kasi I know she took it. Pero days after bumalik naman sa wallet ko, siguro she needed the money and was just shy to ask” sabi ko at napangiti si Maureen. “Baka naman makita tayo ng husband mo, dapat itext mo sya para sabihin baka mamaya pag awayan niyo to” sabi ko sa kanya.

“Im not married yet, no boyfriend either” sabi nya at napangiti ako. “O bakit ka ngumingiti?” tanong nya at nataranta ako. “Oh wala, don’t worry wala ako balak, although you are very pretty don’t worry I mean no harm sa ngiti ko” sabi ko sa kanya at tumawa sya. “Why is that? Takot ka kay Miyu?” biro nya at nagtawanan kami. “Not really, its just that takot ako sa magagandang babae” sabi ko at lalo sya tumawa. “Ito naman kanina mo pa sinasabi maganda ako, di naman masyado” sabi nya. “Masyado nga e kaya natatakot ako, di naman ako takot as in takot to the bones pero in short torpe ako e, afraid of failure you know” sabi ko at ngumiti sya. “Bakit ka natatakot, what if you don’t fail? Pero di mo na malalaman kasi you were too scared to try diba?” sabi nya at tama nga naman sya. “E what if I fail?” sabi ko. “What if you wont?” sabat nya.

“So what are you trying to tell me?” tanong ko sabay ngiti sa kanya. “Wala, sabi ko if you like someone e di ligawan mo, be man enough to accept defeat kasi” sabi nya at napasimangot ako, “Basted na ata agad” sabi ko at tumawa sya. “You will never know unless you try” sabi nya at eksaktong bumalik na si Miyu kumakain ng ice cream. “Ah my bridge!” sabi ko at tumawa si Maureen. “Anong bridge?” tanong ni Miyu. “Miyu diba pag may liligawan ako tutulungan mo ako? Kunwari may ibibigay akong chocolates or sulat diba ibibigay mo sa nililigawan ko?” sabi ko at tinignan ako ni Miyu.

“Kakainin ko yung chocolate tapos susunugin ko yung sulat” sabi ni Miyu sabay tumawa syang parang demonyita. Natawa kami sa kanya at napakamot nalang ako tuloy. “Kuya bakit balak mo ako pagtaksilan?” tanong ni Miyu at niyakap ko sya, “Ito naman nagtatanong lang e, laking takot ko lang pag binalak ko baka sunugin mo ako habang natutulog ako” sabi ko at tumawa teacher niya. “Buti alam mo” sabi nya.

After dinner hinatid namin si Maureen sa bahay nila, hinatid ko sya hanggan sa pintuan at bago sya pumasok ay ngitian niya ako. “So now you know where I live will I be expecting you to visit often?” sabi nya at napakamot ako sa ulo. “Just like I said if you don’t try you will never know” sabi nya. “Pwede ko makuha number mo?” tanong ko. “I wont give it to you but pag matiyaga ka at mautak alam mo siguro saan kukunin” sabi nya at pumasok na sya sa loob. Nalilito ako sa sinabi nya kaya medyo tuliro ako naglakad pabalik sa kotse. “Kuya bilis na uu na ako” sabi ni Miyu at napangiti ako, siguro nasa phone ni Miyu ang number niya.

Pagpasok sa bahay inabot ni Miyu ang gamit nya sa akin, takbo sya agad sa banyo habang nakasimangot ang iba sa akin. “Girls sorry, pero may good news ako” sabi ko at kinuwento ko sa kanila ang nangyari at lahat sila inantay si Miyu lumabas ng banyo. Pagkalabas nya agad sya pinagkaguluhan ng mga girls at tuwang tuwa naman si bunso pagkat feeling superstar sya. “Sorry girls ha, biglaan kasi nagyaya si Miyu wala na time para tawagin kayo. Pero don’t worry this Saturday promise ko we will have a party for everyone” sabi ko at agree sila. Napansin kong malungkot si Liezl kaya agad ko sya inakbayan, “I know what you are feeling right now L, wag ganyan, don’t feel down, be happy for Miyu. And for sure pagdating ng midterm grades mo sigurado ko mapapasaya mo din kami” sabi ko sa kanya at niyakap nya ako. “Kuya you called me L” sabi nya.

“Oo ayaw mo ba? Kasi mahaba yung Liezl at nakakabulol e” sabi ko at ngumiti sya. “I like it kuya, L, mula ngayon nickname ko na sya, tawagin niyo akong L” sabi ni Liezl at nagtawanan ang iba. “L as in little suso” banat ni Tessa at nag asaran nanaman sila. Bago ko makalimutan agad ko hinanap ang number ni Maureen sa phone ni Miyu, nahanap ko ito at agad ko sinave sa phone ko. Takbo ako sa kwarto ko at agad ko sya tinext, nagreply naman sya agad at di ko alam bakit kinikilig ako sa pagtext sa kanya.

Di ko na namalayan ang oras pero nagpaalam na sya pagkat late na daw at drain na sya. Pagtingin ko sa relo ko alas onse na pala ng gabi at natatawa ako pagkat di pa ako nakapagbihis. Masaya ako pagkat unti unti kong naalis ang pagkatorpe ko, siguro kasi nagpakita sya ng senyales na may pag asa ako kaya ganito ako pero tama sya, if I don’t try e di wala mangyayari sa akin.

Pagsapit ng sabado maingay na agad sa baba, pagbaba ko natatawa na ako pagkat lahat ng girls ay nakaupo sa harap ng lamesa at naka pigtail sila lahat tulad ng buhod ni Miyu. Naupo ako at natatawa talaga ako pagkat pati si Loreen na ang habang buhok nagawa nila lagyan ng pigtail, mas nakakatawa si Liezl pagkat boys cut sya at nakapig tail pa. “Wow tribute to Miyu ito ha, you all look so cute talaga we must take a picture” sabi ko at agad ako umakyat sa kwarto at kinuha ko ang digital camera ko. Pagbalik ko sa baba nagulat ako pagkat pati si manang nakapigtail, di ko na nakayanan at natawa na ako ng malakas. Ang tindi ng tawanan namin at halos sumakit lahat ng tyan namin katatawa.

Nagkaroon ng party after breakfast at habang busy kami lahat sa pool area biglang dumating si Tonio at kasama niya si Nadine. Malayo palang sila iba na ang nararamdaman ko, ang ganda ganda talaga ni Nadine at tumitibok nanaman ang puso ko, hinahangin ang buhok nya at super ganda talaga ng ngiti nya pero bigla ko naalala ang ginawa nya kaya sumama din lang agad ang loob ko. “Kuya are you okay?” tanong ni Jaja pero nakatingin lang ako kay Nadine at tahimik.

“Hi girls! Congrats Miyu, talaga naman first grading palang nagpaparty na kuya mo. Anyway introduce ko lang girlfriend ko si Nadine” sabi ni Tonio at lahat sila napatingin kay Nadine, alam nila lahat ang nangyari pero ngayon lang nila nakita ang salarin. “Hala sige dalhin na yang dalawang yan at lagyan ng ponytail” sabi ni Celine at agad hinila ni Miyu si Tonio at hinila naman ni Loreen si Nadine. Naglakad ako palayo kasama si Celine at niyakap nya ang braso ko. “Kuya are you okay?” tanong nya at nginitian ko nalang sya. “Im fine Celina, don’t worry” sagot ko at nilabas niya ang isang headband na may nakadikit na pigtail “Sorry di ka exempted so isuot mo to kasi semi kalbo ka” sabi nya at natawa tuloy ako.

Dumating si Maureen at ibang kaklase ni Miyu, tinatawanan ako ni Maureen dahil sa suot kong headband. Nakita ko si Tonio at pati sya di napaligtas kaya tawa narin ako ng tawa. “Pare ano ba ito kakaibang trip nila” sabi ni Tonio at nagtawanan kami. “Wag ka mag alala pag birthday ko lagot sila” sabi ko at sobra ang tawanan namin. Natanggal ang pigtail ni Tonio kaya hinila sya ulit ni Miyu at ng kaklase nya, naiwan kaming dalawa ni Maureen sa isang gilid at nag eenjoy sya panoorin ang kaguluhan sa pool area. “Grabe ang saya saya naman dito, siguro araw araw ganito kasaya” sabi nya sa akin. “Oo sobrang saya, the only time tahimik dito is pag gabi and syempre pag may exam sila pero kahit na ganon masaya dito talaga” sabi ko sa kanya.

Out of nowhere biglang sumulpot si Nadine, nilapitan niya kami, “Hi Jeff” sabi nya pero agad ako umalis at iniwan sila doon. Nagpunta ako sa garahe at nagpahangin muna sa may gate. Nakita ko si Maureen at nilapitan nya ako, “Ikaw naman ang bastos ng ginawa mo, bakit ka naman ganon did she do something wrong?” sabi nya. “She is my ex girlfriend, inahas sya ng best friend ko at bumigay naman sya” sabi ko at bigla sya nalungkot at tumahimik. “Best friend you mean the other guy sa pool area?” tanong nya. “Oo si Tonio, best friend ko parin up to now. Pag siya nakikita ko natiis ko galit ko, pero pag si Nadine masakit parin e” sabi ko sa kanya. “I see, he is a good looking guy” sabi nya bigla.

“You see sabi ko na nga e, all the good looking guys always get everything” sabi ko. “Not really” sabi nya at napatingin ako sa kanya. “He doesn’t have me” sabi nya at napangiti ako. “Eventually if you stare at him longer you might fall for him” sabi ko sa kanya. “That will never happen, I always fall in love with the kind hearted guys, the ones who are really nice” sabi nya. “Ahem, so meron na ka na bang nakitang ganon lately?” tanong ko sabay ngiti. “Oo pero alam mo ang torpre torpe nya, can you imagine hanggang sa text torpe, sana naman magka balls naman sya” sabi nya at bigla ako tumawa. “Anyway tara lets go back to the pool area” sabi nya at bumalik kami at nanatili sa isang sulok.

After a few minutes ng pagkwekwentuhan ay bigla nya ako tinignan, “Jeff alam mo I can see that mahal na mahal ka ng mga boarders mo” sabi nya. “Pano mo naman nasabi?” tanong ko. “Well masyado sila protective sa iyo” sabi nya at natawa tuloy ako. “Jeff I think kailangan mo na ako ipakilala sa kanila kasi kanina pa masama ang tingin nila sa akin” sabi nya at agad ko tinawag ang mga girls at pinakilala ko sya. “Hay thank you that’s better, kasi kanina niyo pa ako tinitignan ng masama” sabi ni Maureen at nagtawanan ang mga girls. “Ay wala pang pigtail si teacher! Lagyan niyo din sya!” sigaw niMiyu. Dumating na ang ibang employees ko at umingay na sa pool area.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.