Apartment Part 19 Sleep over


Part 19 Sleepover

Kinabahan ako sa aking nadatnan, wala si Diane sa upuan kung saan kami kanina nag-iinuman. Kaagad ko namang pinuntahan ang banyo, baka naroon lang siya. Bukas ng kaunti ang pintuan ng banyo, may siwang. Sumilip ako ng bahagya upang hindi na rin magulat ang dalaga, pero bigo ako, wala rin siya roon. Kalapit ng banyo ang pintuan ng kwarto ni pareng Estong, kakatukin ko na sana upang siguruhin kung nasaan man ang pinsan ni Ice. Idinikit ko ang aking isang tenga sa pintuan upang pakinggan ang anumang ingay sa loob. Wala rin, tahimik. Hindi ko na itinuloy kumatok, baka nagpapahinga na kasi ang mag syota, na alam kong nagkaayos na dahil mula kanina ay di na sila lumabas, marahil ay nag “make-up sex” na. Pagtalikod ko ay napansin ko ang aking kama, kita kasi ang dulo o ang bandang paanan nito mula sa likod ng sofa. May nakakumot. “o shit” sabi ko sa sarili ko. Bakit nga ba di ko naisip na naroon lang pala si Diane. Sigurado akong si Diane ang nakahiga roon dahil kita nga ang paanan niya. Alam kong sa kanya ang maputing paa at naka-pedicure na mga kuko nito. Hindi ko naman inasahang kahit na kakatapos lang naming magtalik ni Ice ay muling mamumuo ang aking libog dahil sa aking nakita. Matagal na akong may “fetish” sa mga paa. Hindi ko naman ito ikinakaila dahil talaga namang ina-appreciate ko ang mga babaeng magaling mag alaga ng kanila mga paa lalo na ang katulad ng kay Diane na napakaputi, makinis, at may dark-colored pedicure. “Diane?” pabulong kong tawag. Hindi siya sumasagot, marahil sa kalasingan ay nakatulog na din. Pero tama nga si Ice, alam ng pinsan niyang magkakantutan kami kaya’t di na siya umuwi upang doon matulog. Alam ni Diane ang gagawin, na huwag kaming istorbohin. “psst..Diane…” ulit ko pang tawag, hindi pa rin siya sumasagot. Sigurado akong tulog na tulog na ang pinsan ng aking GF. Paalis na sana ako, pero bago pa man ako makatalikod ay gumalaw itong si Diane. Dahil dito, nalilis pa ng husto ang kumot niya. Kung kanina ay ang mga paa lamang niya ang kita, ngayon abot hanggan tuhod na. Lumantad na ang makinis at bilugang binti ng dalaga. Hindi ko akalain na maganda palang pagmasdan ang mga ito. Hindi ko naman kasi pinapansin kanina, dahil busy ako sa aking kasintahan. Tuluyang nangibabaw ang aking libog. Kusang umangat ang aking kamay upang idampi sa makinis niyang binti. Ewan ko ba kung bakit gusto kong gawin iyon. Tagumpay naman ako sa paghawak, walang reaksyon si Diane. Ilang
beses ko ring pinagala ang aking palad sa makinis niyang kutis. Pero sa isang sulok ng aking isipan ay nagyaya nang bumalik kay Ice dahil baka makahalata na siya at matagal akong nawala. Nagdesisyon akong bumalik na kay Ice, ngunit ilang hakbang pa lamang akong palayo ay may tumawag sa akin. “psst…kuyah…” mula sa kinalalagyan ni Diane ang tinig. “huh?” reaksyon ko. “saan ka pupunta kuya…” mahinang tugon nito. Si Diane nga ang nagsasalita. “naku patay, gising pala siya” wika ko sa sarili ko. Lumapit ako at kunyaring wala akong ginawa kanina lamang. “oh Diane? ok ka lang ba dyan?” pag-aalala ko kunyari. “bakit mo tinigilan?” wika niya. Alam nga nya ang aking ginawa kanina sa kanya. Paano kaya ito? Pero hindi naman siya galit, bagkus ay parang nabitin. Pero dahil sa pinsan nga ito ni Ice, ay nag-kunyari akong muli. “ha? bumalik lang ako pinapatignan ka ng pinsan mo. At kung ok lang dito kana daw muna? hehe alam mo na” wika kong muli. Napangiti lang siya sa mga sinabi ko. Tumango siya. “uhm, si ate tulog na ba?” tanong niya. “matutulog pa lang kami bakit?” sagot ko. “di ako makatulog kuya dito, samahan mo muna ako…” tila malambing na tugon ni Diane. Nagdalawang isip ako. Halos kinse minuto na ang lumipas, malamang ay tapos na magbanyo si Ice dun sa kabila. Pero parang may gustong mangyari itong si Diane. “uhm si Ice wala din kasi kasama” paliwanag ko. “Gusto mo dun kana lang din?” biro ko pa. Ayaw ko namang hindi ko makatabi si Ice ngayong gabi. “sige na nga, bumalik ka na…bitin…” wika niya na pabulong at tila may gusto pang sabihin. Hindi ko na binigyan pa ng ibang kahulugan ang mga sinabi niya. Pero naiwan sa aking isipan ang nasambit niyang “bitin”. Iniwan ko na si Diane na nakahiga pa rin. Bumalik ako sa kwarto nila ni Ice sa kabilang unit. Nakahiga na si Clarize sa kama pagpasok ko sa kwarto. Nabighani akong muli sa itsura ni Ice. Kahit na malamig ang aircon ay hindi siya naka-kumot, nakahilata siya na ang tanging suot ay ang t-shirt na maluwag, halatang walang bra at panty lamang. Gusto ko pa sanang maka-round two. Ngunit ang lalim na ng tulog ni Ice ko. Parang prinsesang natutulog. Hinalikan ko siya sa labi at tumabi na sa kanya. Kinumutan ko rin siya at nagsalo kami sa ilalim ng iisang kumot. Naisip kong natupad na ang isa sa mga layunin ko dito sa Maynila, ang maging maligaya sa piling ng isang kasintahan. Bandang alas-tres ng madaling araw ay nagising ako dahil nag-aalburuto ang aking pantog. Ganito talaga ako pagnaka-inom, hindi ako naiihi habang nag-iinuman pero after naman ay halos tuwing kalahating oras ay naiihi ako. Paglabas ko ng banyo matapos akong umihi, naaninag kong may nakahiga sa sofa nila Ice. Nung una pa nga ay natakot ako dahil akala ko multo. Binuksan ko ang ilaw sa kusina nila, umabot ang liwanag sa sofa kung saan may nakahiga nga. Si Diane.
Siguro’y lumipat siya kanina dahil hindi nga talaga siguro makatulog doon sa kama ko. Baka may naamoy siyang di nya nagustuhan haha sabi ko pa. Lumapit ako sa kinahihigaan ni Diane. Ang plano ko ay palipatin na rin siya sa loob kung saan kumportable at malamig. Nakabukaka pa matulog itong babaeng ito. Muling kumibot ang aking ari. Senyales na nagugustuhan ang aking nakikita. Ang mga makinis na hita ni Diane ang una kong napansin. Nilapitan ko siyang muli. Mas malaki ang sofa nila, di gaya sa amin, kaya pwede akong umupo sa tabi niya habang nakahiga siya. Nagulat ako nang bigla siyang dumantay sa akin matapos akong umupo sa kanyang tabi. Gising kaya siya? Hindi naman ako gumalaw kaagad. Pinakiramdaman ko kung ano ang gagawin niya, baka nananaginip lamang at mag-iiba rin ng pwesto mamaya. Hindi ko alam kung ano ang meron kay Diane. Mas maputi nga siya kay Ice, pero “petite” siya, mas malaki ang dede at mas mapula ang labi. Pinagmasdan ko ang mala-anghel na mukha ng pinsan ni Ice. Dumako ang aking tingin sa kanyang dibdib. May suot siyang bra pero alam kong naka “unlock” iyon dahil wala ito sa pwesto. Kitang kita ang hubog ng kanyang dede na humihiwalay sa tela ng kanyang bra. Sinimulan ko nang gumalaw, unti unti kong iniangat ang kanyang kamay na naka-dantay sa aking hita habang ako’y naka upo sa kanyang tabi. “maya na kuya…” bulong niya. “huh??” gulat ko. May sa pusa yata itong babaeng ito. Kanina ay tulog na tulog ngayon ay kinakausap pa ako. “shhhhhh…baka magising si ate…” muli niyang tinig. “gu- gusto mo ng kumot?” ito ang tanging nabanggit ko bilang palusot. Tumagilid si Diane mula sa pagkakahilata kanina. Hindi naman niya inalis ang kanyang kamay na nakapatong sa aking hita. Hinimas niya ito, tila nang aakit. Dumilat siya at tumitig sa akin. “i know ginawa mo ring himasin ako kanina…” ito ang sinabi niya at ako’y tila napako sa aking kinalalagyan. Buking na ako. “uhm sorry Diane di ko sadya..sige na iwan na kita dito kung ayaw mo pumasok” paliwanag ko naman. “wow bukol na hah! ate Ice is lucky to have you…” sambit niya nang bigla niyang pisilin ang aking ari na kanina pa matigas. “pilya ka Diane..di ito tama magagalit ate mo..” wika ko at ako ‘y napilitang tumayo na. Hindi naman na siguro lasing itong si Diane, pero bakit parang ang libog niya at gusto yatang makantot. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Ice dati, na tuwing weekends nga daw ay umuuwi ang pinsan niya sa BF niya sa Pampanga upang magpakantot. Siguro nga ay sadyang malibog itong si Diane. Hindi ko na pinatulan pa itong pinsan ng aking kasintahan. Lumayo na ako at iniwan ko na sya. Pumasok akong muli sa kanilang kwarto upang tabihan muli si Clarize na mahimbing pa ring natutulog.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.