INIT PART VI


Ilang buwan nakaraan…

“Pre, tuloy tayo sa Baguio ha?” paninigurado ni James.

“Oo naman. May isasama ka ba?” tanong ko

“He he he. Oo naman. Pare, masabaw!” nakangising sagot ni James

“Tang na, James. Pokpok na naman ang isasama mo?”

“Kaysa wala no? Limang araw tayo sa Baguio. Kailangan may parausan. Ha ha ha”

“Eh sina Faye and Vince wala naman isasama eh”

“Wow! Jun ang slow mo. Di mo ba napapansin na nagkakaigihan ang dalawa?”

“Talaga? Anak ng tokwa. Di ko namalayan ah. Sila na ba?” gulat kong tanong

“Hmmmm alam ko di pa. Parang nagliligawan pa ang mga leche ha ha ha” biro ni James. “Eh ikaw, isasama mo ba gf mo?”

GF? Ahhhh oo nga pala. May gf na ako. 3 buwan na ang nakakalipas mula ng may mangyari sa amin ni Mabel. Matagal din naming tinago ang amin relasyon. Tinanong ko lang sya last week kung pwede namin gawing official ang aming relasyon dahil marami ng nakakahalata sa pagiging malapit namin sa isa’t isa.

“O ano Mabel? Tayo na ba?”

“Loko. Nakuha mo na nga ang virginity ko, tinatanong mo pa yan.” nangingiting sagot ni Mabel.

“I mean, officially. Tayo na? Di lang M.U.? Hirap na kasing i-deny na di kita girlfriend eh. Pansin kasi ng mga tao na panay ang dikit mo sa akin. He he he”

“Kapal mo, Jun. Mmmmmmm…”

Kinurot ako.

“Aray! Aray! Biro lang, biro lang he he he”

“Ikaw talaga kapal ng mukha” ani Mabel.

“Eh kasi naman nga. Tayo na ba?” pangungulit ko.

“O sya, sya. Ng matigil ka… oo tayo na.” nakangiting sagot ni Mabel.

“Talaga?! Yahoooooo! I love you!!!” sigaw ko

“Hoyy! Wag kang maingay at nakakahiya” nakangiting suway ni Mabel.

“Sabi ko, isasama mo ba syota mo?” ulit ni James.

“Ha? Di ko pa alam eh. Nagpapaalam pa sya sa mga parents nya” sagot ko.

“Naku pare, isama mo na. Dahil kung hindi, ikaw lang ang single sa grupo. Kawawa ka sa Baguio ha ha ha” pangalaska ni James.

“Bahala na. Di pa sya pinapayagan eh”

Dumating bigla sina Faye and Vince.

“Ehem”, bati ko.

“Hi Jun! Hi James.” bati ni Faye.

“Hmmmm mukhang late kayong pareho ni Vince? Anong ginawa nyong dalawa kagabi?” nanghuhuling tanong ni James

“Ha, eh”, nauutal na si Vince

“Nagkasabay lang kami sa lobby ni Vince no” depensa ni Faye

Halatang namumula si Faye. May itsura din si Faye. 5’2″ ang tangkad, sexy din at morena. Ni di ko naisipang ligawan itong si Faye. Bunsong babae ang turing naming 3 lalaki kay Faye. Well, dati siguro dahil eto nga at mukhang nagkaka-in-lab-an silang 2 ni Vince.

“Oo, nagkasabay lang kami papasok” pag-segunda ni Vince.

“Asshuuuu-sshuuuu-ssshhhhuuu” pangiinis ni James

“James ha? Di ka na nakakatuwa” napipikong sabi ni Faye.

“Tama na nga yan” sabat ko. “Ready na ba kayo bukas? Baka may nakalimutan pa tayo?”

“Handa na po lahat” sagot ni Faye

“Hokey. Masaya ito” sabi ni James. “Baguio, here we come!!!”

Kinabukasan, sa bus terminal ng Rabbit sa Edsa…

“Hi Mabel. Buti nakasama ka.” bati ni James. “Tama lang na kasama kung hindi, malamang nambabae itong si Jun sa Baguio he he he”

“Oo nga eh. Napapayag ko parents ko. Balak ko talagang sumama ng mabantayan itong si Jun” sabi at sabay tingin sa akin ni Mabel.

“Ah sya nga pala, Jun, Mabel, si Pebbles.”

“Hi!!!” bati ni Pebbles

“Hello” sabi ko

“Hi” sabi ni Mabel.

“O yung magsyota wala pa ba?” tanong ni James

“Eh parating na raw. Nag-text sa akin si Vince. Sabay daw silang nagtaxi papunta dito” sagot ko.

“Sina Faye and Vince na ba?” gulat na tanong ni Mabel

“Di… wag ka ngang magpapaniwala kay James. Luku-luko yan.” sabi ko.

“Ayyy oo, pilyo nga itong kaibigan nyo” may pagkapilyang sangayon ni Pebbles.

“Jun, maniwala ka. Nag-motel muna ang dalawa kaya late sila ha ha ha” kantiyaw ni James.

“Gagiks! Ikaw talaga. Pag si Faye napikon sa yo, James, yari ka. Teribleng mainis yun” pagpapaalala ko.

“He he he nagbibiro lang naman eh.” sagot ni James.

Makaraan ng ilang minuto, dumating na ang dalawa.

“Sorry guys, traffic eh” panghingi ng dispensa ni Faye.

“Bakit, Vince, matrapik ba sa Pasig? he he he” pangaasar ni James.

“Ha? Bakit naman Pasig? Eh pareho kaming taga-Quezon City….” di natuloy ni Vince ang sagot. “Langya ka. Di ako ganun ha? Di ako nagmo-motel!”

“Jaaaammmmeeesss!!!” sigaw ni Faye

“Ha ha ha peace, peace!” ani James.

“Hi Faye” bati ni Mabel.

“Hello” may pagkalamig na sagot ni Faye.

“Mare, si Pebbles nga pala” pakilala ni James sa kasama.

“Hi!” bati ni Pebbles

Ngumiti lang si Faye.

“Tara na at sakay na tayo ng makapili tayo ng mauupuan” yaya ni Vince.

Sumakay na kami sa bus. Isang oras pa bago ito aalis. Kaunti pa lamang ang mga nakasakay kaya maraming bakanteng upuan. Sina James at Pebbles ang naunang naupo. Sa pandalawahan sila. Kami naman ni Mabel ay umupo sa likuran nila. Sina Vince and Faye ay parang nagaalinlangan. Pero sa bandang huli, umupo din sila sa pandalawahan, sa likuran namin ni Mabel. Lumipas ang isang oras at umandar na ang bus. Kaunti lang ang nakasakay. Kakapagtataka kasi kadalasan pag ganitong summer eh maraming umaakyat ng Baguio. Mahaba-haba ang biyahe. Panay ang kuwentuhan naming walo. Kain ng chichiria. Inom ng softdrinks. Marami kaming mga baon. Sa bawat bus stop, lagi kaming bumaba para magunat. Maliban kina Faye at Vince. Nagpapaiwan lang sila sa bus.

“Galit ba sa akin si Faye?” tanong sa akin ni Mabel

“Di. Ganun lang talaga yun. Nagseselos lang yun sa yo” sagot ko

“Bakit? Gusto ka nya?” nagtatakang tanong ulit ni Mabel.

“Hindi. Hindi sa ganun. Kasi, sanay si Faye na sya lang ang babae sa grupo. So sanay sya na ang atensyon naming tatlong lalaki ay sa kaniya lang. Para kasi nya kaming mga kuya at sya naman ang bunso namin.” pagpapaliwanag ko.

“Ahhhh”, tango-tangong sagot ni Faye.

“O, James. Nasaan si Pebbles?” tanong ko.

“Nasa CR. Iniwan ko muna dun. Ayus ba pre? Hanep ang katawan no? Wild yun sa kama!” dire-diretsong salita ni James.

“Gagiks. Di ka man lang nahiya kay Mabel sa mga pinagsasabi mo” pangaral ko.

Namumula lang si Mabel

“Ha ha ha, sorry Mabel. Ganun kasi ako talaga eh. Ipakita ang natural. Anyways, kayo naman ni pareng Jun so part of the family ka na” ngiting sagot ni James.

Nangiti si Mabel.

“James, di ba may pagkaselosa si Faye?” tanong ko

“Bakit mo naman natanong?” balik nya

“Eh kasi itong si Mabel. Akala nya galit sa kanya si Faye. Kasi di raw masyadong pinapansin” pagtutuloy ko.

“Ha ha ha, Mabel, ganun talaga si Faye. May topak din yun minsan. Pero tama si Jun. Medyo selosa. Kita mo, di rin pinapansin si Pebbles. Gusto kasi nya sya lang ang babae sa grupo. K.S.P. kasi yun eh ha ha ha” sagot ni James.

“Ahhh ehhh kasi akala ko galit sya sa akin” sabi ni Mabel

“Asus, wala yun. Mawawala rin selos nun. Lalo na’t nagkakamabutihan na sila ni Vince” dagdag ni James.

Parang nakahinga ng maluwag si Mabel.

“O, yan na si Pebbles. Halika na at aalis na ang bus” yaya ko.

Bumalik kaming apat sa bus. Nakita namin ang dalawa. Magkadikit. Ng mapansin nilang parating na kami, medyo nagpormal sila, parang di nagpapansinan kunwari.

“Plastik” mahinang bulong ni James.

“Ano na naman ang binubulong-bulong mo dyan ha James?” taray na sabi ni Faye.

“Wala naman akong sinasabi eh” deny ni James.

“Kayo talagang dalawa, aso’t-pusa. Sya, sya tama na. Dapat tayong mag-enjoy, ok?” sabat ko

“He he he ako enjoy na enjoy na” nakangising sabi ni James.

At umandar uli ang bus. Sa sobrang haba ng biyahe nakatulog ako. Maya-maya naalimpungatan ako. Si Mabel nakasandal na sa akin. Tulog. Sumilip ako sa likod. Tulog ang dalawa. Nakasandal si Faye kay Vince.

“Hmmm… bagay sila.” sa loob-loob ko. “At least kilala namin si Vince. Di nya lolokohin si Faye.”

Si Vince. Pinakamatalino sa aming 4. Pinakamabait din sa tingin ko. Di makabasag pinggan. Minsan, mas mahinhin pa nga sya kaysa kay Faye. Tahimik. Sobrang tahimik di ko man lang napansin na nagpaparamdam na pala kay Faye. Smooth operator ang loko.

Mula sa harapan naman, lumabas ang kamay ni James. May inaabot sa akin. Kinuha ko.

“Tang na!” sa isip ko. “Bra?!!”

Mukhang tinanggal ni Pebbles ang bra nya. Malamang pinilit sya ni James na gawin yun.

“Luku-luko talaga!” naisip ko.

Si James, tsikboy ng grupo. Lagi na lang may naika-kamang babae. Mahilig kasi. Parang kuneho, tira ng tira. Pero mabait naman. Kung kinakailangan, nagiging seryoso din. Pero madalas palabiro, makulit at mapangasar.

Itinago ko ang bra. Ipapasoli ko na lang kay Mabel ng patago mamaya para di mapahiya si Pebbles. Bumalik ulit ako sa pagtulog. Nagising ako nung malapit na kaming bumaba. Gising na ang lahat at nagayos na. Si Mabel, nagpa-powder sa mukha. Si Faye naman ganun din.

“Napasarap tulog mo honey ah” sabi ni Mabel.

“Hmmmmm oo nga eh” sangayon ko.

Ngumiti lang si Mabel. Kinuha nya ang bag nya, nagulat sya ng may makita syang bra dun. Tumingin sya sa akin na parang nagtatanong.

“Shhhhh” mahinang sambit ko sabay turo sa harapan.

Nakuha kaagad ni Mabel ang sinasabi ko. Binalik nya ulit ito sa kanyang bag.

Ilang saglit lang at bumaba na kami sa terminal. Ang sakit ng katawan ko sa haba ng biyahe. May mga FX sa terminal at nag-arkila kami ng isa papunta sa bahay na inupahan namin ng limang araw. Malapit lang yung bahay. May ilang minuto lang ang nakarating na kami doon.

Medyo may kalumaan na ang bahay. Ito lagi ang inuupahan namin tuwing magbabakasyon kami sa Baguio ng grupo. Kakilala namin kasi ang may-ari. Kaibigan ng tatay ni Faye ang nagpapa-renta. So may kaunting discount kapag inuupahan namin. Apat ang kuwarto ng bahay. Usually tigi-isa kaming kwarto nina James, Vince and Faye. Pero ngayong may mga kasama kami, di ko lang alam paanong set-up.

“Ops, ops, ops, amin ni Pebbles yung kwartong malaki.” sambit ni James.

“Ok. Ah, Mabel, sama ba tayo ng kwarto o ano?” tanong ko.

“Sama tayo Jun. Mukhang kakatakot ang bahay eh”

“Ha ha ha di no. Di naman haunted house yan. May pagkaluma lang pero ok naman” sagot ko.

“Basta, sama na lang tayo.” pagpupumilit ni Mabel.

“Ok, ok. Tutal mag-girlfriend-boyfriend naman tayo eh” sabi ko.

“Ah eh… Ako dun ako isang kwarto sa taas” singit ni Faye.

“Vince, ok lang ba sa yo na kami ni Mabel sa taas na rin?” tanong ko

“Ha eh…” sumulyap si Vince kay Faye. “Oo naman. Sa kwarto sa basement na lang ako”.

Apat na kwarto. Tatlo sa second floor. Isa sa basement.

“Achhooo chooo choooo! Di pa kasi aminin eh” alaska ni James.

Tumingin lang si Faye kay James. Inis na inis. Si Vince naman napapakamot sa ulo’t nangingiti

Nagpuntahan na kami sa aming mga kwarto. Pagkapasok namin sa kwarto ni Mabel, nahiga ito sa kama.

“Jun, pahinga lang ako ha”

“Sure” sabi ko.

Nilabas ko ang mga gamit namin sa bag. Kinuha ko ang dala naming comforter at bed sheet.

“Hon, tayo ka muna dyan. Lagyan ko muna ng bed sheet yan” sabi ko.

Tumayo si Mabel at tinulungan nya akong ilagay ang bed sheet at ipatong ang comforter. Pagkatapos, bumalik sya sa pagkahiga. Napagod sa haba ng biyahe malamang. Tinuloy ko ang pagaayos ng gamit. Ang mga damit namin ay nilabas ko ay hinanger at nilagay sa mga kabinet. Pagkatapos kong magayos, tinignan ko kung tulog si Mabel. Ng masiguro kong tulog, lumabas ako ng kwarto. Dumaan ako sa kwarto ni Faye. Bukas ang pinto pero walang tao.

“Malamang nasa baba na” sabi ko sa sarili.

Bababa na sana ako ng may marinig akong ingay sa kwarto ni James.

“Unnngggghhhh”

“Parang ungol yun ah” isip ko

“Ohhhhhhh, oooohhhhhh, fuuuccckkkk meeee… Jaaaammmmmeeesss”

“Ungol nga. Si Pebbles malamang. Tang nang James to. Ang libog talaga. Di man lang nagpahinga” sa loob-loob ko.

Grabeng umungol si Pebbles. Ang lakas. Rinig na rinig mula sa labas.

“Ha ha ha kaya siguro bumaba itong si Faye” natatawang sabi ko sa sarili. “Narinig siguro ang kalaswaan sa kabilang kwarto.

Tabi-tabi kasi ang kwarto sa taas. Si James ang sa gitna. Bumaba ako. Sa sala, nandun si Faye.

“Faye, si Vince?” tanong ko

“Jun ha, pati ikaw. Napipikon na ako” sagot ni Faye

“Ha? Bakit? Ano bang problema?” nagtataka kong tanong

“Eh kasi di nyo na kami tinigilan. Inaalaska nyo kami ni Vince” sagot nya.

“Ano ka ba naman, Faye? Wag ka ngang magsungit dyan. Di ka na mukhang engkantada nyan” pagbibiro ko.

Nangiti si Faye. Lokohan namin na si Faye ang diwata dun sa palabas na “Okay ka, Fairy ko.”

“Si James kasi. Nakakainis”

“Ano ka ba? Di ka na nasanay kay James. Ganun talaga yun.” kako

“Eh oo nga. Ewan ko ba bakit affected ako lately sa mga biro nya”.

Tahimik lang kami pareho.

“Jun, ok lang ba?”

“Ang alin, Faye?”

“Kuwan….” di matuloy ni Faye

“Alam mo, kung ang sa inyo ni Vince, ok na ok. Masaya ako para sa inyong dalawa” nakangiti kong sagot.

Ngumiti si Faye. Yung ngiti na masayang-masaya.

“Talaga?” ulit nya

“Oo naman. Nung nasa bus nga eh nung tulog kayong dalawa, natignan ko kayo. Bagay kayo”

Namula si Faye.

“Kayo na ba?” diretso kong tanong.

“Hmmmm… o… o… oo” nahihiyang sagot ni Faye.

“Yun naman pala eh. Congrats Mare.” masaya kong sambit

Sakto parating si Vince.

“Hoy kups, halika nga rito” tawag ko kay Vince.

“Ha, eh, bakit Jun?” tanong nya

“Ikaw ha, pag pinaiyak mo itong si Faye, papasakan namin ni James ng bote ang butas ng puwet mo” pabiro ko.

“Ha? Eh?” tumingin si Vince kay Faye.

Ngumiti si Faye at sinabing, “Oo, alam na nya. Inamin ko na kay Jun”

Parang nakahinga na maluwag si Vince.

“Haaayyyy… salamat…” nakangiting bigkas ni Vince

“Bakit ka nagpapasalamat?”

Napatingin kaming tatlo. Si James. Kakababa lang.

“Sabihin nyong dalawa kay James ang balita” sabi ko kina Faye and Vince

“Anong balita? Faye? Vince?”

“Eh, James…. kami na ni Faye” sabi ni Vince

“Woooowwww! Congrats pare. Pero seryoso, anong gayuma ginamit ni Faye para maakit ka?” pangaalaska ni James.

“Jaaaammmmeesss!!!” sigaw ni Faye

“Ha ha ha biro lang. Alam mo naman na mahal kita sis. So masaya ako para sa inyo ni brother Vince” sabi ni James.

Nangiti ang dalawa.

Naupo kaming apat sa sala at nagkuwentuhan ng nagkuwentuhan. Di namin napansin na maga-alas sais na pala ng gabi.

Itutuloy…

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.