Bantay ng Computer Shop: Chapter 14 – Copywright Infrigement
Linggo ng umaga.. Alas kwatro ng madaling araw.. Di ako makatulog dahil sa mga sinabi ni Chichi na babantayan nya
daw ang bawat pagkilos ko.. Alam kong magbabago ng konti ang daily routine ko sa mga darating na araw..
Alam kong galit si Bianca dahil di natuloy ang dapat na gagawin namin dahil sa pagdadahilan ko na masakit ang
balakang ko..Well partly tama naman yon dahil talagang may nararamdaman akong masakit sa balakang ko..
Sinilip ko ang cellphone ko.. Alas kwatro dyes ng madaling araw..Di ko na makuha ang antok ko..
Nagpasya na akong bumaba at magtimpla ng kape..Nakatulala lang ako sa lamesa habang hinihintay na kumulo ang
mainit na tubig na sinalang ko sa kalan…
Mukhang matatagalan pa kaya pumunta ako sa shop at binuksan ang server.. Agad kong ikinabit ang internet at
binalikan ang tinitimplang kape..
Dinala ko ito sa tabi ng server at nag browse ng facebook..
Naalala ko yung kwento ni “Supertoyantz” kaya agad kong binisita ang gawa ng idolo ko..
Pagpasok ko sa Pinoytambay.com na alam kong syang tanging pinagpopostan ni Toyantz ng mga obra nya bukod sa
kalibugan.org at pserotica.com
Humigop ako ng kape at napamura dahil wala palang asukal.. Agad akong nagpunta ng kusina para timplahan ng
maayos ang bwisit na kape..
Pagbalik ko server ay agad kong sinilip ang akda ni Toyantz na “Bantay ng Computer Shop..”
Agad akong napangiti ng makita ko na may dalawang chapters ng pinost ang mokong..
Pagtapos kong mabasa ang last chapter ay nagtaka ako.. Nakita ko na may nag popost ng kung anu anung picture ng
babae sa gawa ni Toyantz..
“Shiegeno.,,Sino naman tong tukmol na to?..” tanging nasabi ko at isa isang tiningnan ang malalaswang larawan
daw nung mga characters ni Toyantz..
Habang isa isa kong sinisilip ang mga pictures ay parang natatawa ako ng di malaman.. Halatang imbento ang mga
pictures na nakapost.. Mukhang may namimirata sa gawa ng idol ko..
Di ko na lang pinansin ang isang ito.. Parte talaga ng kasikatan ang panggagaya ng ilan..Pinatay ko na lang ang
computer at sinaid ang kape.. Muli akong nag sepilyo at umakyat ng kwarto..
May sarili pa akong problema para problemahin pa ang problema ni Toyantz..
….
Mainit na ang sikat ng araw na pumapasok sa binta ng kwarto ng magising ako..Agad akong napabalikwas ng bangon
at tumakbo sa baba upang maligo..
Di pa ako nagsusuklay at wala pa akong suot na T-Shirt ay hinatak ko na agad ang pinto..
Maingay na sa labas.. Tanghali na naman akong nakapagbukas.. Tangna talaga..
…
Hapon ..
Mainit na sa loob ng shop.. Maalinsangan na naman kaya inayos ko na ang electrifan nila Inay at tinutok sa nag iisang
customer ko.. Napangiti sya at nag thumbs up sa akin..
Bumalik ako sa server at nagbasa basa sa mga sagutan sa post ni Toyantz..Maya maya may pumasok sa shop..
Pagtingin ko ay si Tenten pala ito..
“Oy Ten.. Look mo oh..” bungad ko sa kanya..
“Yo.. Baket?..” tanong nya at tumabi sakin..
“Wala naman.. Eto kasi o.. Nakakatawa eh… Sino ba talaga yung nagsulat ng Bantay ng Computer Shop..?..”
tanong ko sa kanya..
Natawa si Tenten at nakiusyoso sa binabasa ko..
“Tangek.. Si supertoyantz ang may gawa nyan.. Ayan oh..” turo nya sa author ng kontrobesyal na kwentong
barbero..
“Eh eto pa oh..Baket may ganito?..” tanong ko sa kanya sabay lipat ng windows sa isa pang site kung saan naka
post din ang parehong kwento ni Toyantz..
Nabigla si Tenten at maging sya ay nakaramdam ng inis..
“Langya talaga mga pinoy eh..Kapag nakakita ng pagkakataon para sumikat, kahit na may matatapakan syang
kapwa nya.. Sige pa rin ..Kaya walang asenso sa Pinas eh..” napapailing na sabi nya..
Maging ako ay sumang ayon sa sinabi ni Tenten..
“Eh bakit ba kasi may mga ganito..?..” tanong ko sa kanya pero bigla syang sumigaw..
Pagsilip ko ay nakita kong parating na ang apat na poging .. Nagkukulitan sila at parang nagtuturuan..
“Sabi ko sayo eh.. SAyo nga nakatingin yung bading Darius..” sabi ni Aldrin sabay tapik sa balikat ng kaibigan
nya..
“g*g*.. Kay Romeo ..” sabi naman nya at nagtawanan yung apat..
“Hi ! Hi !..” sabay sabay na sabi nung apat pagpasok sa shop..
Agad na nagbukas ng PC yung mga ungas at naupo yung tatlo.. Pero si Romeo ay nakiusyoso sa ginagawa namin ni
Tenten..
“Oy.. Porn yan no.?..” tanong ni Romeo at nagtawanan yung tatlo pa.
“g*g*.. Naalala nyo ba yung pinasa ko sa inyong kwento?..Yung Bantay ng Computer Shop ni Toyantz?..”
bungad ni Tenten at napatango si Romeo..
“Tangna.. Pinasa ko sa mga friends kong iba .. Ayun nabaliw na..” sabi ni Rhoi at nagtawanan kame…
“May friends ka tol bukod sa amin?..” tanong ni Romeo at lalo lang silang nag kulitan..
“Eh anu bang meron dyan?..” tanong ni Aldrin na abala sa kakakutingting sa facebook friends nya..
“Eh eto nga kasi.. Nakakatawa na nakakaasar din ng konti eh..” bungad ko at lalo silang nag tawanan..
“Linawin mo ..” sabi ni Romeo at lumapit na rin sya sa amin ni Tenten..
Tinuro ko ang palitan ng mga pag uusap sa post ni Toyantz at maging sya ay parang nag iba ang timpla ng mood..
“Langya talaga.. Ganyan talaga pag sikat.. Maraming nagnanakaw ng gawa ng may gawa..” sabi ni Romeo at
napasang ayon ang lahat..
“Pero di ba masama to?.. I mean kahit na di naman government site itong pinagpostan nya .. Pagnanakaw pa
rin na maituturing yung ginawa nung iba di ba?..I mean labas na yung pakikialam nung “Shiegeno” pero itong isa ang
mas malala.. ” sabi ko sabay turo ng isa pang site kung saan naka post ang gawa ni Toyantz..
Napamura si Romeo at binasa kung sino ang nag post…
“Ethan_King?.. Sounds gay.. Wala siguro syang utak kaya nagnanakaw ng gawa ng iba.. Tingnan mo nga kung
may Credits of Appreciation sya kay supertoyantz..” sabi ni Romeo at sinilip ko ng maigi ang post ni Ethan_King..
“Wala pre..” sagot ko at lalong napamura si Romeo..
“Wala pare?.. Ang kapal ng mukha.. Tangna kung ako yan si supertoyantz, idedemanda ko yan.. Pwede yan eh…
Copywright Infringement.. Or kahit na wag ng umabot sa ganun.. Ireklamo nya sa Admin ng site na pinagpostan nya..
Taena.. Wala sigurong utak yang “Ethan_King” na yan? ” asar na asar na sabi ni Rhoi..
Napailing kaming lahat sa kababawan ng isang ito… Siguro nga wala talagang kakayahang gumawa ng isang simpleng
kwento si Ethan_King …Anu ba naman yung tapunan mo ng konting credits ang totoong may akda..?..
“Ewan ko ah.. Pero sa isang normal na tao na may normal na utak na gumagana.. Di nya nanakawin ang isang
gawa lalo na at wala talagang kakayahan ang taong yun na gumawa ng sarili nya…Kahit na nakawin nya man ito..
Sana man lang bigyan nya ng konting respeto yung totoong may ari.. Ang tawag dun pare edukado..” mahabang
paliwanag ni Romeo at walang tumutol sa kanya…
Maging ako ay parang biglang naasar sa Ethan_King na yon… Ang kapal masyado ng mukha..
“Ewan ko lang kung mag post pa yan si supertoyantz ng mga kasunod na chapters.. Ewan ko lang kung may
manakaw pa yang Ethan_King na yan.” sabi ni Darius..
“Pero pre dapat isipin nya rin yung mga naniniwala sa kanya.. Panu kung sakaling magalit nga sya tapos mag
post sya ng di maganda?.. Baka mawalan sya ng readers..” sabi ko at natahimik ang lahat..
“Ewan ko lang… Pero panu naman yung karaptan ni supertoyantz sa mismong ginawa nya?.. I mean, tao lang
yan mga tol.. Natural na magalit yan sa pagnanakaw sa gawa nya ni Ethan_King.. Ok lang naman sigurong magalit sya
pero wag naman sanang sobra.. Idaan nya na lang sa susunod na chapters ng gawa nya.. PAtamaan nya yung
makapal ang mukha na yun.. ” sabi ni Aldrin..
“Hay nako.. PAti tuloy tayo namroblema na.. Ngapala pre… Anniversary ng parents ko next week.. Invited lahat
ah.. Sama mo si Dhea..” sabi ni Darius..
“Geh pre.. Pupunta kame.. ” sagot ko at nagsimula na silang mag laro..
Maging si Tenten ay sumali na rin sa laro nila..
Tahimik lang akong nagbabasa at nagmamasid sa mga gawa nung Ethan_King..
“Pero pre.. Look o.. Nagsorry yung shiegeno.. Ewan ko lang kung mapatawad sya ni Toyantz..” sabi ko at
nagtawanan sila..
“Parang mabait naman yan si Toyantz eh.. Sa tingin ko naghihintay lang yan na humingi ng tawad yung mga
nagnakaw ng gawa nya.. ” sabi ni Romeo at sumang ayon lahat kame..
“Respeto pare.. Yan ang tatak ng edukadong tao.. Dapat paganahin ang utak at hindi yung pananamantala lang
lagi ang iniisip.. Wag nyong tularan yang Ethan_King na yan..” sabi ni Rhoi at tumahimik na sila..
Napaisip ako bigla.. Nakikisimpatya ako kay Toyantz at parang naawa ako bigla kay Ethan_King dahil sa katangahan
nya.. Kung sakali mang magalit sya eh siguro dahil na rin sa kagagawan nya.
Paano kung di na magpost ulit si Toyantz?.. KAya nya bang dugtungan yung kwento?.. Wala talagang utak ang loko..
Napailing na lang ako at pinatay ang PC.. Bahala na ang kunsesya nya.. Kung meron man..
Abang abang na lang sa mga totoong gawa ni Supertoyantz…
Bago kasi gumawa ng hakbang ay siguraduhin muna kung tama ba o mali ang gagawin.. Tsk tsk..
GoodLuck Ethan_King !…
Sana tubuan ka ng utak kahit konti..
ITUTULOY !!!
Post Comment