Athan: Bulag na Masahista Chapter 18-A: Mga Anghel ng Kadiliman


Advertisements

Kinaumagahan pagkagising ko dinig na dinig ko ang boses ni Uly, pinasok niya ang kwarto ko at binangon ako. Medyo kinakabahan ako pero inalalayan niya ako bumaba at dinala sa garden nila sa likod ng bahay. “Pare tulog si misis, sekreto natin tong almusal na to. Ayaw niya ako kumakain ng madami pero habang tulog siya kakain tayo madami” sabi nya. Naupo kami sa harap ng maliit na lamesa, dumating ang mga kasambahay nila at hinarap ang madaming itlog, fried rice at tapa. “Tapsilog my favorite, Athan, magkakamay tayo, sige eto lagyan ko plato mo” sabi niya at inasikaso niya talaga ako. “Yung asawa niyo po di natin papakainin?” tanong ko. “Tulog siya, baka napuyat nanood nanaman ng mga dvd, hayaan mo siya sige kain lang ng kain, kailangan ubusin natin ito” sabi nya. Di na ako nagtaka bakit ang laki niya, ang takaw takaw niya at wala siyang alam kung bakit ganon kahimbing ang tulog ng asawa niya.

Nakaligo na ako at nakapagbihis, medyo naiilang ako pagkat si Uly ang kasama ko lagi. Bago lunch dumating sina Rowena at team mates niya, pinagsisiko ako ni Uly, “Athan sana nakakakita ka, ang gaganda nila pare” bulong niya sa akin. Di niya alam naglalaway narin ako sa katitingin sa kanila. Nagising na si Mina dahil sa ingay ng mga nagsisigandahang mga anghel, sa dami nila pinauna na namin sila kumain.

After lunch nagpasya si Mina sa labas magaganap ang pagmamasahe, thrilled naman ang girls pagkat habang nag aantay sila ng turn nila pwede pa sila magswimming. “Honey can I watch?” tanong ni Uly at natatawa ako. “Oo naman loves” sagot ni Mina at niyakap siya ni Uly. “tignan mo Athan gano kabait ng asawa ko?” sabi ni Uly. “opo ang bait bait nga po niya, mahal talaga niya kayo” sabi ko.

Bantay sarado ako kay Mina, wala siyang tiwala sa akin. May hinanda silang parang make shift massage table at sumalang na ang unang customer ko. “Alam mo di mo na kailangan manood” bulong ko kay Mina. “Tumigil ka, dapat malaman mo selosa ako” bulong din niya. “E bakit yung asawa mo pinapayagan mo manood?” tanong ko at tumawa siya. “Kailangan mo pa ba itanong yan? Hoy mag ingat ka sa mga galaw mo pinapanood kita tandaan mo yan. Lalo na sa sister ko, Athan ha…wag sila…ako lang dapat” banta niya at tumawa ako.

Isa isa ko na sila minasahe at talagang binantayan ako ni Mina. Meron silang cutey pie na kasama, gusto ko sana malaman name niya pero tahimik lang akong nagtrabaho. Maingat ang mga kamay ko pagkat pag lumilihis sila ng landas pinapansin ni Mina yon. Napagod na ako pagkat dose sila lahat, si Rowena ang last at umupo pa ng mas malapit si Mina. “Ate bakit mo ba kami binabantayan?” tanong ni Rowena. “Mahirap na e, wala akong tiwala” sabi ni Mina at natawa ako. “Narinig mo yon Athan wala tiwala ate ko sa iyo” sabi ni Rowena. “Gaga! Sa iyo ako wala tiwala” sabi ni Mina at tawa ng tawa si Rowena. “Ate naman as if maglalandi ako dito, outdoors ito at ang daming tao. Buti kung kwarto ito” hirit ni Rowena at piningot siya ng ate niya.

Alas singko na at pagod na pagod ako, nanginginig ang mga kamay ko at buti nalang minasahe ni Mina ito. “Uy Athan thank you ha, ihatid nalang kita mamaya after mo magmeryenda” sabi niya sa akin. “Honey, nandito na sina Mayor” sigaw ni Uly at nagulat si Mina. “Oo nga pala, hala nakalimutan ko dito pala sila magdidinner, shet pano to” sabi nya. “Okay lang kahit ako nalang ang uuwi mag isa” sabi ko sa kanya. “Kami nalang ate tutal lalabas kami ihatid nalang namin siya sa taxi stand” sabi ni Rowena. “Ay okay, sige iwan ko na kayo kailangan ko magbihis” sabi ni Mina.



Pumasok kami sa loob ng bahay kasama ang ibang friends ni Rowena, napadaan kami sa mini bar at biglang may naisip sila. “Uy Rowena, look o may tequila si kuya dito” sabi ng isang kaibigan niya. “Dito nalang tayo, kunin natin drinks tapos dun tayo sa room sa taas” sabi ng isa. “oo nga tipid pa, libre na alak tapos pwede naman tayo magdekwat ng food para pulutan” sabi ng isa pa. “Dali dali, kunin niyo na, lahat ng kaya niyo kunin iakyat na” sabi ni Rowena. “Ah pakihatid nalang ako sa kanto ako na bahala” sabi ko. “Wag na, makijamming ka muna sa amin, promise hatid ka namin later” sabi ni Rowena. “Hindi talaga pwede kailangan ko na umuwi e” palusot ko. “ito naman killjoy mo, sige na, ihahatid ka namin mamaya” sabi niya sa akin.

“Ei Rowena kami di na kami magstay pa” sabi ng iba. “Ha? Akala ko ba magcelebrate tayo sa pagkatalo natin, kayo naman o” sabi ni Rowena. “Next time nalang, mauna na kami” sabi ng isa. “Sama na ako sa kanila” hirit ko pero kumapit si Rowena sa akin. “Sige alam niyo naman nasan ang front door, oy kj niyo ha, sige next time nalang pero pag nagbago isip niyo nandito lang kami” sabi ni Rowena. Umalis na yung anim, anim nalang ang natira, buti naiwan yung cutey pie na crush ko kaya sumama na ako sa kanila sa taas.

Pumasok kami sa mas malaking guest room, “Ito daw ang kwarto ko sabi ni Kuya Uly, dito na tayo” sabi ni Rowena. May kumatok sa pinto at si Uly yon, “Bakit kayo nandito?” tanong ni Uly. “Kuya mag iinuman sana kami, we got drinks from your mini bar” sabi ni Rowena. “Okay no problem, pero pwede naman kayo sa mini bar nalang e” sabi ni Uly. “Hmp kuya si ate di papayag e” sabi ni Rowena. “Ah okay, sige anyway nagbago ang plano we will have dinner with the mayor sa labas nalang daw. So if you need pulutan or anything just tell the maids. O si Athan kasama niyo ba?” tanong ni Uly pagkat nakita niya ako. “Opo kuya pero ihahatid namin siya later” sabi ni Rowena. “okay pero take care of him or sabihin niyo lang sa driver na isa para ihatid siya mamaya, sige na just keep the door closed para di malaman ng ate mo” sabi ni Uly at sinara na niya ang pinto.

Tahimik lang sila pagkat di pa nakaalis sina Mina at Uly, walang mga upuan sa kwarto kaya nagpasya sila na sa sahig na kami lahat mauupo. Malaki yung kwarto kaya parang circle ang nabuo sa sahig, “Sige ako nalang tanggero” alok ko at bigla sila nagtawanan. “Hoy quiet muna nandyan pa si ate” sabi ni Mina. “Si Athan patawa din pala” sabi ni cutey pie at ang ganda ng ngiti niya. “Oy wag niyo ako itrato na bulag ha, normal lang, treat me as one of the girls noh” sabi ko at nagbakla bakla ako na lalo nila ikinatawa. Nagnenerbyos si Rowena pagkat maingay kami, ilang beses siya sumilip sa labas ng pinto.

Nakita ko apat na bote ng tequila, wala kaming lemon at asin, nagbalak sila kumuha pero nandon pa sina Uly at Mina. Nagtiis nalang kami sa purong tequila at kunwari naman ako na di ako umiinom masyado. “Ah pwede ba half lang sa akin kasi I don’t drink much” sabi ko. “No problem ako tanggero sagot kita” sabi ni Rowena pero nakita ko pinuno niya ang shot glass at inabot sa akin. “Ah bakit puno ito?” sabi ko. “Ah kasi mas maliit baso mo” sabi ni Rowena at nagtawanan sila. “Ah okay, I trust you” sabi ko kunwari sabay inom.

Thirty minutes lumipas at nakalahati namin ang unang bote, “Athan may napansin lang ako ha, close kayo masyado ni ate” sabi ni Rowena sa akin. “Ah friendly lang kasi ako” sabi ko. “Hmp, duda ako, first time kita nakita nahuli ko kayo sa wedding day ni ate kayong dalawa lang sa room niya. Tapos kanina talagang di ka niya iniwanan e…so ano ba talaga Athan?” tanong niya at lahat sila nakatingin sa akin. “okay aamin na ako pero sana secret lang natin itong sasabihin ko” sabi ko at lalo sila naintriga.

“Aamin na ako, close kami ng ate mo kasi…pareho namin love si Uly…oo grabe he is so huggable hmmm” landi ko at bigla sila nagtawanan. Yung isa lumabas ang shot niya sa ilong niya sa biglang pagtawa kaya ubod ng tindi ng pagtulo ng luha sa mata niya. Naging maingay ang tawanan at lahat inasikaso siya. “Ang gago mo Athan” sabi nya sa akin at tumawa lang ako.

Naubos ang first bottle, bubuksan na sana yung second pero naisip na kumuha ng asin at lemon. Pagbalik nila balik sa sahig at nabuksan na ang second bottle sa wakas. “Teka kanina pa ako nalilito sa inyo e. Baka pwede ko kayo makilala muna para alam ko naman kaninong boses ang mga naririnig ko” sabi ko. “E kahit naman magpakilala kami di mo din lang kami matatandaan e” sabi ng isa. “Pwede, I can touch your faces then mamememorize ko na” sabi ko at di sila naniwala. “Ows? Kaya mo gawin yon just by touching?” tanong ni cutey pie. “Yup, siyempre plus your voices, tell me your names, I can hear your voice then I will touch your face then alam ko na” sabi ko.

“Sige nga, o ako kilala mo na ako. Ako si Rowena, sige nga” sabi niya at lumapit siya sa akin. Hinawakan ko ang face nya at kinapa talaga. Mas maganda siya kesa sa ate niya, maputi siya at mas malaman pa sa ate niya. “Ah okay si Rowena…pretty face, much prettier kesa sa ate mo” sabi ko at napatili siya. “Say your name again please” sabi ko. “Rowena” sabi nya at kunwari pinikit ko mata ko at kinapa pa ang face niya. “Okay na memorize na kita” sabi ko. Isa isa sila nagpahawak ng mukha, last si cutey pie, “Jena” sabi nya sa akin. “Wow, Jena is very cute, singkit ang eyes…palangiti ka pa ha…Jena…okay na” sabi ko. Si Rowena, Jena, Michelle, Aileen, Melanie at si Angelica, lahat magaganda at nagsisitangkaran maliban kay cutey pie ko.

“Sige nga, by voice memorize mo na?” tanong ni Melanie. “Yup, sige pero give chance to analyze” sabi ko at tumawa sila. Isa isa sila nagsalita at nabilib sila at nahulaan ko ng tama. Di sila nakuntento at pinahawak nila face nila ulit without speaking at siyempre perfect record ulit ako. Bilib na bilib sila sa akin at lalo kami naging close sa isat isa. Nakalahati na ulit ang second bottle at medyo napansin kong umiingay sila.

Third bottle naubos at kakaiba na ang kilos nila, lalo na si Rowena na nasa tabi ko di niya namalalayan siguro na kanina pa niya hinahawakan ang kamay ko. Si Jena ngiti na ng ngiti wala namang rason, bukas na ang ikaapat na baso, sanay ako sa ganitong inuman kahit medyo tamado na ako tinitigasan parin ako kay Jena. “Alam ko na isang test Athan” sabi bigla ni Aileen. “Ano yon?” tanong ko. “Kailangan mo sabihin sino sa amin ang best kisser” sabi nya.

“Di ba pwede sabihin ko nalang sino pinakamaganda sa inyo?” suggest ko at tumahimik sila bigla. “Sige sino?” tanong ni Rowena. Napaisip ako kunwari at lahat sila nakatingin sa akin. “Hmmm mahirap mamili pero meron isa” sabi ko at di sila kumukibo. “Ikaw!” sigaw ko sabay turo sa dingding, wala naman nakaupo don kaya tumawa sila bigla. “Wala naman nakaupo don e” sabi ni Angelica. “Alam ko nakikita ko naman e” biro ko at lalo sila natawa akala nila nagbibiro ako. “Athan talaga patawa, sige na ano para naman malaman namin sino best kisser, siguro sport naman lahat tayo dito ano?” sabi ni Aileen. “Sige why not, pero pano?” tanong ni Michelle.

“Simple lang, parang body shots, lahat tayo anim iinom, pero yung asin nasa lips ni Athan, shot muna bago yung asin. Ayun ganon lang, so in the end parang kiss narin” sabi ni Aileen. “Sige, o game since ikaw nag suggest ikaw na muna” sabi ni Jena. “Teka teka, ano ako karne nalang na pwede ipasa pasa, di niyo ba kukunin permission ko?” sabi ko at tumawa sila. “Athan ayaw mo non mahahalikan mo kami lahat?” tanong ni Melanie. “oo nga sabi ko lang parang respect you ask permission, di naman ako tatanggi e” sabi ko at ang tindi ng tawanan nila. Nagsimula na ang game, una sumalang sa harapan ko si Aileen, nagshot siya sabay pinahid ang asin sa labi ko, “Come to daddy” biro ko at tumawa siya, “Parang gustong gusto mo ha” sabi ni Aileen, “Of course, pwede ba with hug?” biro ko pa at kinurot niya ako. “Game na” sabi nya at nilapit niya ang labi nya sa mga labi ko, hinalikan niya ako at napakasimple lang pala, agad din siya nagbitaw di pa ako nag enjoy.

“Boring!” sabi ko at nagtawanan yung iba. Bumalik sa pwesto si Aileen at tumahimik. Natapos yung apat, nabwisit lang ako pagkat di sila todo bigay, naexcite ako pagkat si Jena na, luhuhod siya sa harapan ko at nakita kong kinikilig pa siya. Pagkainom niya bigla siya natawa at nagpacute, lumapit siya sa akin at bigla ako niyakap, bukang buka ang bibig ni Jena, nagulat ako, hinalikan niya ako at akala ko maiksi lang pero nagtuloy tuloy siya na kinagulat ng iba. “Hala Jena! Ang landi mo!” sigaw ni Aileen pero di pa siya nagpaawat. Ang lambot ng mga labi ni Jena, crush ko siya at di ako makapaniwala na naghahalikan kami, humawak siya sa ulo ko at napasandal ako sa dingding, sumama na sa laro ang mga dila namin. Trenta segundos nagtagal ang halikan namin at bumitaw na siya, nagtilian yung iba at tulala lang ako. Parang nahiya si Jena na bumalik sa pwesto niya, di pa ako nakarecover sa ginawa niya at tinatawanan ako ng iba.

“Shet…panalo na si Jena” sabi ko pero biglang humarap si Rowena sa akin. “Hoy meron pa ako” sabi nya. Kinuha niya ang baso at kinargahan ng maiinom, nilagyan ng asin ang mga labi ko, bago siya uminom lumapit siya at bumulong sa tenga ko. “Kahit di mo aminin alam ko may nangyari sa inyo ni ate” sabi nya at nagulat ako. Pumatong siya sa ibabaw ko na lalong kinagulat ng iba. “Naku nagalit si Rowena” sabi ni Michelle at tumawa si Jena.

Hinawakan ni Rowena ang kwelyo ko at nilapit ang mukha ko sa mukha niya, seryoso ang itsura niya at nagtitilian ang iba. Nagdikit ang mga ilong namin, nakatitig siya sa mga mata ko, nagdikit ang mga labi namin pero di niya pa ako hinahalikan. Pinagilid niya ako sabay dahan dahan ako napahiga sa sahig, nakahiga siya sa ibabaw ko, binitawan ang kwelyo ko sabay tinungkod ang mga kamay niya sa sahig. Pinagilid niya ulo niya at nagdikit ng tuluyan ang mga labi namin. Inubos niya ang asin sa mga labi ko, binuka ko konti ang bibig ko at mabilis niyang naipasok ang dila niya, kung may tinatawag na torrid kiss ewan ko na anong ginawa niya sa akin. Gigil na gigil siya na parang mauubos ako, halos mawalan ako ng hininga, niyakap niya ulo ko at napayakap din ako sa kanya. Naririnig ko ang tilian at kantyawan ng iba pero tila nabibingi ako sa paghahalikan namin ni Rowena.

Naramdaman

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.