FALL OF ADAM PART 3


Sinindihan niya ang hawak na sigarilyo matapos maghiwalay ang aming mga katawan. Kinagat niya ang kanyang labi at may kapilyahang ibinuga sa aking mukha ang usok mula sa sigarilyo. Kumuha ako ng tubig para makabawi agad ng lakas at mabilis na bumalik sa tabi n’ya.

Tanging ang maliit at malamlam na ilaw mula sa lamp shade ng aking kwarto ang saksi sa mainit na tagpong pinagsaluhan namin ni Cristine. Ramdam ko pa ang kirot dulot ng pagbaon ng kanyang matutulis na kuko sa aking likuran. Aminado akong marami ng babae ang dumaan sa akin pero kakaiba ang dating ni Cristine. Bukod sa libido, sigurado akong may kakaibang paghanga akong nararamdaman para sa kanya. May nagtutulak sa akin na dapat kong alamin ang kanyang pagkatao.

“God, you’re awesome!” wika niya habang tinatakpan ng kumot ang hubad na katawan. “Ano nga palang pangalan mo?”

Bahagya akong napangiti. Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng dashboard. Higit apat na oras na kaming magkasama pero hindi pa pala niya alam ang aking pangalan. “Ricardo. Pero mas prefer ko ang RJ.”

“RJ. Hmmm. ” Hinaplos niya ang aking mukha pababa sa aking dibdib na nagdulot muli ng kakaibang sensasyon. “Nice to meet you. Badtrip! Wala ako maisigaw kanina e..”


“Hindi ka kasi nagtatanong,” natatawang sagot ko. “Buti ako alam ko na name mo.” 

“Maiisip ko pa ba? Nalibugan na e.” 

“Sabagay.” Hinalikan ko siya ng bahagya. Gumanti din naman siya at paminsan ay kinakagat ang ibabang labi ko. Kinapa ko ang aking wallet sa malapit na drawer. “Ito nga pala ang lisensya mo,” patuloy ko habang isinisingit iyon sa pagitan ng kanyang dibdib.

“Naughty!” Hinampas niya ang aking kamay.”Napatunayan kong di ka nga bakla.”

“Sabi ko sa’yo masama akong hinahamon e! Ako pa!” 

Nagtawa siya. “Sus! Lahat kayong mga lalaki laging ipinagmamalaki ang sarili pagdating sa sex.” Ipinatong niya sa ash tray ang sigarilyo na halos nangalahati na agad. “Pero 50% ng mga babaeng may karanasan ay nabibitin sa kanilang partner.” 

“May statistics ka pa talaga ah. Nagsurvey ka?”

“Open ako sa sex topic sa mga friends ko. Most of them, nakaranas maging pampatulog lang. Sa una lang kayo magaling!” 

“Nakakaramdam din naman ng pagod siyempre. Pero kapag nakabawi siguradong mababaliw sa pag-ungol ang babae.”

“Hindi lahat ng umuungol, nasasarapan. We moan paminsan para magdagdag lang ng spice. Scripted ang ibang ungol para ganahan kayo at makaramdam kami ng hinahanap naming sarap.” 

“Well, pwede namang pag-usapan ‘yon e,” pagtatanggol ko sa lahi ni adan. “Pwede din naman kayo magrequest para masasarapan kayo.”

“Hindi lahat ng babae vocal sa sex. May alinlangan din dahil baka maturn-off ang guy kapag ang babae ang mag-initiate.”

“Mas gaganahan kaya ang guy!”

“No! A big no! Makasarili ang lalaki at kadalasan tamad.” Halos mabali ang leeg niya tanda ng di pagsang-ayon. “Alam n’yo naman na multiple orgasm ang babae pero may mga lalaking konting foreplay pa lang gusto na agad pumasok. Hindi man lang makaramdam… kaya ang resulta…. solved na kayo bitin pa ang babae.” 

“Teka, may galit ka ba sa lalaki?”

“Wala no! Kung may galit ako di mo ako katabi ngayon. Mahina lang kayo sa akala n’yong magaling kayo!” 

May katotohanan ang mga sinabi niya. Sa mga nagdaan kong relationship may mga pagkakataong gusto ko lang makascore para makatulog agad. Mas matindi pa kasi ang tama noon sa pinakamabisang sleeping pills. Gusto ko pa sanang makipagdebate pero mas minabuti kong sulitin ang gabi. 

KINAUMAGAHAN, hindi ko na inabutan si Cristine sa aking tabi. Wala na din ang kanyang van sa harap ng bahay. Lumabas ako ng kwarto at hinagilap ang phone directory sa may sala. Sinimulan kong hanapin ang mga Santillan sa Sikatuna Village. Sablay ako hanggang sa pangatlo kong tinawagan. 

“Hello, good morning! Andyan pa po ba si Cristine?”

“Pumasok na po sir. Sino po sila?”

“Robert,” pagsisinungaling ko para hindi malaman ni Cristine na hinahanap ko siya kung sakaling magkwento ang kausap ko sa telepono. “Sa Corpus bldg ba ang office niya? Doon ko na lang tatawagan.” 

“Sa L-AIG Towers po.”

Wala akong inaksayang panahon pagkatapos ng aking duty. Pagkabihis, mabilis akong sumugod sa L-AIG Towers para subaybayan si Cristine. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para manmanan ang kilos niya. 

Lumabas siya kasama ang isang babaeng halos kaedad niya. Sumakay sila ng van at sumunod agad ako na parang may binabantayang kriminal. Maingat ang kilos ko para hindi niya mahalata ang aking motorsiklo. Pumasok sila sa isang resto bar at ako naman ay naupo malapit sa kanila, sa direksyon nakatalikod si Cristine. Umorder ako ng salad para hindi halata na may sinusubaybayan ako. Kahit medyo malayo ay malinaw kong naririnig ang ilang bahagi ng kanilang usapan. 

“Grabe ka! Hindi ka na naman pala umuwi kagabi,” wika ng babae matapos hampasin sa braso si Cristine. “Buti na lang di ako nadulas kay Tita.” 

“Hindi ko din alam na makakatulog ako sa kama ng iba.”

“What?!” Gulat na gulat ang reaksyon ng babae. Ako naman ay bahagyang napapangiti. “You mean?”

“Yes.”

“Sang bar mo naman nakilala?”

“Napulot ko lang sa kalsada.”

“Oh girl? ano ka bakla namimick-up?”

“He’s a cop,” she narrated. “Nagtalo kami then tinulungan niya akong magpalit ng tires hanggang nauwi sa kama.” Hindi ko alam na kiss and tell din pala ang mga babae.

“God. Is he cute?”

“Of course! He’s cute, tall and very athletic tingnan,” tukoy niya sa akin. “Papatol ba naman ako sa pangit. Paano kung mabuntis ako, e di lugi ako?”

“Kung makapanget ka dyan ah,” natatawang puna ng kausap ni Cristine habang lumalaki ang tenga ko sa mga naririnig kong papapuri. 

“Hello? One night stand na ‘yon. Wala ng time para alamin kung mabait ang tao kaya ang basis na lang ay ang itsura.”

“Sabagay. Natatawa naman ako. Pati pulis tinalo mo na.”

“Ngayon, di na ako magtataka kung bakit madaming pumapatol sa pulis. Bukod sa matulis, laging handa ang sandata.” Nagtawanan ang dalawang babae. “Gusto ko tuloy siyang maging constant date.”

“Inlove? Kakaiba.”

“No. Walang love. Date lang habang wala pa akong napipisil na tatapat sa akin.”

“Wait! Speaking of date, anytime parating na yata ang date mo!” Napamaang ako. Medyo nadismaya ako noong madinig kong may ka-date si Cristine. “Goodluck!” Tumayo ang babae at naglakad palabas.

“Take care. Ako na ang bahala sa Boyfriend mo!”

Ilang minuto pa ay dumating ang isang lalaki. Disente ang pananamit at halatang nakaluluwag sa buhay. Lumapit siya pwesto ni Cristine. Mahina ang kanilang usapan kaya hindi ko masyadong nadinig. 

Hinawakan niya ang kamay ni Cristine at nagpasyang lumabas ng resto bar. Sa dinig ko boyfriend ng babae kanina ang lalaki pero nakita ko silang pumasok sa isang hotel. 

itutuloy…

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.