FALL OF ADAM PART 2


“Oh pare, bakit mas malaki pa sa bibig ni cookie monster ang ngiti mo?” kantiyaw ni Rommel sa akin.

“Natatawa lang ako dito sa horoscope.” Inihagis ko sa kanya ang dyaryo para tigilan ang pangangantyaw sa akin. “Ganda sana kung magkakatotoo ‘to.”

“Mas maganda kung pagtama ko sa lotto ang magkatotoo. Kalokohan ang horoscope.”

May punto naman talaga si Rommel kaya lang sa tuwing naalala ko ang nangyari kanina, di ko mapigilang hawakan ang labi ko. ‘Til now di pa din ako makapaniwala na gagawin ng babaeng iyon na pambribe ang halik.

“Sige, uwi na ako p’re.” 

“Teka wala ka bang ipapadala sa station? Walang huli?”

“Wala. Wala!” Ako na lang ang madala ng lisensya ng babae bukas baka sakaling magkita ulit kami. May bumubulong sa isang bahagi ng isip ko na kilalanin ko ang babae. Kung hindi lang ako duty kanina di ko talaga palalampasin ang pagkakataon. “Una na ako.” 


Lumabas ako ng police block at sumakay na ng motorsiklo. Bago umalis sinilip ko muna ang lisensya ni Cristine. Taga Sikatuna siya. Medyo maliit lang ang subdivision na ‘yon kaya madali ko siyang mahahanap. Ang magiging problema ko lang ay kung paano ko siya kakausapin kasi malaki ang naging galit niya sa akin kanina. Kung hindi siguro ako nakauniporme malamang sinampal na ko noon.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang magdesisyon akong umalis. Nakipagsiksikan ako sa buhol-buhol na trapiko para makauwi agad at makapagpahinga. Nang makarating ako sa unahan, nakita ko ang isang sasakyan na nagiging dahilan ng pagbagal ng daloy ng trapiko. Malambot ang goma pero patuloy niyang pinatatakbo ang sasakayan, di inalintana ang pwedeng panganib na idulot nito.

Iniharang ko ang motor sa harap ng sasakyan. Napangiti ako. Mukhang solve ang problema ko kanina. Tumigil ang kotse at tinapik ko ang unahan ng van para itabi niya ang sasakyan.

Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tinalakan agad ako. “Ikaw na naman?! Please huwag mo ng dagdagan ang kamalasan ko!”

“Wait! Please shut up, okay?”

“Anong okay? Nang-aasar ka ba talaga?” Namewang siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Kita mo naman flat sasabihin mong okay?” 

“Concern lang ako!” depensa ko agad. “Hindi mo dapat pinaandar ang sasakyan kapag flat dahil baka mabasag ang mags mo. Maaksidente ka pa.”

“Thank you!” sakrastikong sagot niya. “Naghahanap ako ng vulcanizing pero wala akong makita. Tapos haharangin mo ako, paano pa ako makakahanap nyan.”

“Enough!” Lumakad ako sa apektadong gulong. “Tutulungan nga kita kaya kita hinarang. Ako na ang magpapalit.”

“Oh bakit nakatayo ka pa dyan? Ano pang hinihintay mo?!” 


Alam kong hindi ako mahihirapang makipagpalagayan ng loob kay Cristine. Sa ginawa niyang paghalik sa akin, lumakas ang loob kong ilapit ang sarili ko sa kanya. Pero pananatilihin ang image kong tigasin para hindi niya mahalatang gusto kong makipagflirt sa kanya. Sa ngayon, gentleman muna ako para lumabas akong mabait.

“Mabait ka naman pala e.” Umupo siya sa tabi ko. Kinagat ko ang labi ko dahil may pagkakataong dumidikit ang balahibo niya sa akin. Nakakagigil. Nalalanghap ko pa ang bango niya kaya lalong tumaas ang pagnanasa ko sa kanya. “Kanina suplado mo e.”

“Ginagampanan ko lang ang trabaho ko kanina,” sagot ko sa kanya pero hindi ako nagbibigay ng tingin. “Kung pagbibigyan ko lahat, wala ng susunod sa batas.”

“Sabagay.”

“Oh, ayos na!” 

“Wow! Salamat!” 

“Sige ingat ka!” Lumakad ako pabalik sa motor para malaman ko kung interesado siya sa akin. Ilang beses ko ng ginawa ang diskarteng ito at wala pang sumasablay.

“Wait! Baka nagugutom ka na,” pahabol niya. “Treat na kita para man lang makabawi.”

“Naku! Nakabili na ako ng pagkain e.” Kunyari ayaw kong pumayag pero sa totoo lang gusto ko ng samantalahin ang pagkakataon. “Next time na lang siguro.” 

“Bakla ka ba?” Uminit ang tenga ko sa narinig. “Sayang ang laki ng katawan mo.”

“Ano? Hindi ko ako bakla!”

“Bakla ka!” 

“Hindi mo ako kilala Miss. Baka magulat ka kapag pinatunayan kong lalaki ako.” 

“Napatunayan ko na. Kanina lang. Wala ka man lang reaction sa kiss ko.”

“Sabihin na nating seryoso ako sa oras ng trabaho.”

Lumapit siya sa akin. Bumulong. “Ngayon, wala ka na sa trabaho.” Idinikit niya ang labi niya sa aking tenga. May kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Binuhay ang lahat ng natutulog kong ugat. 

Kinabig ko siya palapit sa akin. Parang gutom an leon kong inangkin ang mga labi niya habang pumapasok kami ng van. Mapusok. Agresibo. Nagpalitan kami ng mga halik. Gamit ang isang kamay isinara ko ang pintuan ng van. Nilunod ko ng halik si Cristine. Napaliyad siya sa laro ng aking labi. May bahagyang pag-ungol. Malayang naglaro ang aking mga kamay sa kanyang dibdib. Marahan. Paikot. Nagpaubaya siya. Siniil ko ng halik ang kanyang leeg. I trace the folds of her ears, nibble her lobes, and gently stroke her behind. I started to drive her crazy. 

“Sa bahay tayo,” bulong ko.

“Baka mahuli tayo ng asawa mo.” 

“Wala akong asawa.” Nagpatuloy ako.

“Sige, ahhh. Pero tapusin muna natin ang nasimulan dito.” Inihiga ko siya sa upuan ng van. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.