FALL OF ADAM PART 1


“Letseng horoscope! Dapat inaalis na lang sa dyaryo di naman nagkakatotoo!” anas ni Rommel. Ginusot niya ang hawak na dyaryo. “Kapag magkabirthday pa iisa ang kapalaran?!” 

“Ano ba naman pare? Pati horoscope pinag-iinitan mo!” natatawang puna ko sa kanya. “Patingin nga!”

“Oh! Sayo na lang!” Iniaabot niya sa akin ang kawawang dyaryong pinagbuntunan ng galit ni Rommel sa mundo. “Alis na ko p’re!” Out of curiousity, sinilip ko na din ang horoscope ko. Kalokohan nga. Ako? Si Ricardo Jacobo papasok sa isang relasyon? Tama si Rommel dapat inaalis na ang horoscope sa dyaryo.

Sumakay ako ng motorsiklo at umibis papunta sa aking assigned duty. Highway Patrol ang assignment ko buong buwan, hinigpitan kasi ang kampanya laban sa abusadong driver na nagpapasikip ng daan. Hindi nga nakakapagod pero nakakaasar makipagtalo sa mga driver na matigas ang ulo. 

“Sir, pasensya na. Isa lang naman ang isinakay ko e.” 

“Ilang taon na kayong driver dito?” usisa ko.


“Mag-aanim na sir,” kamut-kamot sa ulong sagot ng driver.

“Three years ng bawal magsakay dyan! Lisensya!” 

Sari-saring palusot ang madalas na dialog ng mga driver sa buong maghapon. Kahit ilang beses na silang nahuli, inuulit pa din ang kasalanan. 

“Tarantado!” Mabilis akong sumakay ng motorsiklo para harangan ang parating na van. Muntik pagmulan ng aksidente ang ginawa niyang pagmaneobra. “Pakitabi lang po!” Kinatok ko ang pintuan ng van malapit sa dirver seat. “Lisensya!” Mataas na ang boses ko dala ng paulit-ulit na violation ng mga naunang driver. 

Dahan-dahang ibinaba ng driver ang salamin ng van. Parang papanawanan ako ng ulirat nang iluwa ang isang babaeng lutang na lutang ang sex appeal sa suot na tube. Iniangat niya ng bahagya ang kanyang shades at saka ipinatong sa ulo. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti sa pag-aakalang palulusutin ko siya sa kanyang violation. Pero hindi dapat ako bumigay. Kailangan panatilihin ko ang tapang na ipakita ko kanina. “Kuya, anong violation ko?” malambing na tanong niya. 

“Ma’am, bawal po ang mag-U-turn. Pwede makita ang lisensya?” 

“Sir, di ko naman po alam na bawal. Natatakpan ng dahon ang signboard.” 

“Kasalanan ng dahon? Ma’am, buto pa lang ang halaman na ‘yon, bawal na ang U-Turn.”

“Baka naman pwede nating pag-usapan na lang.”

Nairita ako sa gusto niyang mangyari. Mas desidido akong manghuli kapag gustong manuhol ng violator. “Nag-uusap na tayo Ma’am.” 

“Suplado,” bulong niya. “Nagmamadali kasi ako. Hapon na, di ko na matutubos yan ngayon. May pasok pa ako bukas.”

“Dapat inisip mo na ‘yan kanina. Pwede po bang makita ang lisensya? Nakakaabala na po kasi tayo sa trapiko.” 

“Sandali lang. Kukunin ko lang ang wallet ko,” padabog na wika niya. Binuksan niya ng pinto ng van at marahang bumaba. Napalunok ako ng laway. Nagsusumigaw ang kanyang bilugan hita sa suot niyang shorts na sa palagay ko ay wala pang isang dangkal. Makinis. Maputi. 

Halos ipagmalaki niya sa akin ang hubog ng kanyang katawan noong buksan niya ang pintuan ng passenger seat. Nakatalikod siya sa akin at napahanga din ako sa kanyang likuran. Inisa-isa niya ang bulsa ng kanyang bag pero sa palagay ko ay pinatatagal lang niya para pagbibigay ng lisensya para palampasin ko ang atraso niya. Inaamin ko, naeenjoy ko ang aking nakikita pero paninindigan ko na ang pagiging maton ko kanina. 

“Ano na? Matagal pa ba?” naiiritang tanong ko.

“Sandali lang! Kung tinutulungan ko kaya ako? Hindi lang ikaw ang naabala!” 

“So kasalanan ko pa?”

“Ito na nga!” Lumapit ako sa kanya para kunin ang kanyang lisensya. Ilalabas ko na sana ang tiket nang bigla niya akong kabigin palapit. “Ummmmmmmm…” Nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaction. Hinawakan niya ang aking braso. Bumaon ng bahagya ang kanyang kuko pero kumawala agad ako bago pa madala sa tindi ng kanyang halik. 

Inagaw ko sa kanyang kamay ang lisensya. Hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ang sumapi sa babaeng ito para halikan ako. Bago pa niya ako maisahan nakaisip na ako ng dahilan para pakinabangan ko siya. Sa isip ko, kung kukunin ko ang kanyang lisensya niya ay makikita ko siyang muli. “Obstruction of traffic. Tubusin mo na lang bukas. Hapon na kasi.” 

“Damn!” inis na inis niyang sigaw. “Hindi pa ba sapat ang halik para huwag mo akong hulihin?”

“Kung may batas ngang ang halik ay part ng bribery, isinulat ko na sa ticket mo, Mrs. Cristine Santillan,” katwiran ko sa kanya. May kakaibang bagay na nagtulak sa akin para alamin ang pagkatao niya. Isa na dito ay ang malaman kung single siya o may asawa. 

“Antikatiko! Mukha ba akong may-asawa?” 

Single. Gotcha! Isinuot ko ang aking helmet at pasekretong ngumiti. Iniwan ko ang babae at bumalik na ako sa aking pwesto. Pabagsak niyang isinara ang pinto habang nakapako ang ng tingin sa akin. 



itutuloy…. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.