Athan: Bulag na Masahista,(Chapter 3: Athan: Bulag na Masahista)


Advertisements

Dinala ako ni ninong sa isang mall, may isang pwesto doon na liblib at nakita ko panay bulag ang nakaupo sa loob. “Ninong ano to?” tanong ko. “Relax, start from the bottom, dito ako nagsimula iho. Kung magaling ka talaga makikilala ka, for now makunetento ka sa paporsyento porsyento, swerte mo pag may tip. Kung mas marami kang customer mas madami ka mauuwi. Hati kayo, 100 ata ang full body so 50 pesos sa iyo” bulong nya. Pinakilala ako sa namamahala doon, maayos naman ako tinanggap at binigyan ako ng number. Hindi pwede mamili ang customer pwera lang pag suki na talaga. Umalis na si ninong at so far so good okay naman ang acting ko.

Matumal ang customer, halos nakatulog na ako sa kaantay. Tanghali na wala pa ako namamasahe at gutom na talaga ako. Out of nowhere sumulpot si Bea, “Kumain ka na?” tanong nya sa akin. “Hindi pa nga e” sabi ko at napapangiti sya. “Tara treat kita, tara dali” sabi nya at ako na ang susunod pero sinoli ko ang number ko at sumama sa kanya. “Alam mo ganyan si daddy noon, mahirap talaga dyan pero naka swerte sya, sana ikaw din. Ay sya nga pala bakit ka umalis sa bahay?” tanong nya nang naupo kami sa loob ng fast food resto. “Ah gusto ko lang mapag isa” sabi ko. “Ows? Teka ako na oorder, dito ka lang ha” sabi nya at ewan ko bakit nagbabait baitan nanaman sya bigla.


Naka order na sya at nakabalik, muntik na ako magtanggal ng shades ko pero buti natauhan ako agad. Todo acting ako pati sa pagkain at tinatawanan ako ni Bea. “Alam mo ang galing mo na mag acting, napapaniwala ako” sabi nya at napangiti nalang ako. “Uy bakit ang cold mo sa akin? Siguro kaya ka umalis kasi yung twenty points issue ano?” sabi nya. “Hindi, gusto ko lang talaga mapag isa” sabi ko sa kanya. “Sinungaling, alam ko yon e. Balik ka nalang sa bahay, peace na tayo. Wala nanaman ako nakakausap don e. At least pag nandon ka may tinatawanan ako” sabi nya.

“Teka bakit pala lagi kang nasa bahay? Di ka ba nag aaral?” tanong ko. “Nag stop ako this sem, tinatamad ako. Joke! Graduate na ako no, nag aaral ako para sa board ko. Bakit ano ba sa tingin mo edad ko?” tanong nya. “Eighteen or nineteen?” sabi ko at tumawa sya. “Sira 21 na ako, bakit di ba sinabi ni daddy?” tanong nya. “Hindi ka namin pinag uusapan, at dir in ako nagtatanong” sabi ko nalang. “Okay, uy sige na balik ka sa bahay, sige na naman na. Kalimutan na natin yung nangyari ha sige na” lambing niya at napangiti nalang ako.

End of the day wala ako customer, naiinis ako at sumakit lang ang pwet ko kauupo. Di parin ako bumalik sa bagong bahay ni ninong at wala akong gana kumain ng gabihan kaya di na talaga ako pumunta don. Kinabukasan kasama ni ninong si Bea at pinuntahan ako, may dalang sandwich si Bea at kinain ko ito. Sinamahan niya ako sa mall at maaga kami kaya ako ang una. Di ko inaasahan at biglang nagbayad si Bea, “O ayan ako first customer mo ever, tara na sa loob” sabi nya at ang bait naman pala niya talaga. Pumasok kami sa kwarto, first time ko pumasok doon, isang malaking kwarto yon at madaming kama, tanging naghihiwalay sa mga kama ay mga kurtina. Low tech talaga dito pero nahiga agad si Bea sa kama at nahihiya pa ako masahiin sya.

“Alam mo Bea kung gusto mo magpamasahe sana sinabi mo nalang at don nalang sana sa bahay niyo. Pero nagets ko din ang purpose mo kaya thank you talaga” sabi ko. “Sige na start na, tignan ko nga kung magaling ka” sabi nya. First time ko ito at maganda ang ginawa nya para sa akin, kaya ginalingan ko talaga. Di ko alam kung tama ang ginagawa ko pagkat nakatulog siya kaya pagkatapos ng isang oras ay ginising ko na sya at bumangon sya. “Nakatulog ka” sabi ko at tinititigan niya lang ako ng matagal. “Grabe ang galing mo ha, as in di ako nagbibiro” sabi nya.

“Sus ikaw naman o, binibiro mo pa ako. Be honest naman para alam ko kung saan ako mali” sagot ko. “Totoo ang sarap talaga, honest talaga” sabi nya at masaya ako narinig yon. Inabutan ako ni Bea ng isang daan pa pero tumanggi na ako, “Bea sobra na tong ginawa mo sa totoo, pinataas mo confidence ko kaya wag mo na ako bigyan ng tip” sabi ko. “Sige na, alam ko wala kang pera” pilit niya. “Bea wag na talaga. Sa totoo dapat libre nga to e, sa susunod tawagin mo lang ako pag gusto mo magpamasahe” sabi ko sa kanya. “Hmmm…balik ako lunch, sige alis muna ako. Uy pero totoo ang galing ng ginawa mo” sabi nya.

Balik ako sa pila, number six nakuha ko, masaya ako sa ginawa ni Bea at swerte ata sya pagkat dumami ang nagpamasahe sa pwesto. Malas ko lang pagkat malabatong katawan ang pangalawang customer ko. Malaking lalake at sobrang tigas ng katawan niya. Gusto ko pa tumawa ng malakas pagkat ungol sya ng ungol. Matapos ko sya masahiin halos nanginig ang mga kamay ko sa tigas ng katawan nya. “Brod ang galing mo ha, eto pangkape mo” sabi nya at inabutan niya ako ng pera at pinasok sa bulsa ko. Pagkaalis nya tinignan ko ang pera at muntik na ako mabuking ng may ari, “Bente” sabi nya at pasimple ko nalang tinignan ang pera at bente pesos nga. “Akin na markahan ko para di ka mahilo” sabi nya at di ko alam ano ibig nya sabihin pero inabot ko ang bente. Pagbalik nya sa akin minarkahan pala nya ng braile marking para makilala ng bulag kung magkano yung pera.

After ng second day ay naka anim akong customer, three hunded pesos lahat yon plus nakatanggap ako ng tip worth 120 pesos lang. Okay narin ito para sa isang araw pero mga kamay ko ang sakit talaga. Di ko alam bakit di nagbalik si Bea for lunch, bago ako umuwi bumili ako ng lechon manok at nagtungo ako sa bahay nila.

Gulat si Bea dahil nagdala ako ng pagkain. “Sorry konti lang kinita ko ngayon, yan lang nakayanan ko” sabi ko sa kanya. Sinilip ni ninong ang dala ko at tinapik nya ang ulo ko. “Very good, siguro masakit ang kamay mo ano?” sabi nya at napangiti nalang ako pero sa totoo sobrang sakit talaga.

After dinner babalik na sana ako sa old house pero hinarang ako ni Bea. “Upo sa sofa dali!” utos nya at eto nanaman nagbago nanaman ang ugali nya. Naupo ako at tinabihan niya ako. Kinuha niya ang isang kamay ko at minasahe nya. “Game kwento mo araw mo” sabi nya at natouch naman ako sa pagiging sweet nya sa akin. Nakita kami ni ninong at nahiya ako pero ngumiti lang sya. “Athan dito ka na matulog” sabi ni ninong pero tumanggi ako. “Dito ka matutulog!” sigaw ni Bea at nagulat ako at napatingin ako kay ninong. “Nagmana sa ninang mo, wag mo gagalitin yan” sabi ni ninong at nagtawanan kami.

Matapos ang isang oras na kwentuhan ay napansin kong di na sumasakit mga kamay ko. “Dapat maaga ako pupunta sa old house nandon pagbibihisan ko” sabi ko. “Nandun na sa kwarto mo, pumunta ako nung lunch at dinala ko dito lahat ng gamit mo kaya di ako nakabalik saa mall” sabi nya bigla. Napatitig ako kay Bea at napangiti nalang. “Thank you” sabi ko at tinaasan nya ako ng kilay. “Five points” sabi nya at natawa ako bigla, “Ano naman nagawa ko para maka five points ako?” tanong ko. “Sira ako ang may five points kasi minasahe ko kamay mo” sagot nya. “Ah okay, dinala mo gamit ko dito so plus five ulit” biro ko at napangisi sya. “Ah ganon, para ten points, para hipo ang gusto mo ganon ba?” sabi nya at natawa ako bigla.

“Uy di naman ah, points mo naman yan e. Wala naman ako sinasabi na claim mo yung ten points” sumbat ko. Bigla niya ako hinalikan sa noo at nagtawanan kami bigla. “Ayan bawi bawi lang, akala mo makaka isa ka ha” sabi nya. Umakyat na kami para matulog, nahiga na ako sa kwarto ko pero bigla sya pumasok at nilapitan ako. “Ubusin ko nap ala points ko” sabi nya kaya hinanda ko na ang noo ko. Nilapit nya ang labi nya sa noo ko pero nagulat ako nang bigla nya ako halikan sa labi. Nagkatitigan kami ng matagal at bigla sya ngumiti at napatingin sa bukol sa baba, tumawa sya at tumili, “Sayang ten points nalang sana, sige goodnight na” sabi nya at iniwan ako sa kwarto.

Pagsara ng pinto medyo tulala parin ako sa nagawa nya. Masayang masaya ako at natatawa din sa kakaibang style nya. Kailangan pa niya pumuntos sabi ko sa sarili ko at tawa nalang ako ng tawa pero niyanig nya ang puso ko, parang tumibok ulit sya pero siguro trip trip niya lang ito, naalala ko tuloy si Melissa at napaiyak nalang ako pagkat namimiss ko na sya.

Dalawang linggo na ako sa pwesto sa mall at medyo sanay na ako sa aking ginagawa. Small time lang ang kita ko kumapara kay ninong pero masaya narin ako pagkat lalo ako napapalapit kay Bea. Isang araw habang kumakain kami ng lunch biglang dumating yung malalking lalake, “Brod, kanina pa kita hinahanap sabi nila nag lunch ka daw” sabi nya. Nagulat din si Bea sa laki nya at alam ko natatawa sya pagkat nakwento ko na sya sa kanya. Di ko sya tinignan, binuka ko nalang ang bunganga ko, “Ha? Sorry sino ka ulit?” sabi ko para steady ang acting ko sa pagiging bulag.

“Isa akong customer mo pre pero medyo matagal na. Nakwento kita sa boss ko at sabi ko magaling ka. Gusto sana niya magpamasahe pero dun sa bahay niya. Kung okay lang sa iyo brod, mayaman yon pwede kita isama ngayon kung free ka” sabi nya sa akin. “Pwede mo isama missis mo” hirit nya. “Ah hindi ako missis nya, ako ang manager nya” sabi ni Bea. “Ah ganon ba, ikaw pala dapat kong kausapin, ano payag kayo?” tanong nung lalake. “Sige tara na, pero tapusin lang namin lunch namin” sabi ni Bea. “Ay naku miss dun nalang kayo kumain, tamang tama lunch din doon sigurado madami pagkain doon” sabi ng lalake at sumama na kami agad.

Trenta minutos sa loob ng Ford Expedition solve solve na ako. Sigurado mayaman tong pupuntahan namin at excited kami ni Bea. Pagdating sa bahay napakalaki nito at ang daming kotseng nakaparada sa labas. Binuksan nung lalake ang pinto namin at bumaba kami ni Bea. “Sundan niyo ako” sabi nya kaya pinatong ko ang kamay ko sa balikat nya, tumlikod sya ng mabilis at sinuntok ako sa tyan. Natumba ako at di ako nakahinga, napasigaw si Bea ng malakas.

“Shet sorry brod, sorry talaga. Kasi body guard ako ni madam at dapat alerto ako. Brod sorry talaga brod di ako sanay may humahawak sa akin” sabi nya nang alalayan nila ako bumangon. Hirap parin ako huminga at tinatawanan ako ni Bea. “Sige brod patong mo kamay mo sa balikat ko, ok na ako” sabi nya. “Di na, baka maflip ka namana mukha ko na gulpihin mo” sagot ko sa galit at may gana pa sya tumawa. “Brod ako pala si Gregorio, Greg nalang for short” sabi niya. “Ako si Athan at itong manager ko ay si Bea, tara na gutom na ako” biro ko at tumawa naman yung malaking lalake.

Nauna sya konti at nagpahuli kami ni Bea, “Greg pa pinili, hindi nalang Gorio o kaya Gorilla” bulong ko at tawa ng tawa si Bea. TInaas ko ang walking stick ko at gusto ko talaga sya hampasin sa likod nya pero pinigilan ako ni Bea, ang tindi ng tawa nya at napalingon tuloy si Gorio, oo Gorio ang itatawag ko sa kanya at hindi Greg kasi kupal sya. Pagpasok namin ng bahay mausok doon, may mga babaeng naglalaro ng majhong at humarap na si Gorio sa kanila.

“Madam nandito na po yung masahista” sabi ni Gorio. Napatingin lahat ng apat na babae sa amin, may edad na sila. Tumayo yung isang matandang napakataba at bigla ako kinilabutan. “Ano pwede na ba magpamasahe?” tanong nya. “Madam, di pa po sila kumakain” sagot ni Gorio. “Ah sige sige, pakainin mo sila. Pag ready na siya tawagin mo ako at ikaw muna pumalit sa akin dito Greg” sagot ng matabang babae.

Dinala kami ni Gorio sa dining area, ang daming pagkain pa doon, “Sige kain lang kayo babalikan ko kayo mamaya” sabi nya sa amin. Excited kami kumain ni Bea pero pinaalala niya na mag ingat ako sa galaw ko pagkat madaming kasambahay na nagkalat at pinapanood kami. Badtrip talaga, gusto ko papakin ang mga pagkain, pero kailangan ko kumain parang bulag.

After lunch sinundo na kami ni Gorio at dinala sa isang kwarto, tinawag na niya yung babae at medyo kinabahan ako. “Shet nakita mo ba gano kalaki yon? Baka tatlong oras ako bago matapos” biro ko at tawa ng tawa si Bea. Pumasok sa kwarto yung babae, “Madam, si Athan pop ala at si Bea ang manager nya. Ito pala si Missis Rebecca Castro” sabi ni Gorio. “Ah balita ko magaling ka daw, ano pano ba to kailangan ko ba maghubad?” tanong nya at naduduwal tuloy ako pero siniko ako ni Bea. “Wag na po di na po kailangan” sabi ni Bea.

May kama doon sa kwarto at dumapa na si Madam at sinimulan ko na sya masahiin. Parang nanliit ang mga kamay ko sa katawan niya. Kinikilabutan ako sa ungol nya tuwing nasasarapan sya sa pagmasahe ko. “Oooohh…ang sarap…ang galing mo ha” sabi ni madam at napatingin ako kay Bea at naduduwal na talaga ako. Pinipigilan ni Bea ang tawa niya habang nakaupo sya sa isang tabi pinapanood ako.

Dalawang oras natapos na ako at bumangon si Madam at tuwang tuwa sya. “Diyos ko ang sarap ng pakiramdam ko. Magaling ka ha Athan, magkano ba ibabayad ko?” tanong nya at niyuko ko lang ulo ko. “Madam sa mall po ang singil isang daan lang po” sabi ko at nagulat sya. “No no no! Home service ito at magaling ka talaga, lugi ka masyado pag isang daan lang. Antayin mo ako dito kukunin ko bag ko” sabi nya at lumabas sya ng kwarto at tinabihan ko si Bea at nanginginig ang mga kamay ko.

Bumalik si Madam at inabutan si Bea ng pera, “Naku madam sobra na po ata ito” sabi ni Bea, gusto ko tignan magkano pero kailangan diretso lang ang tingin ko. “Wag kang mag alala nagustuhan ko ang masahe, tutal nananalo ako sa sugal kaya kunin niyo na yan” sabi nya at sabay kami bumalik sa salas.

“Mga mare dapat magpamasahe din kayo kay Athan, kanina sumasakit likod ko at leeg ngayon wala na. Greg tayo na at ako na dyan” sabi ni Madam. “E bukas babalik ba sya?” tanong ng isang babae. “Ewan ko mag pa appointment kayo sa manager niya” sagot ni Madam at tinignan nila si Bea at ako naman kunwari palipat lipat ang tingin ng ulo ko. “Pwede ba kayo bukas iha?” tanong ng babae. “Ah busy po ako bukas pero si Athan pwede po pumunta” sabi ni Bea. “Kumare, what if gawin mo nalang steady si Athan dito, magkano ba kinikita niya sa pinapasukan niya araw araw?” tanong ng isa. “Depende po kung ilang customer” sagot ni Bea. “Mga nakakailan ka Athan?” tanong sa akin. Tumingin ako ng malayo, “Maam pag magandang araw po nakaka walo po ako, so parang four hundred yon plus tip kung meron” sabi ko.

“O kumara sabihin mo na eight hundred, kayang kaya bayaran ng tong yan. Habang naglalaro tayo pwede niya tayo masahiin. Syempre pag full body ibang usapan na yon, kanya kanya na tayo magbabayad sa kanya. Pero eight hundred a day ibigay mo na para stay in lang siya dito para anytime may gusto magpamasahe diba?” suggestion ng isang matanda.

“Oo nga, ano iha payag ba kayo sa ganon. Sabihin na natin one thousand isang araw, dito lang si Athan. Minsan madami kami dito, ngayon wala yung ibang kasugalan namin. Pag gusto ng full body ibang bayad, o may pagkain pa dito at susunduin sya ni Greg at ihahatid araw araw” sabi ni Madam Becky. “Sige po ok lang po yon” sabi ni Bea.

“O sige bukas susunduin ka ni Greg, tamang tama dadating ibang kumara namin. Greg ihatid mo na sila” utos ni madam. Nagpahatid kami sa old house at pagpasok namin pinakita sa akin ni Bea ang binayad ni Madam. “Shet! Three thousand pesos! Wow!” sigaw ko at tuwang tuwa kaming dalawa. “Grabe Athan eto na swerte mo! Tapos assured ka pa na may one thousand ka araw araw. Parang thirty thousand a month yon. Para ka nang nagtratrabaho talaga o” sabi ni Bea at inabot ko sa kanya ang 1500.

“Uy sa iyo to ano, wag mo na ako bibigyan sinamahan lang naman kita e” sabi nya. “Hindi manager nga kita e” pilit ko. “Hindi na talaga, ano ka ba? Sa iyo lahat yan, treat mo nalang ako sa labas next time” sagot nya. “Next time? Tara ngayon na” alok ko sa kanya at ngumiti sya at lumabas na kami agad.

Habang nag aabang ng sasakyan biniro ko sya, “Gusto mo makalibre tayo ng pamasahe?” sabi ko. “Pano?” sabi nya. Naupo ako sa isang tabi tapos nilabas ko ang kamay ko parang namamalimos. Tawa sya ng tawa at hinila ako para tumayo. “Sira ka talaga, as if may maniniwala” sabi nya. “Bakit naman hindi?” tanong ko. “Gwapo ka kasi e” sagot nya at pumalakpak ang tenga ko. “Ano sabi mo?” tanong ko at tumawa sya, “O bulag ka na nga bingi ka pa, tara na may jeep na” sabi nya at agad niya pinara ang jeep at sumakay na kami.

Lalo ako napapalapit sa kanya at sa wakas nahanap ko narin ang swerte. Sana tuloy tuloy na ito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.