Boarding House: Part 1 Culture Shock


Advertisements

“Boarding House”

Part 1 Culture Shock

Ako si Bogart, dayuhan akong maituturing sa bulubunduking lungsod ng Baguio, taga “lowlands” ang turing sa iyo kapag hindi ka tagarito. Taong 1998 nang ako’y magtungo dito sa malamig na lugar na ito sa Pilipinas upang tuparin ang aking pangarap, ang maging isang arkitekto. Apat na oras ang byahe mula sa aming probinsya, bakit ako napadpad sa lugar na ito? Hayaan nyong ilahad ko muna sa inyo ang ilan sa mga dahilan nito.

Napagkasunduan kasi namin ng aking unang girlfriend noong highschool (fourth year ako at third year siya) na dito kami mag-kolehiyo. Syempre dahil ako ang mas naunang makatapos sa kanya, ako ang nauna na dito sa Baguio. Sa kasamaang palad ay naging “ex” ko ang aking unang kasintahan. Bago pa man magpasukan para sa first semester ko ay iniwan na niya ako, hindi daw niya kaya ang long distance relationship. Sa akin ay ayos lamang, tutal wala namang mawawala pero ganunpaman ay mayroon ding panghihinayang dahil siya ang una kong karanasan, at ako din ang naka-devirginized sa kanya. Ibinigay niya sa akin ang kanyang kabirhenan bago ako grumadweyt sa mataas na paaralan sa aming probinsya, dahil sa ito ang aking una, hindi pa ako ganoon ka galing sa larangan ng pagtatalik. Tanging mga porn movies lang sa VHS at betamax ang aking basehan. Tutal ay lipas na, ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa bagong yugto ng aking buhay, ang buhay kolehiyo.

Mabilis kong nalimot ang sakit na iniwan ng aking unang kasintahan, mga isang linggo ding laman ng aking isipan ang mapait na iniwan ko sa aming probinsya. Dahil sa bagong kapaligiran, klima, at maging ibang salita o dialect ay hindi ako kaagad naka-blend sa bago kong tirahan. May ilan din naman akong mga kaklase dati noong highschool na dito din nag-aaral sa Baguio, yun nga lang iba ang kanilang kurso. Hindi naman ako mahirap pakisamahan, mapa-babae o lalaki ay malapit ako ngunit dahil nga sa halos lahat ng estudyante dito ay dayo, hindi naging madali ang lahat.

“oh dito ang kwarto mo iho, pag dumating na ang mga ibang boarders ay mag-usap usap kayo para sa umaga ay hindi kayo nag-uunahan sa paliligo” ilan sa mga paliwanag ni Manang Monica.

Si aling Monica ang aming landlady sa aking inuupahang kwarto. May kaya din naman ang aking mga magulang kaya’t kahit medyo may kamahalan ang upa ay pinili pa rin nilang solo ko ang isang maliit na kwarto para daw kumportable ako sa aking pag-aaral. Ang boarding house ay may apat na silid, isang pang apatan, dalawang pang-dalawahan na kung saan ay isa dito ang sinolo ko, at ang kwarto ni aling Monica. Si aling Monica ay may asawa, si manong Bert na isang rehistradong engineer.

Hindi ako mahilig sa MILF kung tawagin, kaya naman noong panahong iyon ay hindi ko pansin ang angking kagandahan ni manang Monica. Dahil sa lamig ng klima dito sa Baguio ay natural lamang na maging mamula-mula ang kutis niya, buo o firm pa din ang katawan ni manang Monica dahil sa wala pa silang anak ni manong Bert na hindi ko alam kung bakit. Siguro ay madalas wala si manong doon ay hindi niya ito nararasyunan at malamang laging pagod sa trabaho.

“ako nga pala si Erick” bati ng isang boarder na baguhan din.

Tubong Pampanga si Erick, parehas kaming baguhan kaya’t kami ang naging close dito sa aming tinitirahang boarding house. Pito kaming lahat na boarders, puro lalaki. Ang ilang ay nasa higher year na, taga SLU, UB, at BCF (UC ngayon), halo-halo ang aming mga pinagmulang probinsya. At dahil sa ilokano ang common dialect dito ay kami ni Erick talaga ang naging magkasama dahil siya ay kapampangan at ako naman ay tagalog.

Hindi rin naman ako mangmang tungkol sa Baguio, alam kong madaming marijuana dito, maraming mga babae na naghahanap ng “init” sa katawan. Ang mga kwento pa sa akin ay parang Manila din daw dito, klima lang ang pinagkaiba at ang mga tao ay liberated na din. Ito ang itinatak ko sa aking isipan para sa aking simula, hindi naman ako nagkamali dahil unang gabi pa lang ay inuman na kaagad ang aking hinarap.

“oh tagay na hehe!” sigaw pa nitong si Joel, ang pinakamatandang boader sa amin.

“hoy mga barako, wag masyado maingay ha! matutulog na ako” wika naman ni manang Monica habang kami ay nag-iinuman sa aming sala.

Ayos lang daw na mag-inuman kami sa bahay niya, kesa naman daw lumabas pa kami para uminom at gumala. Baka daw kasi may mangyari pa sa amin ay sagutin pa niya kami sa aming mga magulang. Kaya naman payag siya na dito nalang sa boarding house uminom pero dapat ay hindi maingay.

“opo manang..hehe” biro pa ni Joel na siya ring tanggero ng Ginebra noong unang gabi namin sa Baguio.

“siguro tuyot na naman si manang kaya masungit hehe” pabulong na biro naman ni Tony, isa ring nakatatandang estudyante.

Apat kaming nag-inuman noong gabing iyon, wala pa ang ibang boarders dahil hindi naman sabay-sabay ang bukas ng klase. Nagsilbing orientation namin ni Erick ang inuman, binigyan kami ng mga “tips” ng dalawang boardmate namin. Kesyo may magandang kapitbahay daw kami, alam daw nila ang mga “lugar” na maganda, at maging ang pantasya nila kay manang Monica ay hindi nakalagpas.

Kinabukasan, araw ng Linggo ay tanghali na akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Hindi naman kasi ako ganoon katikas sa pag-inom ng hard drinks that time, puro beer lang kadalasan ang aking naiinom noong highschool pa ako.

“oh Bogart kumain kana dyan…” wika ni manang Monica nang makita akong lumabas ng aking kwarto habang nanunuod siya ng TV sa aming sala.

Kasama sa bayad ang pagkain, package deal kung baga. Ito ang trabaho ni manang Monica, ang magluto para sa mga boarder niya habang ang asawa niya ay abala sa construction. Naka-ilang basong tubig yata ako bago ako nahimasmasan at hindi ko din naubos ang aking umagahan. Nagtungo ako sa kinaroroonan ni manang Monica upang magpahinga.

“ayan, hangover ka noh? wag mo masyado sinasamahan yang mga bad influence dyan nang hindi ka nagkakaganyan” masungit na pangaral ni manang sa akin.

Napangiti lang ako sa mga sermon niya, noon ko lang natitigan si manang Monica. Sa edad niyang trenta’y singko, parang dalaga pa din ang kanyang hubog, dahil na din siguro sa hindi pa siya nanganganak. Dito ko na-realize ang dahilan ng mga pantasya nila Joel at Tony. Makinis ang hita ni manang Monica, bilugan ang mga ito. Hindi alintana ang lamig ng panahon dahil siguro’y sanay na siya dito. Hindi ko din napansin kagabi na may kalakihan pala ang suso niya, kagabi kasi ay nakapang-ginaw na siya bago matulog, ngayon ay magtatanghali kaya’t t-shirt na lang ang suot niyang pang-itaas. Sa loob ko’y swerte pala si manong Bert.

“so arki pala kinukuha mo Bogart” tanong ni manang nang kami ay magkakwentuhan.

“ah opo, pangarap ko po kasi iyon” magalang kong sagot.

“hay naku, ate Nica nalang itawag mo sa akin, yung dalawang mokong lang naman ang nagpapatanda sa akin kaya tinatawag akong manang!” masungit na wika ni manang Monica.

“oo nga po, di naman kayo mukhang matanda e” biro ko naman.

“aba, marunong ka palang mambola haha!” sagot pa niya.

Sa haba ng aming usapan, ilang mga bagay ang naging laman. Napaki-usapan kong samahan ako ni manang Nica sa palengke at sa Session road para mamili ng ilang gamit sa paaralan. Dahil sa bago lang ako at di gaanong kabisado ang lugar ay pumayag naman siya. Isasama ko sana si Erick ngunit tila mas malakas ang naging tama niya kagabi kaya’t matutulog nalang daw muna siya noong hapong iyon. Hindi ko akalaing magiging malapit sa akin si manang Nica, ang unang impresyon ko kasi sa kanya ay masungit nga. Sinamahan niya ako sa Session road upang bumili ng mga kailangan ko sa eskwela, ganun din ang pagpapakita niya sa akin at pagtuturo kung saan ako sasakay, san papunta ito, san matatagpuan iyon, at marami pang iba.

“ano ok na ba mga nabili mo?” tanong sa akin ni manang Nica.

“oo ate Nica, salamat po” sagot ko naman.

“ayan, ate nalang hihi! o tara na at maghahanda na ako para sa hapunan ninyo” sagot muli ni manang Nica.

Naabutan namin ang tatlo sa sala na naglalaro ng baraha pagdating namin ng boarding house. As usual, bilang isang landlady ay dapat maging masungit ang dating ni manang Nica.

“magaling magaling, kagabi beerhouse, ngayon gagawin nyong sugalan ang boarding house??” masungit na bati ni manang Nica sa tatlo.

“manang Monica naman, wala namang perang taya oh? pitikan lang sa itlog ang pustahan namin” birong sagot ni Joel.

“tse!” sabay tuloy ni ate Nica sa kusina upang magluto.

Pumasok naman ako sa aking silid upang ayusin ang aking mga pinamiling gamit. Pagkatapos nito ay lumabas din ako upang makihalubilo sa tatlo. Parang mga batang naglalaro ang aking mga ka-boardmate, totoo ngang pitikan sa itlog ang pustahan ng mga kolokoy.

“puta pare dahan-dahan!” reklamo pa ni Tony nang siya ang pipitikin ni Joel.

“uy nandyan na si manang Monica oh, nakakahiya kayo” sabat naman ni Erick.

“…naku, sige ilabas nyo itlog nyo at maputol na nitong kutsilyo!” sigaw naman ni manang Monica habang nag-hihiwa ng rekado para sa uulamin namin sa hapunan.

Nakikinig pala siya sa mga usapan namin, tila sanay na siguro si manang Nica sa mga kalokohan ng mga boarders niya. Ganunpaman, nang ibaling ko ang aking tingin sa kinaroroonan niya ay nagtama ang aming mga mata. Isang malagkit na tingin ang isinukli ni manang Nica sa akin, na hindi ko matukoy kung biro ba ito o may ibang kahulugan.


itutuloy

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.