Pag-ibig Libog at Pagkabalisa 5

Advertisements

V. Ang bansang Hapon2:30 ng hapon noong lumapag sa airport ng Fukuoka si George. Nagmadaling lumabas ang mga pasahero kasabay ang bida. Sa labas kanina pa naghihintay si Kido, isang empleado ng nasabing ahensya. Paglabas ng bida masayang itong sinalubong ni Kido, nagpakilala, gunun din ang bida. Tinungo nila ang parking at habang naglalakad pinaikot nya ang kanyang paningin sa paligid. Ganito pala ang Japan naibulong sa kanyang sarili. Tumigil sila sa isang Mazda na kotse, inayos nila ang baggage ni George at nilisan ang airport patungong eki (train station). Mula dito sasakay si George ng tren hanggang Horishima. Hiroshima, dito ang opisina ng ahensya ni Goerge. Kilala ang lugar na ito dahil dito sumabog ang atomic noong panahon ng pangalawang digmaang pandaigidig. Nasa train station na sila at ipinaliwanag ni Kido ang kanyang gagawin kasabay ang pag-abot ng ticket ng tren, sandwich at inumin. Mag-isa na palang pupunta si George sa Hiroshima at may susundo na lang na ibang empleado ng ahensya pagdating dun. Medyo kinabahan ang bida. Nawala ang kanyang kaba noong siyay nakaupo na sa mabilis na tren. Nakadungaw ito sa bintana, malayo ang tingin at ipinipilit na na isalarawan ang paligid na niway naglaho dahil sa bilis ng sasakyan. Nakaramdam ng pagod ang bida, inaantok pero pinilit nyang idilat ang kanyang mga mata. Naalala nyang kumain at naubos nya ang masaarap na sandwich na bigay ni Kido. Napahinga sya ng malalim pagkatapos uminom ng medyo mapait na o-cha. Dinukot nya ang brastel card mula sa kanyang bag at simulang basahin kung paano gamitin. Plano nya tawagan ang kanyang asawa pagdating nya sa Hiroshima. Panay ang sulyap nya sa information LCD display kung saan na ang susunod na istasyon at na-alarma noong mabasang “the next station is Hiroshima”. Bahagyang inihanda ang sarili. Tumigil ang tren ang dali-daling bumama ang bida, nag-isip kung ano susunod na gagawin pero ang kanyang paa ay sinundan ang yapak ng mga ibang pasahero. “Deguchi””Exit” palabas na si George. Sumunod lang sa agos si George at sinunod din nya ang ginawa ng ibang pasahero at syay nakalabas na ng istasyon. Palingon-lingon, patingin-tingin na parang ligaw na tupa hanggang mabasa nya ang kanyang pangalan sa isang papel na hawak ng isang babae.
“Anata wa Yamabuki-san desu ka” (“Miss Yamabuki?”) bungad nyang tanong sa babae.
“Hai” “George-san?” “Nice to meet you” sabay abot ng kanyang kamay. Mainit na nakipagkamay ang bida at ito ang unang pagkakataon na makahawak sya ng kamay ng ibang lahi. Si Miss Yamabuki, isang tipikal na babaeng Hapon, may asawa at isang anak, banaag ang taglay nitong ganda sa angulong tagilid dahil sa tambok ng pwet. Nilisan ng dalawa ang istasyon sakay ang kotse ng kumpanya. Sa daan hindi maiwasan sulyapan ng bida ang babae na parang sinusuri. Makinis ang balat ni Miss Yamabuki pero wala itong malaking dibdib. Ilang saglit narating nila ang opisina. Sinabihan siyang iwanan muna sa kotse ang kanyang mga bagahe. Sumunod siya sa babae at tinungo nila ang pang-walong palapag ng gusali. Pumasok sila sa opisina at ipinakilala sa ibang empleado. Pagkatapos pinatigil muna sya sa isang meeting room. Sa loob nakita nya mga ibat-ibang parte ng kotse na nakatambak sa gilid, masusing tiningnan ito. Natigil sya noong may pumasok sa kuarto, si Fukuda at isang Filipino. Sya si Reynan, isang CAD engineer, payat pero ramdam mo ang tibay ng katawan sa itsura. Ipinaliwanag sa kanya ang mga alituntunin sa bahay at kung paano ang pagpasok sa opisina. Sa tulong ni Reynan madaling naintinduhan ng bida ang mga ipinaliwanag.
Gabi na noong mai-ayos ni George ang kanyang mga gamit sa uupahang bahay na pag-aari ng ahensya. Kinain nya ng biniling pagkain sa malapit na grocery. Nakahiga na sya sa kama noong maalala nyang tawagan ang kanyang asawa. Lumabas ng bahay at naghanap ng public phone, may nakita sya ilang metro lang ang layo. Masaya nyang naka-usap ang kanyang asawa hanggat maubos ang libreng sampung minutong tawag.
Maagang nagising ang bida at sa pagpasok nakilala nya ang mga iba pang Filipino. Si Julian, 25 gwapo at matipono ang katawan, si Dan 30 maliit pero sa tingin nyay may taglay na talino, si Baron 35 medyo malaki ang tiyan at halatang mayabang, si Dick 28, tahimik pero halata ang libog sa katawan at syempre si Reynan na una na nyang nakilala. Masaya ang mga itong kausap pero banaag sa kanilang mukha ang kalungkutan dahil sa mga iniwang pamilya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment