Matalik Na Magkaibigan
M2M
by: big boy
AUTHOR’S NOTE:
Ang kasaysayan inyong mababasa ay hango sa tunay na buhay. Sadya ko
iniba ang mga pangalan ng characters sa istoryang ito pati na rin ang
mga lugar na pinangyarihan upang maprotektahan ang mga taong tunay na
kabilang sa kasaysayang ito.
———————————————————————————-
Si Capt. Roger Salas ay isa sa mga magigiting nating sundalo na
nakikipagdigma sa parteng south ng Pilipinas upang lupigin ang mga
bandido doon. Marami na rin siyang natanggap na medalya at citation sa
kanyang pagiging kawal. Subalit bago niya narating ang kinaroroonan
niya ngayon ay nagdaan din siya sa pangungutya ng mga taong nakapaligid
sa kanya at ang masama pa dito ay mula na rin sa kanyang sariling ama.
Lumaki si Roger sa isang military camp sa Gitnang Luzon. Anak siya ng
isang militar. Ang kanyang mga nakagisnan na kalaro ay mga anak din ng
militar. Sa murang edad niya ay mas kinagaanan niya ng loob ang
makipaglaro sa mga kababaihan. Madalas siya noong tuksuhin na bakla ng
mga kababata nitong kalalakihan. Pinilit niyang makipagkaibigan sa
kapwa niya lalaki dahil sa tuwing makikita siya ng kanyang ama na
nakikipaglaro sa mga babae ay tiyak makakatikim siya ng sinturon
pag-uwi niya sa bahay.
Labag man sa kalooban niya ay natuto siyang maglakwatsa kasama ang mga
kalaro niyang lalaki. Natuto siyang magtirador ng ibon, manghuli ng
gagamba at umakyat sa mga puno upang mamitas ng bunga ng mangga,
santol, bayabas at kung anu-ano pa sa paanan ng bundok na malapit sa
kampo. Kahit papaano ay naranasan niya ang mga gawain ng mga
kalalakihan sa kanilang lugar.
Nang mag-teenager si Roger ay nahilig siya sa pagsasayaw. Lingid sa
kaalaman ng tatay niya ay sumali siya sa isang group dance contest sa
kanilang lugar. Kasama niya sa grupo ang tatlong babae at dalawang
bading na classmates niya. Bago dumating ang gabi ng contest ay nalaman
ng tatay ni Roger na kasama siya sa dance contest na ang kasama niya ay
mga bading at babae kaya naman hindi niya ito pinalabas ng bahay sa
araw ng paligsahan. Bugbog sarado si Roger sa kanyang tatay kaya naman
ilang araw din siyang hindi lumabas ng bahay para walang makakita sa
kanyang mga pasa.
Mahal na mahal si Roger ng kanyang ina subalit wala itong magawa sa
tuwing sasaktan siya ng kanyang tatay. Tanging mga payo na lamang ng
kanyang ina ang sundin na lamang ang gusto ng kanyang tatay para hindi
na siya masaktan. Ipinaliwanag din sa kanya ng kanyang ina na mataas
kasi ang pangarap ng kanyang ama sa sarili kaya lamang ay di na niya
ito matutupad. Si Roger ang nag-iisang anak nila ang inaasahan niyang
magiging heneral balang araw.
Pilit itinago ni Roger sa kanilang school ang kanyang tunay na
pagkatao. Subalit pinagdududahan pa rin siya dahil di pa rin siya
nagkakasyota o di man lang nanliligaw ng babae. Sa halip na bigyang
pansin ni Roger ang mga bagay na iyon ay ibinuhos na lamang niya sa
pag-aaral ang kanyang panahon. Naging consistent topnotcher si Roger sa
kanilang klase. Dahil dito ay dumami pa ang naging kaibigan ni Roger
mapababae man o lalaki. Marami ring nagkaka-crush na babae sa kanya
dahil may itsura naman si Roger. Subalit talagang di niya type ang
magkasyota.
Fourth year high school si Roger noon nang makilala niya ang transferee
sa kanilang school na si Mark. Galing sa private school si Mark at anak
din ng opisyal na militar. Nakick-out daw si Mark sa dating school nito
at wala ng private school na gustong tumanggap sa kanya. Palibhasa
opisyal sa kampo ang ama ni Mark kaya natanggap siya sa school ni
Roger. Gwapo at napakalinis tignan ni Mark lalo sa sa kasuotan niyang
puting polo at itim na pantalon. Halos lahat ng kababaihan sa school ay
nagkaka-crush kay Mark. Kay Roger siya unang nakipagkaibigan ng malaman
niyang top notcher ng klase nila si Roger.
Noong nasa private school pa si Mark ay style na niya ang magdididikit
sa mga matatalinong classmate niya upang sa oras na mangailangan siya
ng tulong sa mga assignment niya ay may malalapitan siya. Ganoon din
ang ginawa ni Mark kay Roger. Mabait naman si Roger kaya sa tuwing
kailangan ni Mark ng tulong niya ay hindi niya ito binibigo. Sa
pagsama-sama ni Mark kay Roger ay di niya inalintana ang mga panunukso
sa kanila na magsyota silang dalawa. Kahit aminado si Roger kay Mark na
totoo ang panunukso ng kanilang mga classmates sa kanya na siya’y may
pagkasilahis ay binalewala lamang ito ni Mark basta huwag lang daw
siyang papatusin nito.
Sa kalagitnaan ng school year ay lalong naging malapit sina Mark at
Roger. Minsan pa nga ay ikinatuwa ng ama ni Roger nang sa bahay nila
Roger sila gumawa ng assignment. Noon nakilala ng ama ni Roger si Mark
na isang tunay na lalaki. Akala ni Roger ay pagiging kaibigan lang ang
nararamdaman niya kay Mark pero mas higit pa pala doon. Ayaw niya sa
kanyang nararamdaman kaya naman pilit niyang iniwasan si Mark upang
hindi siya tuluyang ma-in love sa kanyang kaibigan. Napansin ito ni
Mark at nang makahanap ito ng pagkakataon ay kinausap niya ng sarilinan
si Roger.
Walang ibang dahilan masabi si Roger kay Mark sa kanyang pag-iwas sa
kaibigan. Kaya naman ipinagtapat na lamang niya ang katotohanang
umiibig na siya sa kanyang kaibigan.
“Yes Mark, aaminin ko na nahuhulog na ang loob ko sa iyo. Sa tingin
ko ay mahal na kita” ang pagtatapat ni Roger kay Mark.
“Oh, anong problema doon” ang tanging naisagot ni Mark kay Roger.
“Di ba, sabi mo noon, pwede tayong maging magkaibigan basta huwag
lang kitang papatusin” ang dugtong pa ni Roger.
“Sabi ko lang yun noon, eh kung may gusto ka sa akin ay pwede naman
nating pag-usapan iyon, huwag ka lang biglang iiwas sa akin” ang
paliwanag ni Mark.
“Ang ibig mong sabihin ay pwede na tayong dalawa” ang nasabi ni
Roger.
“Hep, hep, hep, hindi sa ganoon, basta friends pa rin tayo, basta”
ang tugon ni Mark sabay akbay sa kaibigan.
Sa araw na iyon ay sinamahan ni Mark si Roger papauwi sa bahay. Pwede
namang maglakad papauwi kina Roger dahil malapit lamang ito sa school
kaya nagpasya ang dalawa ng maglakad na lamang. Masaya ang magkaibigan
sa kanilang paglalakad at panay kantyawan pa at hagikgikan. Madalas ay
nakaakbay si Mark kay Roger na lalong ikinasaya ng huli. Tanging ang
ina ni Roger ang kanilang nadatnan sa bahay. On duty pala ang ama ni
Roger. Ipinaghanda sila ng merienda ng ina ni Roger. Nang matapos
silang kumain ay pumasok sila sa silid ni Roger samantalang ang ina
naman ni Roger ay nagpatuloy sa paglalaba sa likod bahay.
“May pag-asa ba na mahalin mo rin ako?” ang tanong ni Roger kay
Mark.
“Syempre naman, mahal kita bilang kaibigan” ang tugon ni Mark.
“Eh kung higit pa doon” ang muling naitanong ni Roger.
“Ah, ewan, di ko pa rin nasusubukan yun eh, chicks pa lang ang mga
naging syota ko eh” ang naisagot ni Mark kay Roger. “Pero
mapag-uusapan naman natin iyan” dugtong pa ni Mark.
Biglang niyakap ni Roger si Mark at hinalikan sa mga labi. Sa simula ay
medyo pumipiglas si Mark subalit nagparaya na lamang siya sa ginagawa
ng kaibigan. Nang hubaran ni Roger si Mark ng damit ay hindi na niya
ito pinigilan. Naghubad din ng kanyang damit si Roger at sinimulan na
niyang romansahin ang kaibigan sa pamamagitan ng paghalik nito sa buong
katawan. Kahit noon pa lamang nagawa ni Roger ang bagay na iyon ay
nasarapan din si Mark. Noon pa rin naman natikman ni Mark na romansahin
ng katulad niyang lalaki. Naudlot ang kanilang romansahan nang kumatok
ang ina ni Roger.
Nagmadali silang nagbihis at lumabas ng silid. Niyaya ng ina ni Roger
si Mark na doon na maghapunan tutal gabi na rin. Tumanggi si Mark dahil
baka hanapin na siya sa kanila. Kinuha ni Mark ang bag niya na naiwan
sa silid ni Roger at nagpaalam na ito sa mag-ina.
Dahil sa nangyari sa silid ni Roger ay lalong naging malapit ang
magkaibigan sa isa’t isa. Naging madalas din ang punta ni Mark kanila
Roger kahit wala silang pasok. Madalas na din ang paggawa nila ng
patagong romansahan. Hanggang sa mahuli sila ng ama ni Roger.
Nagmakaawa si Mark na huwag ng paratingin sa kanyang ama ang pangyayari
sa pangakong iiwas na siya kay Roger. Si Roger naman ay nakatikim muli
ng bugbog ng ama na naging dahilan ng hindi nito pagpasok ng mahigit
dalawang linggo.
Sa pag-absent ni Roger sa klase ay marami siyang lessons at quizzes na
na-miss. Ito ang dahilan kung bakit bumaba ang grades niya sa finals.
Ito rin ang naging sanhi ng pagiging salutatorian na lamang ng siya ay
magtapos sa high school. Sa araw ng kanilang graduation ay muling
nagkatabi sa upuan si Roger at si Mark. Magkasunod kasi sila sa
alphabetical listing. Walang magawa ang ama ni Roger kundi ang bantayan
ang dalawa. Alam ng dalawa na magkakatabi sila sa upuan kaya pala
naghanda sila ng liham sa isa’t isa at nag-abutan ng makakita sila ng
pagkakataon.
Umakyat si Roger sa entablado upang magtalumpati. Kahit meron siyang
naprepare na talumpati ay naisingit pa rin niya ang pagpapasalamat sa
isang kaibigan na naging bahangi ng kanyang buhay at sa kanya niya
inialay ang mahigit tatlong taon na pagiging top notcher sa klase. Ang
medalya niyang pilak ay inialay niya sa kanyang ama. Maraming nagtaka
sa talumpati ni Roger. Buti na lamang at abala sa pakikipagkwentuhan
ang ama ni Roger sa mga katabi nito kaya di niya gaanong naintidihan
ang talumpati ni Roger. Nang matapos ang graduation ay nagkaroon na
kaunting salu-salo sa bahay nila Roger.
Kinagabihan ay binasa ni Roger ang liham na iniabot sa kanya ni Mark.
Ito ang nilalaman ng liham ni Mark:
Dear Roger,
Bago ang lahat nais kong batiin ka sa pagiging salutatorian mo. Ang
galing-galing mo talaga. Sana ay valedictorian ka kung hindi dahil sa
akin.
Sorry nga pala kung mas minabuti ko pang iwasan ka kaysa malaman ng mga
magulang ang tungkol sa atin. Iyon lamang na naisip kong paraan para
hindi na lumaki ang gulo. Alam mo, natatawa ako sa sarili ko. Mahuhulog
din pala ang loob ko sa isang katulad mo, eh sana noon pang nasa
private school pa ako unang nakaranas ng ganito. Aaminin ka na sa iyo
Roger na isang katulad mo ang naging dahilan kung bakit ako na-kick-out
sa school ko dati.
May isa akong classmate na anak ng heneral na nagkagusto sa akin.
Syempre diring-diri ako dahil pareho kaming lalaki kasi. Exclusive
school kasi iyon for the boys. Akala ko noong una ay lalaki siyang
tunay kaya pumayag ako makipagkaibigan. Pero nang magtapat na siya sa
akin ay laking gulat ko dahil hindi naman halata sa kanya ng ganoon nga
siya. Simula noon ay iniwasan ko na siya. Sumama ang loob niya sa akin
kaya gumawa siya ng paraan para makaganti sa akin. Planted ang
marijuana na natagpuan ng gwardya sa aking bag. Naging positibo din ang
test sa akin dahil sa impluwensya ng amang heneral ng classmate niya sa
laboratoryong sumuri sa akin. Ni minsan ay di pa ako nakatikim ng
droga.
Sa iyo ay di ako nagdalawang isip na tanggapin ang pagmamahal mo.
Napakabuti mong kaibigan. Swerte ang pag-aalayan mo ng iyong
pagmamahal. Sana ako na lang iyon pero maraming balakid sa ating
dalawa. Lalo na parehong militar ang ating mga magulang. Di bale, kapag
tayong dalawa talaga ay magtatagpo muli ang ating mga landas.
Sana magtagumpay ka sa mga pangarap mo at kung matagumpay ka na, huwag
mo sana akong kalimutan.
I love you, Roger, maniwala ka man o hindi.
Mark
Ito ang huling communication nila ni Mark. Si Roger ay pumasok sa isang
military school upang tuparin ang pangarap ng kanyang ama. Sa military
school niya muling naranasan ang pagsuso ng ari ng iba. Hindi sa
paraang pagpapaligaya kundi bilang parusa sa kanya. May bulong-bulungan
kasi sa mga kasamahan niya sa platoon na silahista si Roger. Laking
hirap at sakripisyo ni Roger sa loob ng military school. Minsan ay
naisip niyang mag-quit dahil sa pang-iinsulto ng mga kasamahan niya
lalo na nga mga upper classmen niya. Pero mas higit na takot sa ama ang
pumigil sa kanya sa balak nito. Pinilit niyang maka-graduate. Nang
magtapos si Roger ay nasa top ten siya sa batch na iyon. Laking tuwa
ang ama ni Roger at halos ipagsigawan sa buong mundo na opisyal na rin
ang kanyang anak na si Roger.
Nagpadestino si Roger sa Mindanao bilang unang assignment niya. Nais
niyang lumayo muna sa kanyang mga magulang at sa mga taong nakakakilala
sa kanya. Dalawang taon din ang ipinalagi ni Roger sa Mindanao bago
niya naisipang dalawin ang mga magulang sa Luzon. Nasa serbisyo militar
pa rin ang kanyang ama kaya doon pa rin sila nakatira sa kampo. Tyempo
din na naka-schedule ang grand reunion sa kanilang school noong high
school pa siya kaya nag-attend siya dito.
Laking gulat ng mga classmates niya ng dumating si Roger. Matikas ang
pangangatawan at di mo kakikitaan ng pagiging malamya. Ang iba sa
classmates niya ay pumasok din sa militar pero hindi sila mga opisyal.
Ngayon ay sinasaluduhan na nila si Roger. Sir pa ang tawag nila sa
kanya. Pero siya na rin ang nagpakumbaba na Roger na lang ang itawag sa
kanya. Di naman daw sila nakauniporme.
Sa isang mesa sa loob ng hall ay napansin niya ang isang lalaki na
pamilyar sa kanya ang pagmumukha na may kasamang isang babae. Nilapitan
niya ito at laking gulat niya ng yakapin siya ng lalaking ito.
“Kumusta ka na Roger? Ang tagal nating di nagkita” ang panimulang
bati ni Mark.
“Mark, ikaw ba yan?” lalo kang gumagwapo ha.
“By the way Roger, si Belinda pala ang girlfriend ko” ang
pagpapakilala ni Mark kay Roger sa kasama nitong babae.
“Hi, Roger. So ikaw pala yung best friend ni Mark noon high school na
madalas niyang ikwento sa akin” ang bungad ni Belinda.
“Lahat ba ng sekreto namin ay naikwento na ni Mark?” ang pabirong
tanong ni Roger kay Belinda.
“Ewan ko, kung nagsasabi ng totoo sa akin si Mark. Balita ko kasi ang
dami nyo daw pinaluhang chicks” ang dugtong pa ni Belinda.
“Ha ha ha… Si Mark siguro marami ng pinaluhang…” ang pabirong
tugon ni Roger na naudlot ng sikuhin sya ni Mark sa tagiliran.
Nagpatuloy ang masayahang kwentuhan ng magkaibigan hanggang sa simulan
ang pinakaprograma ng reunion. Isa-isang binanggit ng nagsasalita sa
entablado ang mga prominenteng tao na alumni ng school na iyon. Nagulat
si Roger ng mabanggit din ang pangalan niya. Di niya akalaing
tinuturing na rin pala siyang isang karangalan ng kanyang school. Nang
matapos ang programa ay nagpaalam na si Roger kay Mark at sa nobya
nito. Masayang umuwi si Roger dahil nakita niyang muli si Mark. Subalit
may kalungkutan din dahil nakilala niya ang bagong minamahal ni Mark.
Hindi makatulog si Roger ng gabing iyon kaya naman kinuha niya sa
wallet niya ang calling card na iniabot ni Mark sa kanya. Naroroon ang
cellphone number ni Mark pero nagdalawang isip siya kung tatawagan o
ite-text niya si Mark. Sa tagal niyang magdesisyon kung tatawagan niya
si Mark ay biglang may pumasok na text message sa kanyang cellphone.
“Hi, Roger si Mark ito. Di mo naibigay ang number mo kanina kaya
gumawa ako ng paraan at nagbaksaling naisulat mo sa registration book
ang number mo. Buti na lang naisulat mo. Baka kasi di mo ako tawagan o
i-text kahit na may calling card ko ikaw” ang nilalaman ng text
message na iyon.
Hindi malaman ni Roger ang gagawin kaya muli siyang nag-isip kung
sasagutin ang text message ng kaibigan. Medyo nainip siguro si Mark sa
sagot ni Roger kaya siya na naman ang nagpadala ng text message.
“Bakit di ka sumasagot? Galit ka ba sa akin dahil hindi man lang ako
nagpakita sa iyo after ng graduation natin” ang naging text message
muli ni Mark kay Roger.
Sa sandaling iyon ay napilitan ng sagutin ni Roger ang text message ni
Mark.
“Ako nga ang dapat mag-sorry sa iyo. Kasi di ko man lamang
naipaglaban kay itay ang tungkol sa atin noon” ang text naman ni
Roger kay Mark.
“Huwag mo ng isipin iyon. Tapos na iyon at matured na tayo ngayon.
Kumusta na love life mo?” ang tanong ni Mark sa text message nito kay
Roger.
“Ako, wala pa ring pagbabago. Zero pa rin” ang sagot naman ni Roger
kay Mark sa text.
“Anong wala, eh ang daming gwapong sundalo ang hawak mo ngayon” ang
pabirong text ni Mark.
“Ikaw talaga Mark, di maganda iyon. Nakikipagdigma kami sa mga
kalaban ng pamahalaan na handang pumatay para sa bayan tapos malalaman
nilang ganoon pala ako” ang sagot ni Roger sa text.
“Biro lang ha, baka magalit ka pa nyan” ang muling text ni Mark kay
Roger. “Hanggang kailan ang bakasyon mo?” ang dugtong na text ni
Mark kay Roger.
“Sa isang araw pa. Pero balak ko na sanang bumalik bukas kasi naiinip
na rin ako dito sa bahay” ang sagot na text ni Roger kay Mark.
“Huwag ka munang umuwi bukas. Magkita muna tayo sa kabayanan” ang
paanyaya ni Mark sa text nito kay Roger.
“Eh papaano si Belinda ang girlfriend mo” ang text ni Roger kay
Mark.
“Inihatid ko na siya sa bus station kanina. Pinauna ko na pabalik ng
Maynila” ang text naman ni Mark kay Roger.
“Walang hiya ka, bakit mo naman pinagsolong umuwi sa Maynila ang
girlfriend mo?” ang muling text ni Roger kay Mark.
“Syempre nagsinungaling ako sa kanya. Alanganin namang aminin ko sa
kanya na nandirito kasi ang tunay na mahal ko kaya mauna na siya” ang
pabirong text ni Mark kay Roger.
“Grabe ka talaga Mark. Sige magkita na lang tayo bukas ng 10:00 AM
doon sa tapat ng post office” ang naging tugon ni Roger sa text.
“Ok, basta bukas kita tayo doon. Goodnight na lang pare” ang huling
text ni Mark kay Roger.
“Godnight din sa iyo” ang huli text naman ni Roger kay Mark.
Alas nwebe y medya pa lang ay naroroon na si Roger sa hintayan nila ni
Mark. Hindi rin nagtagal at dumating na si Mark dala nito ang kanyang
kotse. Sumakay si Roger sa kotse at humanap sila ng magandagandang
restaurant sa kabayanan. Habang nagla-lunch ang dalawa ay panay
kwentuhan pa rin nila ng tungkol sa mga buhay buhay nila buhat ng sila
ay maghiwalay. Inabot di sila ng alas-dos ng hapon sa restaurant na
kinainan nila. Nagyayang umuwi si Roger subalit ibang daan ang tinahak
nila ni Mark. Palibhasa ay hawak ni Mark ang manibela kaya di na
umangal si Roger.
Sa isang motel ipinasok ni Mark ang kotse at biglang nahiya si Roger ng
salubungin sila ng isang empleyado at pinapasok ang kotse nila sa isang
garahe.
“Bakit dito tayo nagpunta?” ang tanong ni Roger kay Mark.
“Nais ko lang ma-experience muli yung ginagawa nating noon high
school pa tayo” ang sagot naman ni Mark.
Di na muling nakapagtanong si Roger dahil inilapat na ni Mark ang mga
labi sa mga labi ni Roger. Makalipas ang mahigit anim na taon ay muli
nilang nadama ang walang kasintulad na kaligayahan. Dahil sa pananabik
sa isa’t isa ay nakailang ulit ang mga romanhasang nag-aalab. Madilim
na ng lumabas sila sa motel. Inihatid ni Mark si Roger sa kanilang
bahay bago ito tumulak pabalik ng Maynila. Kinabukasan naman ay bumalik
na rin si Roger sa Mindanao.
Dahil sa cellphone ay naging madalas ang communication ng dalawang
magkaibigan. Nang maging aktibo na naman ang rebelde sa lugar kung saan
nakadestino si Roger ay naging abala ito sa pakikipagbaka. Madalas ay
nasa dead spot ng cellphone signal si Roger kaya hindi siya makapagtext
o makatawag man lang kay Mark. Inabot din ng ilang buwan ang pagkaputol
ng kanilang communication. Isang araw ay sinundo ng helecopter si Roger
sa kanilang pansamantalang kampo. Meron daw naghihintay siyang bisita
doon sa base camp nila. Wala ng ibinigay na detalye ang piloto kaya
naging malaking katanungan kay Roger kung sino ang naghahanap sa kanya.
Dali daling nagligpit ng kagamitan si Roger at nang marating niya ang
base camp nila ay nagulat siya na si Mark pala ang kanyang bisita.
Ginamit pala ni Mark ang impluwensya ng kanyang ama upang matunton ang
kinaroroonan ni Roger. Mataas na rin kasi ang katungkulan ng kanyang
ama sa militar. Wala man sa tamang panahon ay nagfile ng leave si Roger
at agad naman itong pinayagan ng kanyang mga superior sa pakiusap na
rin marahil ng ama ni Mark.
“Papaano mo napakiusapan ang iyong ama ng mga ganoong bagay?” ang
tanong ni Roger kay Mark.
“Simple lang. Sabi ko kasi sa kanya ng magandang lugar dito sa south
na pwede naming puntahan ni Belinda sa aming honeymoon” ang tugon
naman ni Mark.
“Eh, bakit ako ang pinuntahan mo. Bakit hindi ka na lamang nagtanong
sa mga travel agencies?” ang tanong muli ni Roger kay Mark.
“Sinabi ko rin na ilang taon ka dito kaya kabisado ang lugar dito.
Gusto ko kasi na safe ang lugar na pupuntahan namin ni Belinda at yung
hindi masyadong commercialized” ang tugon ni Mark. “Yung simple
lang pero maganda at tahimik” dugtong pa ni Mark.
“Maraming magagandang lugar dito kaya lang hindi gaanong tahimik. Sa
loob ng kampo doon tahimik” ang pabirong sinabi ni Roger kay Mark.
“He he he… Nagpapatawa siya” ang biglang nasabi ni Mark.
“Kailan ba ang kasal nyo?” muling nagtanong si Roger.
“Sa isang buwan pa” ang sagot naman ni Mark. “Ikaw pala ang aking
best man kaya huwag kang mawawala sa araw na iyon” dugtong pa ni
Mark.
“Sige ngayon palang ay magpa-file na ako ng leave para makauwi ako”
ang sabi naman ni Roger.
“Heto pala ng imbitasyon, nandiyan ang pangalan ng simbahan at hotel
kung saan ang reception” sabay abot ni Mark ng isang puting sobre kay
Roger.
Hindi na nagkaroon ng pagkakataong buksan ni Roger ang sobreng
naglalaman ng invitation sa kasal ni Mark. Nagyaya na kasing kumain sa
labas ang kaibigan. Matapos kumain ay nagsimula na silang humanap ng
lugar na nais ni Mark. Sa araw na iyon ay hindi sila nakahanap ng
gustong lugar ni Mark. Kinagabihan ay sa isang hotel sila tumuloy.
Katulad ng inaasahan ay naulit muli ang romansahan nila Roger at Mark.
Kinabukasan ay nagpatuloy sila sa paghahanap ng lugar kung saan
magha-honeymoon si Mark. Bago magtanghali ay nakapili na ng lugar si
Mark. Simple lang ang lugar at malayo sa kabayanan. Maganda at malinis
ang beach. Dahil sa kalayuan nito sa kabayanan ay di ito puntahin ng
mga tao maliban lamang sa mga dayuhan na regular na pinupuntahan ang
lugar na ito. Nagpareserve si Mark ng isang villa ng gagamitin nila sa
loob ng isang linggo at nagbayad na rin ng downpayment.
Nang makabalik sila ng kampo at nakisakay na rin si Mark sa military
plane papuntang Maynila. Hindi na sila gaanong nakapag-usap ni Roger
dahil bumalik din agad si Roger sa temporary camp nila. Doon na niya
nabuksan ang sobre ng invitation. Laking pagtataka ni Roger dahil
tanging petsa at oras ng misa, pangalan at address ng simbahan at hotel
ang tanging laman ng invitation. Hindi na niya nakuhang tanungin ang
kaibigan kung bakit ganoon ang invitation sa kanya dahil wala namang
signal ng cellphone sa kanilang lugar.
Sa kaabalahan ni Roger sa pakikipagbaka sa mga rebelde ay hindi na niya
muling natawagan o nai-text si Mark. Isang araw bago ang nakatakdang
araw ng kasal ni Mark ay nagleave na si Roger. Pumunta siya ng Maynila
at tumuloy sa isang hotel na di kalayuan sa lugar kung saan ikakasal si
Mark. Namili din siya ng damit na kakailanganin niya tulad ng barong
tagalog, pantalon at sapatos. Nagpunta rin siya sa parlor upang
magpagupit at para naman magmukhang gwapo muli siya sa simbahan kahit
medyo sunog na ang kanyang balat sa araw. Di na rin niyang nagawang
tawagan ang kaibigan dahil gusto niyang medyo kabahan ang kaibigan kung
darating siya o hindi.
Maaga pa lang ay excited na si Roger na makapunta sa simbahan. Subalit
plano talaga niya na sa eksaktong oras ng kasal siya mapapakita sa
simbahan. Nang magpunta siya sa simbahan ay laking pagtataka niya.
Mukhang wala namang kasalang magaganap doon. Nagtanong pa siya sa
nangangalaga ng simbahan kung may kasalan doon at kung iyon nga ang
simbahang nakasulat sa invitation ni Mark. Iyon nga ang simbahan pero
walang naka-schedule na kasalan sa araw na iyon. Isang espesyal na misa
daw ang gaganapin doon.
Sumama ang loob ni Roger dahil naisip niya na niloko siya ni Mark. Kaya
minabuti na lamang niyang lumabas ng simbahan. Sa kanyang paglabas ay
sinalubong siya ng isang lalaking nakabarong tagalog din. Si Mark pala
iyon. Kasunod ni Mark ang mga magulang niya, mga kapatid at ang iba
pang miyembro ng pamilya. Sa isang van naman ay nakilala ni Roger ang
mga bumabang tao, ang kanyang mga magulang at ilang classmates niya
noong high school pa siya. Lahat ay naka-formal na kasuotan.
“Oh, ano pang hinhintay natin, baka magsisimula na ang misa, pasok na
tayo” ang paanyaya ni Mark sa lahat ng kasama.
Hindi na nakapagsalita si Roger. Magkatabi sa upuan sina Roger at Mark
habang nagmimisa. Nabanggit ng pari na ang misang iyon ay para sa
magkaibigang Roger at Mark na pareho ng matagumpay sa kani-kanilang
profession. Sa homily ay pinayuhan ng pari sina Mark at Roger na huwag
lumaki ang mga ulo sa natatamong tagumpay at sana manatili silang
matalik na magkaibigan habang buhay at sana maging mapagbigay sila sa
isa’t isa para maging matatag pa lalo ang kanilang pagkakaibigan.
Matapos ang misa ay tumuloy sila sa isang hotel kung saan nagpareserve
si Mark na munting salu-salo. Doon lubusang nakausap ni Roger ang mga
magulang. Nalaman niya sa mga magulang na si Mark ang kumausap sa
kanila at nagkumbinse sa kanilang pagdalo sa araw na iyon. Sa pakiusap
ni Mark sa kanila ay napag-isip-isip ng ama ni Roger na panahon na rin
siguro na maging maligaya ang kanyang nag-iisang anak. Naging
pagkakataon din iyon ng ama ni Roger na humingi ng tawad sa
pagmamalupit nito sa kanya. Ibinilin pa nito kay Mark na huwag nyang
sasaktan ang kanyang anak.
Nagtaka din si Roger sa pamilya ni Mark na naging mabait sa pagharap sa
kanya. Tulad ng ama ni Roger, ipinagbilin din si Mark na laging gabayan
ni Roger sa lahat ng desisyon nito. Alam kasi nila na si Roger ang
naging dahilan ng pagbabago sa buhay ni Mark mula ng magkakilala sila.
Ang ilang dating classmates ni Roger naman ay bumati kay Roger sa mga
natamo nitong tagumpay. Nagpaumanhin din sila dahil minsan naging
tampulan ng pangungutya si Roger ng nasa high school palang sila. Hindi
pala sukatan ang sexual preference ng isang tao para maabot ang
tagumpay. Lahat ay pantay-pantay ano mang larangan ang harapin mo.
Bago natapos ang salu-salo ay naitanong ni Roger kay Mark kung ano ang
nangyari sa kanila ni Belinda. Umamin ang kaibigan na noong hinatid
niya sa bus station ang kasintahan ay nagkaroon sila ng di
pagkakaunawaan hanggang matuloy sa hiwalayan.
Kinabukasan ay nagtungo na ang dalawang magkaibigan sa lugar na
pinareserve ni Mark. Silang dalawa pala ang gagamit ng villa doon. Kaya
pala yun ang pinili ni Mark ay malaya nilang magagawa ang pagpapahayag
ng kanilang nararamdaman sa isa’t isa kahit sa harap ng publiko tulad
ng pagyakap at paghalik. Ganoon din kasi ang mga banyagang bisita sa
resort na iyon. Lalaki man sa lalaki o babae man sa babae. Walang
nakikialam sa mga bisita doon at tanggap na rin ng mga Pilipinong
empleyado ang ganoong pangitain. Sa unang gabi nila doon ay muling
binasa ni Mark ang sulat ni Roger sa araw ng kanilang graduation. Ito
ang nilalaman ng sulat:
Mark,
Salamat sa maikling panahon na napaligaya mo ako. Mas higit ka pa sa
medalyang matatanggap ko sa araw na ito. Tulad ng nasabi ko na sa iyo,
ikaw pa lamang ang tanging minahal ko ng ganito. Naging mapaghusga man
ang kapalaran sa akin, masaya pa rin ako dahil may isang tulad mo na
aking minahal at sa tingin ko ay mamahalin ko habang buhay. Tandaan mo
Mark, kahit tuluyan man tayong magkalayo at di na muling magkita,
mananatili ka dito sa puso ko.
Roger
Sa ngayon ay nagmamay-ari na ng isang condominium unit ang magkaibigan
dito sa Maynila. Isa ng manager sa bangko si Mark at si Roger naman ay
isang captain na malapit na mapromote bilang major. Makakasabay sa
promotion ni Roger ang pagdedestino sa kanya dito sa Maynila. Sa
panahong iyon ay tiyak na lagi ng magkakasama ang matalik na
magkaibigan.
– WAKAS –
Post Comment