Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)
Si Dredd Serrano ay isang college student sa isang sikat na university sa lungsod ng Maynila. Kasalukuyang nobya niya si Geng na kolehiyala rin at napakaselosang babae nito. Kasi naman itong si Dredd ay lapitin ng mga chicks partikular na nga ang mga katulad niyang estudyante rin. Ah, ano pa nga ba naman ang hahanapin ni Geng sa nobyo niyang ito na bukod sa pagiging top sa classroom nila ay malakas pa ang sex appeal.
Ang problema lamang ngayon ay kung paano haharapin ni Dredd ang darating na namang pagsubok sa kanyang pagkalalake paglipat niya sa dormitoryong tutuluyan niya kung saan niya makikilala ang mas naggagandahan at nagseseksihan pang mga babae. Paano niya ngayon
tutuparin ang pangako niya sa nobyang si Geng na magpapakatino na nga siya? Ganoon pang siya lamang ang nag-iisang lalake na magtitira doon…
Unang-labas
Estudyante sa UE Recto si Marie noon. Commerce. Sa Gastambide siya
nangungupahan, sa isang dormitoryo na pag-aari ng isang mayamang intsik. Inupahan ng Mama ni Marie ang isang apartment doon na may apat na kuwarto at sari-sariling banyo mula pa noong first year college siya. Katwiran ni Mrs. Saiko, mabuti na ‘yong nakalagay sa maayos ang
kaisaisang anak nila ni Mr. Saiko.
‘Yung kuwarto sa ibaba ay sarili ni Marie. ‘Yung tatlo pa ay pinaupahan niya. Siya na ang nagpatakbo ng apartment. Bale sarili na niyang negosyong maituturing ‘yon. Hangga’t maaari ay puro babae ang
gusto niyang bed spacer. Pero dalawang kuwarto lamang ang naakupa. May
nagrekomenda sa kanyang kaibigan na kahit lalake ay tumanggap na siya. Kesa mabakante nga naman ang kuwarto, eh sayang din ang kikitain.
Si Dredd ang kauna-unahang bed spacer na lalake ni Marie. Third year na rin tulad niya. Dentistry naman ang kurso ni Dredd.
Hapon na noon. Tapos na ang klase ni Marie. Naroon siya sa kanyang kuwarto. Naisipan niyang tawagan sa phone ang kaibigan na nagrekomenda kay Dredd dahil kumakagat na ang dilim ay wala pa ito.
Nang palabas na si Marie sa gate ng dorm ay siya namang pagparada ng taxi sa tapat niya at bumulas pagbukas ng pinto ang isang matangkad na lalake. Nakangiti.
Nag-isip si Marie kung kilala niya ang lalake. Ginantihan niya ng tamad na ngiti.
“Maaari po bang magtanong, Ale?” anang lalake.
Tumaas ang kilay ni Marie. Anyo ng isang suplada. “Sure…”
“Saan po ba ang apartment ni Miss Marie Saiko?”
“Doon sa pangatlong pinto. Ano’ng kailangan mo sa kanya?”
“Ako po ang bagong border niya.”
“So, you are Dredd?”
“Ako nga po.”
“Ako naman si Marie.”
Parang nagulat pa ang anyo ng lalake. Napakamot na lamang sa ulo.
“Aba ginoo! Paano tayo?” ang ibig sabihin ng taxi driver ay ang bayad.
“Ay sorry boss. Magkano na nga ulit?” tugon agad ng binata. Pagkabayad ay ibinaba niya ang mga abubot niya.
Si Marie naman ay nanatiling nakatayo at pinagmamasdang mabuti ang hitsura ng binata. Sabi nga eh kinakaliskisan yata kung mukhang mapagkakatiwalaan. Hindi kasi sanay si Marie na may kasamang lalake sa
bahay bukod sa Papa niya. Para ngang gusto na niyang sabihin sa lalake na “hindi na ako tatanggap ng border na lalake. Goodbye and sorry”.
Pero hindi niya nagawa. “Sumunod ka sa ‘kin…” ang tangi niyang nasabi ng huli.
Kipkip ni Dredd ang dalawang bag at bitbit naman niya ang dalawang mas
malaking bag. Pumasok sila sa apartment. Sa second floor. isang kuwarto at isang banyo. may pasilyo sa gilid patungo sa third floor kung naroon ang dalawang kuwarto ng mga babaeng border.
Pagkababa ng mga gamit ni Dredd ay namewang siya. Tumingala. Pinile ng
pakanan at pakaliwa ang leeg. Lumagutok. Nilingon si Marie na nakahalukipkip at nakasandal sa pinto.
“Mister, P750 monthly plus tubig, ilaw. One month advance, one month
deposit.”
Post Comment