Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Advertisements

Ika-2 labas

Isang tango lang ang itinugon ni Dredd. Tumalikod na si Marie at lumakad pababa sa hagdan. “Hey, one more thing… just call me Marie at ayoko ng pinopopo ako. Bata pa ‘ko,” pahabol pa ng dalaga.

Isang tango uli ni Dredd. Napangisi. “Sayang, maganda pa naman at sexy. Suplada. Baka tumanda siyang dalaga,” bulong niya sa sarili. Napangisi. Inayos na niya ang mga gamit.

Tatlo ang doulbe deck sa kuwarto. Anim ang kabinet, inakupa ni Dredd ang isa. Binalikan niya sa dating tinutuluyan ang iba pa niyang gamit tulad ng kutson, electric fan at study table. Cash na P1,500 ang ibinigay niya kay Marie para sa adcance deposit. Sa tingin niya ay magiging komportable naman siya sa dorm na ‘yon. May curfew. 10:00 p.m.. Dalawa ang gate. Nasa trenta ang hanay ng apartment ng dorm. May sariling canteen.

Sumunod na araw ay ipinakilala ni Marie sa labindalawang lady bed spacer niya si Dredd. May first year, second year, third year at fourth year. Naroon sila sa third floor. Kinatok ni Marie ang mga

pinto. “Girls! May bagong border tayo. Lalake,” hayag niya.

“Hi girls!” Bati ni Dredd. Nakangiti.

“Hi!” Sabay-sabay na tugon sa kanya ng mga dalaga. May nag “Hello” din. May bumubungisngis pa.

Lumabas ang iba. Ang iba naman ay nakasilip sa pinto na tila nahihiya. Pero mayroon ding mga pilya. “Lalake ba talaga ‘yan?” nakangising sabi ni Beth. Tawanan ang lahat. Pati si Dredd ay napangisi rin.

Sa kabilang kuwarto ay sina Ana, Jane, Elen, Grace, Beth at Mayleen. Sa kabila naman ay sina Rowena, Tess, Luisa, Cathy, Janeth at Rosalie.

“Akala ko eh boyfriend mo na Ate Marie,” ani Cathy.

Lumabi naman si Marie at sumimangot. Naroon siya sa likod ni Dredd kaya hindi siya nakita. Tawanan ang mga dalaga. Si Dredd naman, nag-isip kung ano ang nakakatawa.

“Siyanga pala, may lakad pa ako eh. Maiwan ko muna kayong lahat. Nice

talking to all of you na lang, girls…”

“Bye…” Sabi ng ilan. “Bye pogi…,” naman sabi ng iba.

Pagtalikod ni Dredd at pababa na sila ni Marie ay narinig nilang

naghagikgikan ng tawa sa kabilang kuwarto. May bumubulong ng “ang cute

niya…”, “shit I’m in love again…” at “ang guwapo”, “macho”.

Napatigil sa hagdanan sina Marie at Dredd. Nilingon nila ang mga kuwarto. Agad naman ipinagsasara ng mga dalaga ang pinto. Napangisi si Dredd. Nagkatitigan sila ni Marie. Tumaas ang kilay ng dalaga at bumulong ng paimpit ang boses “ang lalandi!”

“Okay sila, ano?” nakangiting sambit ng binata.

“Pasensiya ka na sa kanila. Mga bata pa kasi, eh.” At tumuloy sa ibaba si Marie pagsapit sa tapat ng kuwarto ni Dredd.

Napailing na lang si Dredd. Paano ba naman eh kaedad lang ni Marie ang

pinagsabihan ng mga bata pa kasi.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment