Bagong Xperience (Jay) X

Advertisements

Part 10

Sa isang hardin na puno ng bulaklak ay sinalubong ni Jay si Sarah na
nakagayak na pangkasal. Sa itaas nila ay maingay ang kampana ng
simbahan na tuloy-tuloy ang kalembang na nag-a-announce sa lahat na
mayroong ikakasal. Nandoon lahat ng mga kamag-anak nila na ngayo’y nasa
loob ng simbahan at naghihintay sa kanilang pagpasok. Puting-puti ang
suot na pangkasal ni Sarah at napakaganda nitong tingnan nung iabot
nito ang kamay niya kay Jay.

“Sarah.” bulong ni Jay sa magiging asawa niya. “Ito na ang katuparan ng
pangarap natin.”

Ngumiti si Sarah pero hindi ito nagsalita. Habang lumalakad sila
patungo sa simbahan ay nakahilig sa kanya si Sarah. Tahimik lang ito.
Pagdating nila sa pintuan ng simbahan ay tumigil itong bigla. Nagulat
si Jay at tinanong ang kasintahan kung ano ang kinabahala nito.
Tumingin sa kanya si Sarah at napansin niyang may luha ang mga mata
nito.

“Hanggang dito na lang ako mahal ko.” sabi nito sa kanya.

“Sarah? What’s the problem?”

Bumitaw si Sarah sa kanya at unti-unti itong lumayo sa paningin niya.
Pero bago ito tuluyang nawala sa paningin niya ay narinig pa niya ang
sinabi nito.

“I love you very much Jay. Don’t forget me.”

5 am. Nagising si Jay sa sunod sunod na ring ng cellphone sa ibabaw ng
table niya. Dahan dahang bumangon ito at inabot sa table ang cellphone
niya.

“Hello?” sabi nito na inaantok pa ang boses.

“Pare? Jay? Si Darwin ito!” sabi sa kabilang linya.

“Hmmm? Darwin? Oh pare, ang aga pa—”

“Pare pumunta ka sa St. Mary’s Hospital. Nandito kami ngayon. Hintayin
ka namin.”

Biglang nagising bigla si Jay sa narinig. “Hospital? Anong ginagawa
niyo diyan?”

“Pare, huwag kang mabibigla. May aksidenteng nangyari kanina lang. Si
Sarah…”

“Ha? Anong nangyari kay Sarah?”

Hindi agad nakapagsalita si Darwin sa kabilang linya. Nung
makapagsalita ulit ito ay medyo mababa ang tinig. “Pare, punta ka na
dito. Please hurry pare.” Pagkatapos ay naputol na ang linya. Kinabahan
si Jay sa tinig ng kaibigan at nagmadaling magbihis.

Sinalubong siya ni Darwin sa entrance ng ospital kung saan sinabi nito
sa kanya ang nangyari. Nabangga si Sarah ng truck. Inaantok ang driver
nito at hindi napansin na papuntang gutter na ang truck niya. Sabi ng
mga nakakita, huli na nung mapansin ni Sarah ang truck.

“Nasaan si Sarah ngayon? Kumusta siya?”

Hindi nakapagsalita si Darwin at napatingin lang sa kahabaan ng aisle
ng ospital. Nung tingnan ni Jay kung saan nakatingin si Darwin ay
napansin niya ang dalawang orderly na may hila-hilang stretcher na
natatakpan ng berdeng kurtina na naka-box sa stretcher. Sa likod ng
stretcher ay sumusunod ang magulang ni Sarah na umiiyak.

Tinakbo ni Jay ang stretcher at nang maabutan ay tinanggal ang berdeng
kurtina nito. Pinilit siyang pigilan ng dalawang orderly pero malakas
si Jay. Pero ganun na lang ang iyak niya nung makitang ang tinatakpan
ng kurtina ay ang wala nang buhay na katawan ni Sarah.

Malakas ang panaghoy ni Jay habang yakap-yakap ang kasintahan. Hinila
siya palayo ng dalawang orderly na tinulungan ng isa pa bago siya
mailayo sa katawan ni Sarah. Nanghihinang bumagsak sa sahig si Jay na
yakap ng kanilang mga kaibigan.

Binurol si Sarah sa Paz Memorial nang limang araw. Halos hindi nilayuan
ni Jay ang ataul ng kasintahan. Sinamahan siya ni Darwin at ng mga
kabarkada nila upang bantayan si Jay. Dumating din ang mga teachers at
professors nila at pati na rin ang magulang ni Jay na sinamahan ang
anak nila sa pagbantay ng dalawang araw.

Sa libing ni Sarah ay dala ni Jay ang naka-bookbind na documentation ng
thesis nila kung saan nakapaloob ang pangalan nilang dalawa. May dala
din siyang puting rosas na siyang isinilid niya kasama ang
documentation ng thesis nila sa loob ng nitso ng kasintahan. Nung wala
na ang mga tao ay lumuhod siya sa nitso ng kasintahan.

“Sana naririnig mo ako ngayon Sarah.” sabi nito. “Kasi… I miss you so
much. Binigyan mo ako ng panibagong pangarap, panibagong buhay sa
sandaling nagsama tayo. Sana lang… Sana lang ay nuon pa tayo
nagmahalan. Mahal na mahal kita Sarah…”

“Bakit mo ako iniwan?” hikbi nito. “Bakit ikaw pa? Bakit kailangang
kunin ka niya sa akin? Hindi pa ba sapat na maghirap ako para sa mga
pangarap ko? Bakit kailangang mawala ka pa? Ikaw na nagturo sa akin sa
tamang daan… Ikaw, na siyang minahal ko ng tunay…”

“Hindi kita malilimutan mahal ko.” sabi nito habang pinapahid ang luha
sa pisngi. “Kahit tumanda ako, kahit makakita ako ng iba… Hindi kita
malilimutan. Pangako iyan.” Pagkatapos ay niyakap nito ang nitso.
“Mahal na mahal kita…”

Pagtayo ni Jay ay binalikan pa niya ng isa pang tingin ang nitso ng
kasintahan. Pagkatapos ay naglakad na ito palayo. Pero napatigil siya
ng maramdaman ang pagdaloy ng malamig na hangin. Binalikan niya ulit ng
tingin ang nitso ng kasintahan. Nakaramdam siya ng peace and
tranquility.

“Nahihimbing na ang mahal ko.” sabi nito sa sarili.

-0-

Dumating ang araw ng graduation. Kahit hindi cum laude si Jay ay
pinag-prepare ito ng dean ng speech dahil sa karangalang ibinigay nito
sa eskuwelahan. Si Jay pa lang ang kauna-unahang estudyante na binisita
at ni-recruit on the spot ng isang malaking kumpanya sa history ng
kolehiyo nila. Dahil dito naging inspirasyon si Jay sa mga estudyante
na gustong sundan ang yapak nito. Ang mga dating kumukutya sa kanya ay
tungo ang ulo pagdaan niya papunta sa podium. At pagkatapos ng speech
niya ay sinalubong siya ng masigabong palakpakan. Sa gitna ng tagumpay
ay naalala niya ang mga advice sa kanya ni Sarah kaya’t sandaling
umusal siya ng dasal para sa namaalam na kasintahan.

Tapos na ang graduation ceremony at papalabas na siya ng eskuwelahan
kasama ang kanyang mga magulang ng mamataan niya si Lani na nasa isang
tabi at nakatingin sa kanya. Pinauna niya muna ang magulang at
nilapitan ang dating kasintahan.

“Nice speech Jay.” bati nito sa kanya.

“Thanks.” sagot ni Jay na nakangiti. “So how are you?”

“I’m back to normal.” sagot nito. “Although meron pa rin akong trauma
sa nangyari sa akin. I’m seeing a psychiatrist right now and I think
I’m improving.”

“That’s good.” sabi ni Jay. Aakmang aalis na sana ito ngunit naramdaman
niya ang kamay ni Lani na humawak sa braso niya.

“I know I’ve said a lot of bad things to you. And I know na nasaktan
kita ng husto.” sabi ni Lani. “I know you will never forgive me sa mga
nangyari. I only want to say I’m sorry.”

Tumango lang si Jay pero hindi na ito tumingin kay Lani. Bumitaw na si
Lani sa pagkakahawak sa braso niya at nagpatuloy na si Jay maglakad
patungo sa sasakyan nila.

-0-

Ninoy Aquino International Airport.

Nagmamadali na si Jay pagpasok ng airport. Pagkatapos halikan at
yakapin ang mga magulang at kaibigan ay papasok na sana ito ng entrance
nang mayroong mapansin na babae na nakangiti sa kanya. Nakilala niya
agad ito na si Ms. Gil. Tuwang tuwang nilapitan niya ito kung saan ay
kinamayan siya nito agad.

“Tin?” natutuwang bati ni Jay. “What are you doing here?”

“Well, someone told me na ngayon ang flight mo papuntang U.S. and I
just have to see you one last time so here I am.” sabi nito na
nakangiti.

“What happened? Bakit bigla kang nawala?”

“My husband went home.” sagot nito. “After two years na walang contact
kami sa isa’t isa ay umuwi din siya. It turns out na naaksidente pala
siya sa trabaho at nagkaroon ng temporary amnesia. Hindi pala totoo ang
mga kuwento na sumama na siya sa ibang babae katulad ng mga naririnig
ko nuon.”

“He barely remembers me.” patuloy ni Tin. “Kasama niya ang taga
Philippine Embassy kung saan na-retrieve ang mga records niya at
natunton kung saan kami nakatira. Now I’m caring for him and you know
what, parang mas closer kami ngayon kesa nuon.”

“I’m sorry to hear that Tin. But I’m also glad na magkasama kayong
muli.”

“I’m sorry to hear about Sarah too. Sayang, you two deserved to be
together.”

“Paano mo nalaman yan?” tanong ni Jay.

“Kanino pa eh di sa madaldal mong kaibigan. Si Darwin.” tawa si Tin.
Pagkatapos ay narinig nila ang announcement na boarding na ang flight
ng Philippine Airlines bound for U.S.

“Well… I have to go.”

“Take care Jay.” sabi nito. At sinundan ni Tin ng tingin si Jay
hanggang mawala na ito sa paningin niya.

-0-

Sa office ng Sun Microsystems ay pinakikilala si Jay ng kanyang manager
na si Robert Granger sa mga katulad niyang trainee.

“And that one on the left is Sang Myu.”

“Good morning.” bati niya.

“A pleasure.” sabi ng koreano at kinamayan siya.

“Well, I guess that’s everybody?” sabi ni Granger pero biglang
napatingin ito sa isang babae na kadarating lang.

“Guess not.” sabi nito. “Ms. Ling? Could come over here please?”
Nagpunta muna ang babae sa workstation niya at pagkatanggal ng jacket
ay natambad kay Jay ang mukha nito. Sa unang tingin ni Jay ay parang
nakaharap siya kay Sarah. Halos magkamukha ang dalawa kaya lang ay mas
matangkad itong si Ling at mas matanda siguro ng isang taon.
Nakangiting lumapit ito at kinamayan si Jay.

“Hi?” bati nito at inabot ni Jay ang kamay. “I’m Karen. Karen Ling.”

“I’m Jay Delapin.” sagot ni Jay. “You’re korean?”

“No. Chinese.” sagot nito sa kanya. “And you’re?”

“Oh, Filipino.” ngiti si Jay. Pagkatapos ay naramdaman niya ang kamay
ng manager niya sa balikat niya.

“I’ll leave you two to know each other. I believe you can show him
around Ms. Ling?”

“Very good sir.” sagot nito. Nung umalis na ang manager nila ay humarap
ulit ito kay Jay.

“Filipino huh? Kamusta ka?”

Nagulat si Jay sa sinabi ni Karen. “You can speak Filipino?”

“My mother is a Filipina and I’ve visited the Philippines before. I
like the people there especially my lolo and lola. But my Pilipino is
still a bit rusty.”

“I can help you with that.” sabi ni Jay. “That is if you want me too.”

“Sige!” bigkas nito sa Pilipino. “When?”

“How about lunch?” sagot ni Jay.

“Sige Mr. Delapin. Lunch.”

Ngumiti si Jay habang nakatingin kay Karen. Pagkatapos ay inilibot siya
ni Karen sa buong opisina kung saan magsisimula siyang bumuo ng
panibagong buhay.

EPILOGUE

Naging malapit na magkaibigan si Jay at si Karen Ling na kalaunan ay
naging sila ding dalawa. Pagkatapos ng dalawang taon na training nila
ay pareho silang na-transfer sa bagong planta ng Sun Microsystems sa
Pilipinas. Dito na lalong umusbong ang pagmamahalan nila na nauwi sa
kasalan. Na-promote si Jay at naging Chief Software Security Architect
kung saan siya ang naging overall boss sa R&D department ng Sun
Microsystems-Pilipinas. Si Jay at si Karen ay nabiyayaan ng dalawang
anak na babae.

Si Lani ay na-employ sa isang magandang kumpanya din. Tuluyan na siyang
gumaling sa rape trauma at ngayon nga ay isa na ding manager. Naging
workaholic itong si Lani na naging susi ng tagumpay niya sa career.
Kasalukuyang nalalalapit na ang kasal ni Lani sa nobyo na kapwa din
niya manager sa kumpanyang pinagtatrabahuhan.

Si Darwin naman at si Nadia ay nagkatuluyan at nabiyayaan ng anak na
lalaki. Kinuha ni Jay si Darwin bilang software engineer niya at ito
naman ay naging mahusay sa trabaho. Maganda ang samahan nila ni Nadia
at ang tanging problema lang ay ang mga death threats sa kanya ng
dating nobya na si Monica.

Si Dave ay nakulong ng dalawang taon dahil sa rape. Bago siya makalabas
ng kulungan ay naungkat pa ang ibang kaso nito na naglalagay din ng
gamot sa inumin ng mga babae saka rereypin. Hindi na naka-graduate
itong si Dave at nagdusa ng tatlong taon pa sa kulungan. Paglabas niya
ay sinalubong siya ng mga kapatid niya na ngayo’y mga professionals na
rin. Dahil may kaya ang mga magulang ay binigyan siya ng maliit na
negosyo na napalaki naman niya. Malaki na ang pinagbago ni Dave at
natuto na itong rumespeto sa mga kababaihan.

Katulad ng pangako ni Jay ay hindi niya kinalimutan si Sarah. Dumadalaw
pa rin siya sa puntod ni Sarah twice or thrice a year kapag may panahon
siya. Nakakausap pa rin niya ang mga magulang nito kung saan minsan ay
bumibisita siya dito at pinagkukuwentuhan nila ang mga panahong bata pa
si Jay at si Sarah ay kasama pa nila sa mundong ibabaw.

WAKAS

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment