Bahay ni Kuya Chapter 4: Makeover (A)

Advertisements

Chapter 4: Makeover

“Alam mo pare what you need in a make over” sabi ni Tonio sa akin habang nagkakape kami sa lounge. “Bakit may problema pa sa porma ko pare? Ganito naman dapat ang suot ng executive diba?” sabi ko sa kanya. “Pare twety four ka lang at when people look at you sa ganyan na formal na suot you look older. Araw araw ka naka slacks, tie and coat, nakalimutan mo na ata magsuot ng casual attire e” sabi nya. “Oo nga pare eh, alam mo the last time I wore maong pants was the day before graduation. After that work agad dito, lahat ng damit ko sa cabinet panay polo, tie, slacks, tapos pambahay na yung iba” sabi ko sa kanya at tumawa sya.

“Well pare you should wear clothes na pang yuppie, alam mo may tauhan ka dito na magaling sa fashion sense, si Gege ka department ko” sabi nya. “Sus babae yon e, mahihiya lang ako don” sabi ko sa kanya. “Bading sya pare, Gerald Genio alysas Gege pero magaling sya pare ha” sabi nya at tumawa ako. “Bakla ang magdadamit sa akin? Ano papasok ako dito naka butterfly costume? O kaya alitaptap hairdo with matching poise and gay mannerisms?” sagot ko at tawa kami ng tawa. “Pare sige na try mo lang, papuntahin ko sa opis mo mamaya” sabi nya. “Ulol, alam mo naman na medyo aloof ako sa bading, sumama ka” sabi ko at tawa sya ng tawa.

One hour later kasama ni Tonio si Gege na pumasok sa opisina ko. “Gege, I heard from Tonio you are good, so I need a total make over in terms of appearance” sabi ko agad at tinignan ako ng bading from head to foot. “Okay naman suot mo sir, ano ba gusto mo mangyari sa itsura mo?” tanong nya. “Gusto ko maging sirena” biro ko at nagsimangot ang bakla pero si Tonio tawa ng tawa. “Just kidding Gege, I want to look my age, 24, sabi ni Tonio mukha daw ako matanda dito sa suot ko” sabi ko sa kanya. “I see, well e di magsuot ka ng uso, jeans, tucked in na polo, tie, tapos coat, then sneakers o diba?” sabi nya at di ko sya maimagine. “Di ko magets itsura ko pag ganon” sabi ko.

“Hay naku sir, talagang di mo maimagine kailangan natin magpunta sa mall para matry mo talaga. May shop ang friend ko doon tayo para pwede tayo mag matching ng babagay sa iyo” sabi nya. “Ngayon na?” tanong ko. “Pwede naman in ten years sir” bawi nya at tinignan ko ang computer, “May bakante ata ang janitorial baka gusto mo ilipat kita doon?” biro ko at tumawa ang bakla. “Si sir talaga, nagbibiro din ako” sabi nya.

Nagpunta kami sa shop ng kaibigan nya at madami ako sinubukan na damit. After thirty minutes nagustuhan ko ang nakita ko sa salamin. “Wow, ok to ah” sabi ko at tumawa ang mga bading. “Saan kweba ka ba nagtago?” tanong ni Gege at napangiti ako. “Pero executive ako tapos ganito suot ko? I mean naka jeans ako tapos sneakers, pero upper part polo and tie then coat? It looks good pero baka naman di na ako magmukhang executive nito?” sabi ko.

“Hellow! Ganyan ang uso! Sabi mo something that suits your age o ayan na. You can also lose the tie pero you have to open the bottons of your shirt. Madami combination ang pwede sa jeans. Pero sir suggest ko din you have to change your haircut, dapat naman medyo bagets ka, semikalbo tapos magpalagay ka ng hikaw sa tenga” sabi nya at tawa na ako ng tawa. “Sobra naman na ata yon” sabi ko sa kanya. “Try mo lang, ang nagpapapangit lang sa iyo ay yang buhok mo, masyado dry parang iskoba ng banyo, maganda naman shape ng head mo so try mo lang” sabi nya. “Sige antayin niyo ako dito” sabi ko at dumireto ako sa barbero at nagpasemikalbo. Pagbalik ko nakangiti sila sa akin.

“Ayan e di nadagdagan ka ng pogi points, plus two” sabi nya at parang nasiyahan ako sa sinabi nya. “Talaga? Ilang points ko in total?” tanong ko. “Two” sagot nya at natawa ako. “E si Tonio ilan?” tanong ko at tumili sila, “One hundred” sabi nya at nanghinayang ako bigla. “Paakyatin mo naman ang pogi points ko sa kahit ten man lang” sabi ko at tawa sila ng tawa. “Hay naku sir alam mo di lahat nakukuha sa kagwapuhan, kailangan mo lang ay tamang pagdala sa sarili mo at sa suot mo, at higit sa lahat ugali” sabi nya.

“Ows? Di importante ang gwapo?” tanong ko. “Oh yes, aanhin mo ang gwapo kung madungis? O kaya pangit ugali? So kailangan mo idaan sa charm yan, kaming mga babae madali maakit sa lalakeng charming” sabi nya. “Kayong babae? As in kayo na feeling babae o kasama mga tunay na babae?” tanong ko at tinaasan nila ako ng kilay. “Lahat kaming babae!” sigaw nila at tawa ako ng tawa. “Okay, so teach me” sabi ko at ngumiti sila. “Walang libre sa mundo” sabi ni Gege. “Magbabayad ako may pera ako” sabi ko. “Hindi ko kailangan ng pera” sabi nya. “E ano?” tanong ko. “One date with Tonio” sabi nya at napahalakhak ako bigla. “Sige deal!” sabi ko sa kanya. “Talaga? As if naman papayag yon” sabi ni Gege. “Ako pa, basta deal na yon ako bahala don, so teach me, make me charming…pero oy wag mo ako gagawing bakla!” sabi ko at tumawa sya. “Hay sir, in order to be charming you have to be in touch with your feminine side, konti lang! As if naman magician ako na isang iglap mahilig ka narin sa ****!” sigaw nya at tawa kami ng tawa ng kaibigan nya. “Taasan mo pa ako ng boses Gege talagang ililipat kita sa janitorial” biro ko at nilambing na nya ako bigla.

Pagsapit ng hapon ay madami ako natutunan, kailangan ko na umalis para sunduin si Miyu. “Sir isuot mo na yan wag ka na magbibihis to your old attire” sabi ni Gege. “Excuse me sir ano po yung kukunin niyo para makwenta ko na” sabi ng kaibigan nya. “Lahat” sabi ko at nanlaki ang mata nya. “Lahat?” tanong nya. “Oo lahat, may mga crew ka ba na pwede ako samahan ilagay sa kotse?” tanong ko at nagkandarapa ang bading. “Gege, magkano sweldo mo sa company?” tanong ko. “Twenty thousand” sabi nya. “Gawin natin thirty thousand” sabi ko at napayakap sa akin yung bading. “Pero favor, every night padalhan mo ako email, kung ano isusuot ko the next day” sabi ko. “Ay sure, no problem sir” sagot nya. “At kung may bagong fashion sabihin mo din para in ako para naman madagdagan ang pogi points ko” sabi ko sa kanya at tumawa sya. “Actually sir, two, plus yung porma mo so that is plus ten, then may tsikot ka plus ten ulit then madatung ka plus ten, ewan ko ilang points sa charm pero at least may thirty plus ka na” sabi nya at tawa ako ng tawa.

Paglabas namin ng shop napansin ko may mga napapatingin sa akin na mga babae. “Gege, sigurado ka di katawa tawa ang suot ko, bakit nila ako tinitignan?” bulong ko sa kanya. “Kasi sir attractive ka na” sabi nya at napangiti ako. “Really?” tanong ko. “Wag masyado ang ngiti, ang lakad dapat may confidence, wag maging snob, kung nginitian ka smile back a little lang parang teaser” bulong nya. Natatawa na ako sa loob loob ko at mukhang epektib ang sinasabi nya. “Sir teka ang bantot ng perfume mo, amoy matanda ka” sabi nya bigla. “Totoo ka?” tanong ko. “Yes, pag malayo attractive, pag lapit sa iyo destructive ka na, parang pabango ng sixty years old yan, ano ba yan? Maattract mo lang ang mga matron siguro pag ganyan, penge four thousand at bibilhan kita ng pabango” sabi nya. Agad ako naglabas ng pera at dumiretso na sa kotse ko, thirty minutes dumating si Gege at inabot ang pabango, “Gege salamat ha” sabi ko. “Late ka na, susunduin mo pa anak mo” sabi nya at pagtingin ko sa orasan ay thirty minutes late na nga ako.

Pagdating ko sa school ni Miyu agad ako pumasok sa loob, buti nalang nandon pa sya at may kausap syang teacher. Nilapitan ko sila at agad nya ako nakita, tulala si Miyu at nakatitig lang sila sa akin. “Sorry I am late” sabi ko at nginitian ako ng teacher nya. Ang ganda ng teacher nya, kumikinang pa ang braces nya. “Kuya…sinasabi ko lang kay teacher Mau na executive ka…bakit ganyan ang suot mo?” tanong ng mabagal ni Miyu. “Pangit ba?” tanong ko at nginitian ako ni Miyu at biglang inakbayan ang kamay ko, “Teacher di ko pala guardian ito, boyfriend ko to” sabi ni Miyu at napatawa ang teacher nya. “Jeffrey Mendez, Mayumi’s guardian” sabi ko sabay abot ng kamay sa teacher nya. “Ah…Maureen Delapaz…I’m her homeroom adviser” sabi nya sa akin at nagngitian kami. “Late ka treat mo ako” sabi ni Miyu, “Okay, miss Delapaz would you like to join us?” tanong ko at ngumiti lang ang teacher niya at namula ang mga pisngi, “Ah…next time…I have paper work to finish, nice meeting you” sabi nya at bigla sya umalis.

Pagpasok sa kotse napansin ko tingin ng tingin sa akin si Miyu, “Bakit may problema?” tanong ko. “Wala…naninibago ako sa itsura mo kuya” sabi nya. “Oo kasi nawala yung buhok ko” sabi ko. “Buhok, suot at itsura….hmp may pinopormahan ka! I hate you na!” sabi nya. “Wag mo na ako treat, uwi na tayo!” hirit nya at natawa tuloy ako. “Wala naman ako pinopormahan, gusto ko lang magbagong image e” sabi ko pero nakasimangot parin sya.

“E bakit kasi pag may pinopormahan ako? E lalake naman ako at normal lang naman yon ah” sabi ko sa kanya. “Hindi pwede yon, kasi mawawala ang atensyon mo sa akin. Tapos sya nalang lagi mo treat at di mo na ako itreat tapos lagi mo na sya kasama, late ka na uuwi wala na kaming kuya magbabantay sa amin sa house” drama nya at lalo ako natawa. “E pag ganon pano naman love life ko?” tanong ko sa kanya at di nya ako sinagot at nakasimangot parin sya. Tinabi ko ang kotse sa tapat ng isang sikat na restaurant, at tinignan niya ako, “Sabi ko uwi na tayo e!” sabi nya. “Okay, well masarap pa naman ang pagkain dyan” sabi ko. “Wala ako gana kumain at wala naman okasyon para itreat mo ako sa mamahalin na lugar!” sigaw nya.

“Okay, date sana natin to e pero sige uwi nalang tayo” sabi ko at tinignan nya ako at ngumiti. “Date? Date natin?” tanong nya. “Oo ang date naman di ibig sabihin magsyota o nagliligawan. Date as in quality time, eating time, ikaw at ako pero wala ka pala gana kumain e” sabi ko at inandar ko na ang kotse. “Meron na ako gana, nagbibiro lang naman ako…pero naka school uniform ako kuya” sabi nya. “So? Dati nga pajama, at least now uniform” sabi ko at bigla niya binuksan ang pinto at lumabas sya. Sa wakas nasolusyonan ko nanaman ang isang problema, mahirap kalabanin si Miyu pagkat asal bata talaga sya.

Nakauwi kami ni Miyu ng six ng bagi, pagpasok palang sa living room natulala sina Celine, Tessa nang makita ako. Sa sobrang busog nahiga si Miyu sa sofa kaya nagdiretso ako sa kusina pagkat may naamoy akong masarap na pagkain. Nakita ko si Jaja nagluluto, naalala ko HRM pala sya. “Hmmm smells good” sabi ko at nang lingunin niya ako nagulat sya bigla. “Para ka naman nakakita ng multo” sabi ko at iniwanan ko na sya at umakyat ako sa second floor. Nakita ko si Loreen sa living room doon at tinitigan nya ako. Nakiupo ako sa kanya at tinignan ko ano ginagawa nya sa laptop nya, “Loreen bakit di ka nakikihalubilo masyado sa iba?” tanong ko at nakatingin lang sya sa akin. “Do I have to?” tanong nya. “Ha? Syempre, napapansin ko lagi ka nag iisa. Bakit ayaw mo ba sila kasama?” tanong ko. “Gusto naman pero mas madami ako nagagawa pag mag isa ako, wala ako oras sa kid stuff or kalandian” sabi nya.

“Oh well ganyan ako dati, gusto ko mapag isa pero lonely. Madami nga nagagawa pero kokonti lang kaibigan ko. Look at me now, iisa lang natirang kaibigan ko at yun pa ang umahas sa girlfriend ko. Oh well kung ganyan ka na talaga wala na tayo magagawa, pero alam mo you should try to socialize more, the more friends the happy you will become” sabi ko at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. “Kuya” sabi nya kaya nilingon ko sya. “You look good” sabi nya at napangiti nalang ako sa kanya.

Madami din ako natutunan kay Gege, galit sa akin si Tonio pagkat napilitan siyang makipagdate sa kanya. Pero all is well naman pagkatapos non, naging in touch ako sa feminine side ko, para ako pumasok sa charm school ng bading sa aking opisina araw araw. Nagdala pa si Gege ng tomboy na kaibigan para turuan naman ako umintindi ng pangaingailangan ng babae kahit hindi nila sinasabi. Kaya naman pala sabi ng iba mas magaling magmahal ang tomboy kasi babae din sila. Nagkakaintindihan sila, ngayon medyo nakukuha ko na pero syempre lalake parin ako kaya di ko pa sanay ang mga mannerisms ng mga babae.

Ang pinakamahirap sa lahat ay yung timing, kailangan ko daw mag isip ng mabuti bago ako umasta. Kailangan ko daw matuto kung kailan ako magiging charming o hindi. Kailangan ko malaman sa tingin palang kung mali na agad ang entrada ko at kung kailan tama ang ginagawa ko. Ang importante daw ay ang feelings na galing sa loob ng dibdib at hindi yung feelings sa ulo sa baba. At kung mapalagay man ang damdamin nila sa akin wag daw ako mag take advantage.

Pag uwi namin ni Miyu ng bahay ay napansin namin na masyadong tahimik. Pagakyat namin sa second floor nakita ko ang iba busy nag aaral, kakaibang eksena ito ngayon ko lang sila nakitang ganito. “Preliminary Exam niyo ano? Kaya pala ang babait niyo ngayon” biro ko sa kanila at di man lang nila ako tinignan. Pagpasok ko sa kwarto ko nagulat ako nandon si Loreen sa harapan ng pc ko, “Kuya pagamit pala, sorry, mabilis kasi tong pc mo e. Don’t worry di ko sisirain” sabi nya kaya hinayaan ko lang sya doon. Nagbihis ako sa banyo at paglabas ko nandon narin si Tessa, “Kuya higa ka dali kailangan ko magpractice, sige na please” sabi nya kaya agad ako nahiga at naupo sya sa tabi ko at may dalang chart. “Okuya hawakan mo ito dapat lahat ng ituro ko tama, pakicheck nalang ha” sabi nya at pinagtuturo niya ang ibat ibang parte ng katawan ko at okay naman panay tama naman ang mga nasasabi nya.

“Kuya help!” sigaw ni Celine at nakitabi sya sa kama, “Kuya nalilito ako dito sa accounting subject ko, commerce ka din so dapat alam mo to” sabi nya. “Wag kang magulo nauna ako” sabi ni Tessa. “Teka teka time out, pano kita tuturuan e ginagamit pa ako ni Tessa?” sabi ko at biglang tumawa si Loreen ng mag isa. “Hala parang siraulo” sabi ni Celine. “Sorry iba lang naisip ko” sagot ni Loreen at natawa narin si Tessa. “Ikaw naman Loreen maaga pa para gamitin ko si kuya sa ganon no…mamaya pag madilim na” landi ni Tessa at tawa ng tawa si Celine.

Pumsasok narin sa kwarto si Miyu at nahiga sa tabi ko, “Tessa si Miyu nalang gamitin mo” sabi ko. “Di ako lesbian” sagot nya at natawa ako. “Sira, sya test subject mo, para maturuan ko si Celine” nilinaw ko at tawa kami ng tawa. Naupo kami niCeline sa study table, pumasok din sa kwarto si Jaja at suot pa nya ang apron. “Wala man lang tumulong sa akin magluto” drama nya kaya napatingin ako sa kanya. “Akala ko kasama mo si Liezl” sabi ko. “Wala pa si Liezl, di sumabay sa amin pauwi” sagot nya. “Exam din niya bukas diba?” tanong ko at nag oo sila lahat.

Nag init nanaman ulo ko, kamakailan lang e akala ko nagbago na sya pero ngayon exams gumimik nanaman sya. “Kuya…” sabi ni Celine sabay turo sa notebook nya. “Ay oo sorry, anyway lets continue” sabi ko. Pumunta sa likod ko si Jaja at niyakap ako at pinatong ang ulo sa balikat ko, napatigil ako at tumawa si Celine, “Jaja wag mo naman landiin sikuya baka iba maituro nya sa akin” sabi niya. “Ay nagseselos ka ba Celina? Alam mo ba may nakaraan kami ni kuya…di ba kuyaaaahhh” landi ni Jaja at humalakhak si Celine. “Jaja, di ako makaconcentrate, pero in fairness parang namamasahe ang likod ko ng malalambot na bagay” biro ko at bigla nya ako binitawan at sinakal. “Manyak!” sigaw nya at natawa na ako.

“Ay kuya di management ka, magpapaturo din ako mamaya pala, may management subject kami” sabi ni Jaja. “Okay, lahat ng magpapaturo pila pila lang, pero after dinner na yung iba” sabi ko at tinuloy ko ang pagturo kay Celine. After dinner tinuruan ko si Jaja, sabay tinulungan ko ulit si Tessa, nakakapagod din pala maging teacher. Nang natapos kami niJaja nakita ko nasa computer parin si Loreen, tinabihan ko sya at napatingin sya sa akin. “Kanina ka pa dyan, di ba sumasakit mata mo?” tanong ko sa kanya. “Sumasakit din pero kailangan tapusin to e, it comes with the territory” sabi nya.

“Sorry ha, pagdating dyan wala ako maitulong sa iyo di tulad nila meron ako konting alam” sabi ko at ngumiti lang sya. Pinagmasdan ko lang sya habang nagtratrabaho sya sa computer, sya lang ang di ko nakakasalimuha masyado, di ko nakabibiruan, wala na ako maalala kundi seryosong usapan. “Kuya matutulog ka na ba?” tanong nya. “Hindi pa, aantayin ko pa si Liezl baka magpapasundo nanaman, tigas ng ulo niya talaga exams tapos gigimik. At wala na ako lugar sa kama ko” sabi ko at napalingon sya at nakita nya sina Miyu, Jaja at Celine na natutulog na don.

“Gisingin ko sila?” tanong nya. “Hindi na, hayaan mo na sila” sabi ko. “Saan ka matutulog? Dun ka nalang sa room nila” sabi nya. “Di pwede, what if bigla dumating parents nila o matagpuan ako nakatulog don o baka iba na isipin nila” sabi ko sa kanya. “Don’t worry about me sige lang continue your work” sabi ko sa kanya at nagpunta ako sa baba para magyosi.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment