FALL OF ADAM PART 11

Advertisements

Kinabahan ako sa aking nadinig. Kung mahal ni Philip si Cristine maaring mabalewala ako kapag nagpatuloy pa ang kanilang pagkikita. Hindi ko kayang makipagkompetensya dahil alam kong malaki ang papel ng kapatid ni Angela sa pagkatao ni Cristine. Ang magagawa ko na lang ay mahalin si Cristine dahil iyon lang ang alam kong paraan para manatili siya sa akin. 

“Siguro nga madami pa akong hindi alam. Pero kontento na ako kung ano ang meron kami ngayon. Hindi ko na kailangan pang malaman ang nakaraan o kung ano man mayroon sila ng kapatid mo.” Bumuntong hininga ako pagkatapos magsalita para manatiling kalmado.

“Sige. Mas maganda din na si Cristine ang magsabi ng mga dapat mong malaman.”

“Salamat. May mga bagay siguro siyang gustong maging pribado kaya di niya nasasabi sa akin.”

“Hanga ako sa mga stand mo. Kaya pala todo ang pagmamalaki ni Cristine kapag nagiging topic ka namin sa bahay. Napakaswerte ng mamahalin mo.”

“Si Cristine ang mahal ko, so swerte siya?”


“Oo naman! Hanga ako dahil natatagalan mo ang tigas ng ulo niya.” 

“Iyon nga siguro ang tinatawag na pagmamahal.” Ngumiti siya pagkabigkas ko noon. 

“Yeah. Instead na piliting mabago ang isang tao, tanggapin na lang kung ano siya. Naiinggit tuloy.” Hinawakan niya ang aking braso at pinisil ng ilang beses. “Pwede ka bang i-hug?”

“Sure. Nag-enjoy akong kakwentuhan ka.” 

Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang hindi na kami magkikitang muli. “Alagaan mo ang kaibigan ko,” bulong niya sa akin saka kumawala sa pagkakayakap. “Huwag mo siyang sasaktan.”

Tango lang ang naging sagot ko. 

Naunawaan ni Angela na hanggang kaibigan lang ang pwedeng mamagitan sa amin. Malinaw sa kanya na si Cristine ang mahal ko. Lumalabas pa din naman kami at ganun din sina Philip at Cristine. 

Naging tapat naman si Cristine kapag may nakakasama siyang ibang lalaki. Tulad ng napagkasunduan noon sasabihin niya sa akin kung may nangyari. 

“Abstinence tayo for a month,” pagtatapat sa akin ni Cristine. “May juicy kasi kagabi sa party ni Brenda.”

“Sige. Kaya ko naman e. Ikaw lang naman ang umaakit sa akin.” pagbibiro ko.

“Anong ako?” Pinandilatan niya ako ng mata. “Ikaw nga itong mahilig!” 

“Nakahiga nga lang ako bigla mo akong hinalikan e.”

“Hoy, lalaki! Halik lang ang ginawa ko tapos nagtuloy tuloy ka na!” 

“Weakness ko ang kiss.” 

“Yabang mo. Basta abstinence tayo for two months dahil sa kayabangan mo!”

“Sure.” Kinabig ko agad siya palapit sa akin. I’m teasing her kung kaya niyang pangatawan ang sinasabi niyang abstinence. Muli kong naramdaman ang lambot ng kanyang mga labi. Kakaiba sa pakiramdam sa tuwing magdidikit iyon. Saksi ang mapanglaw na ilaw kung paano paglabanan ni Cristine ang kanyang nararamdaman at paninindigan sa abstinence pero sa huli ay bumigay din. 

“Abstinence ha,” natatawang sabi ko. “Pero nasa ibabaw ka na.”

“Shut up!”


Smooth ang takbo ng relationship namin ni Cristine. Expressive naman ang kilos niya kapag nagugustuhan niya ang mga efforts ko. Lalo akong naiinlove sa kanya sa tuwing may madadatnan akong pagkaing luto niya pagkakauwi ko sa tuwing hindi kami magkikita. Nararamdaman kong pinapahalagahan niya ang relationship namin. 

“Ready na?” Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. “Dahan-dahan baka madulas. Kawawa naman si baby.”

“Baby ka dyan! Katatapos ko nga lang.” 

“Biro lang. Wala ka ng nalilimutan?” Napagkasunduan naming magbakasyon ng ilang araw para magkaroon naman kami ng oras sa isa’t isa. The Farm at San Benito ang aming destination. Tahimik ang lugar at relaxing.

“Wala na. Dahan-dahan ang pagmamaneho ha. Hindi naman tayo nagmamadali.” Tumitig siya sa akin at ngumiti. “Para kay baby.”

Nagtawanan kami at nagtuksuhan habang nasa byahe sa tuwing sasakyan niya ang mga biro ko. Napakasarap sa pakiramdam na sa amin ang mundo at kami lang ang umiikot dito. Sa tuwing magtama ang aming paningin ay napapangiti na lang ako.

“RJ. Babe..” mahinang usal ni Cristine.

“Bakit? Something wrong?” Nakita ko siyang tila di mapakali habang hawak ang ulo niya.

“Nahihilo ako. At medyo sumasakit ang ulo ko.” 

“Dadalhin kita sa ospital.”

“No,” pigil niya sa akin. “Stress lang siguro ‘to. Hindi na ako sanay sa mahabang byahe. Ibalik mo na lang ako sa bahay.”

“Sigurado ka?” Nag-alaala ako dahil hindi ako sanay na makitang ganoon si Cristine. Napangiti din ako dahil baka buntis nga si Cristine dahil madalas namin iyong tuksuhan noong mga nakaraang araw. 

“Oo.” 

Mabilis akong nagmaneho pabalik ng bahay nina Cristine. Inalalayan ako ng kasambahay papasok sa kwarto ni Crisitine. Mabilis naman kumilos ang kasambahay na tila sanay na sa gagawin. 

“Salamat po!” Iniabot ko sa kasambahay ang baso matapos uminom ng gamot si Cristine. 

Kinumutan ko siya. Hinalikan sa pisngi at hinayaan ko muna siyang makapagpahinga. Tumayo ako at nagdesisyong umalis.

“Babe,” habol ni Cristine bago pa ako lumabas ng kwarto.

“Magpahinga ka na muna.” 

“Dito ka muna sa tabi ko. Gusto kitang yakapin.” 


itutuloy..

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment