FALL OF ADAM PART 5


Pumayag ako sa gusto ni Cristine. Magandang pagkakataon para makilala ko s’ya at hindi ko na din kailangang sundan ang bawat kilos niya. Maari ko ng makuha ang number niya para maging regular ang aming pagkikita. 

Marami akong gustong malaman bukod sa pagiging palaban niya. Hindi pa din malinaw kasi kung bakit kailangan niyang ipahiya ang lalaki sa larangan ng sex. Dapat ko din malaman kung bahagi lang ako ng kanyang eksperimento. 

Dumaan muna kami ng convenient store bago pumunta sa bahay. Pumili ako ng whisky habang nag-iikot si Cristine sa loob. Bumili na din ako ng pampalakas para matibay ang aking tuhod.

Pagdating sa bahay, hindi ako ang nagpakita ng interes para magsimula ng sex. Naupo lang ako sa sofa at bahagyang binuksan ang suot kong polo. Tatlong botones ang inalis ko para makita ni Cristine ang aking dibdib. Naupo sa tabi ko si Cristine, ipinatong niya sa aking mga hita ang kanyang paa. Iniunat ang binti. Nagtaas siya ng kilay na tila nang-aakit. Ngiti lang ang aking naging sukli.


Hindi ako nagpakita ng motibo na gusto ko siyang maikama ulit. Patutunayan ko sa kanya na kahit madaling matukso ang lalaki ay kaya pa din nitong magtiis at umiwas. Ilang beses ko ng napatuyan na kaya ko, kaya magagawa kong muli. Noong nag-aaral pa ako, madalas may katabi din akong mga kaklaseng babae sa tuwing may gimik pero nagagawa ko naman umiwas sa tukso. 

“Mahilig ka sa music?” tanong ko sa kanya. Tumayo ako para kunin ang lalagyan ng mga CD. “Pili ka.”

“Oo naman!” Lumapit sya sa akin. Sinimulan niyang alisin ang natitirang botones ng polo ko. Pinagapang niya ang kanyang kamay mula sa aking dibdib papuntang likuran. “Halos dumugo na nga ang tenga ko kasi palaging may nakasalpak na earphone.”

Uminit ang pakiramdam ko pero pilit kong nilalabanan. Ramdam ko ng pagtaas ng dugo sa aking ulo. Mahirap pigilan ang sensasyon kung gaya ni Cristine ang tukso. Ramdam ko ng bango ng bawat hinga niya. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang aking sarili. Halos magkadikit na ang aming mga labi.

Bahagya akong umiwas para ilagay sa player ang hawak na CD ni Cristine. Halos lumambot ang tuhod ko.

“May itatanong sana ako, pero nahihiya ako.” sambit ko.

Natawa si Cristine sa sinabi ko. “Ikaw pa talaga ang nahihiya? Go lang.”

“Hmmmm. Ganyan ka ba talaga? Hindi kasi ako sanay sa ganitong set-up.”

“You mean, hot and exciting?” derechong sagot niya. “Gusto ng mga lalaki na satisfied sila palagi kaya perfect ako sa taste ng mga guys.”

“Yes. Gusto nga namin ng ganon. Pero mas may thrill kung may konting suspense.”

“Kulang pa ba ako sa suspense na hanap mo?” Natutukso ako sa mga ngiti niya.

“Active talaga ang sex life mo ha?”

“I flirt pero hindi palaging may sex. Kiss lang madalas. Kung hindi ko nagustuhan ang kiss mabilis akong magturn down.”

“Nakakabitin naman iyon.”

“Walang akong pakialam kung sumakit ang puson n’yo!”

“So, anong set-up natin?” usisa ko.

“I don’t know. Let’s enjoy na lang.”

Simulan niyang alisin ang suot na blouse. Umiikot siya sa akin habang ginagawa iyon. Namasdan ko ang maputing kahubdan ni Cristine na hindi ko napansin noong unang gabi naming pagniniig. Mapang-akit ang hubog ng kanyang katawan.

“Beautiful!” Kinabig ko ang balakang niya palapit sa akin.

“Not so fast Mr. Jacobo! Maliligo ako kaya naghuhubad.” Nakaramdam ako ng pagkapahiya pero bigla akong nabuhayan ng loob nang iniwanan niya akong matinding halik bago pumasok ng banyo. Hindi niya ako pinahintulutan sumama sa loob kaya umakyat ako ng kwarto para doon maligo at ihanda na din ang aking sarili. Pero matigas pa din sa loob ko na hindi ako ang mag-initiate ng sex.

Nakatapis lang ng tuwalya si Cristine noong pumasok ng kwarto. Hindi ako nagpahalata ng pagkaakit kahit matinding init na ang nararamdaman ko.

“Whisky?” alok ko sa kanya.

Inabot niya ang baso. “Pwedeng humiram ng sando?”

“Buksan mo lang ang cabinet. May fit na shirt dyan baka kasya sa’yo.”

“Sando nga ang gusto ko para presko.” Bumagsak ang suot niyang tuwalya sa sahig. Napako ang tingin ko sa kanya na tila ngayon ko lang nakita ang kanyang katawan. Napakaganda ng kurba ng kanyang katawan.

“Hindi ka ba nilalamig?”

“Hindi.” Umupo siya sa tabi ko. “Dahil alam kong mainit ka naman. Kaya huwag mo akong bibiguin.”

“Don’t expect too much.”

Hinawakan niya ang dalawa kong hita. Inilapit niya ang kanyang mukha. Alam kong gusto niyang halikan ko siya. Halip na sa labi ay sa noo ko siya hinalikan.

“Hard to get ka ha?” Tumayo siya at umupo sa aking hita. “Tingnan ko ang tatag mo.”

Siniil niya ako ng halik. May kasamang mainit na hininga ang halik niya sa aking tenga. Nagdulot iyon ng kiliti. Pinagapang nya ang mga labi sa leeg ko. Malikot ang kanyang mga kamay kaya di ko mapigilang mapaungol. Iginiling niya ang kanyang katawan. Mahinang ungol ang tugon ko sa bawat kilos.

“Inom muna tayo,” wika ko. Gusto kong sirain ang ang balak ni Cristine. May kasama na din pang-aasar para kunyaring ayaw kong may mang-yari sa amin. “Sayang ang whisky.”

“No!” matigas na sagot niya. “Don’t spoil the night!” Sa pagkakataon ito, tumugon ako sa tawag ng laman.


WALA na si Cristine sa tabi ko noong magising ako. Hindi na ako magtataka dahil ganoon din naman ang nangyari noong una. Sariwa pa sa mga labi ko ang tamis ng halik ni Cristine. 


Bumaba ako ng kwarto para silipin ang van niya sa labas. Papunta na sana ako sa pintuan nang may maramdaman akong pagkilos sa may kusina.

“Good morning!” Nagulat akong nasa bahay pa si Cristine.” Breakfast is ready!”

Hinalikan ako ni Cristine pagkalapit ko sa kanya. “Masarap ba ‘yan?”

“Alin ba ang tinutukoy mo? Luto ko o ang dibdib ko?”

“Ang breakfast syempre!”

“Linawin mo!” Sa dibdib ko kasi ikaw nakatingin,” mapanuksong wika niya.

“Ano ang niluto mo?”

“Pan cakes!”

“Pan cake…”

“Ayaw mo?” Hinila niya ako sa mesa at ipinaghanda ng pan cake. “Tikman mo muna, para malaman mong magaling ako sa ibang bagay.”

“Hmmmm. Masarap nga!”

“See!” Isa pa.” Sinubuan niya ako ng mas malaking piraso. “Lahat ng food sa resto ako ang gumawa ng recipe.”

“Delicioso!”

“Baka mainlove ka na sa akin nyan.”

“Ikaw muna ang maiinlove sa akin!” bawi ko.

“No! Kumain ka na nga muna..”

“After nito iba naman ang titikman ko.” Tiningnan ko siya ng malagkit.

“Sige sa shower tayo… mamaya.”


itutuloy…. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.