Diana A
“Diana here. Hey Micah kumusta?”
“Hi Diana, remember may ka-blind date tayo sa halloween party mamaya
ha?” sagot ni Micah na nasa kabilang linya ng cellphone.
“Hindi ko nalilimutan. In fact excited na nga ako. Any info kung sino
ang mga ka-date natin?”
“Not much. But nasa age bracket natin sila kaya mas magiging
interesting ang date na ito kesa last time.” sagot ni Micah.
“Baka naman ang papangit ng mga yan ha? Yung kamuntikan na ka-blind
date natin last time eh parang tatay ko na ang hitsura. Mabuti na lang
at hindi natuloy.”
“Sabi ko sa contact ko bubugbugin ko siya kapag hindi tayo nasiyahan sa
mga ka-date natin. Don’t worry. Mukhang okay ang mga ito.” sagot ni
Micah.
“Sana nga. But did you tell your contact tungkol sa gusto nating
mangyari?”
“Yes.” sagot ni Micah. “Hindi dapat magkaalam ng tunay na identity.
Walang magtatanggal ng mask for the whole party. Yung ang sinabi kong
kundisyon.”
“Sige. Oh well, uwi muna ako sa apartment para mag-shower. Kitakits na
lang tayo later.”
“Okay, get ready na lang for a wild evening.” natutuwang sabi ni Micah.
“Okay.” sagot ni Diana.
28 years old 5 ft 3 inches ang taas at nagtatrabaho bilang isang sales
executive sa Makati for three years na itong si Diana. Isa si Diana sa
mayroong pinakamagandang mukha at katawan sa building nila at dahil
dito ay marami itong manliligaw. Ngunit hindi nito trip ang nililigawan
siya sa bahay. Merong pagka-wild itong si Diana na mas trip ang mga
biglaang dates o mga blind dates katulad ng pupuntahan niya mamaya
kasama ang kaibigang si Micah na katulad din ni Diana na adventurous.
Nakarating na sa apartment niya si Diana kung saan hindi na nito nabati
ang kasamang tiyahin na si Luisa na nanonood ng telenovela. Sumenyas na
lang ito na nagmamadali siya kaya’t tinanguan na lang ito ng tiyahin.
Si Luisa ay matanda ng siyam na taon kay Diana at bunso sa magkakapatid
nila. 24 years old nung ikasal si Luisa at ang asawa nitong si Rick.
Ngunit nagsama lang sila ng dalawang taon bago binawian ng buhay si
Rick sadya ng sakit sa puso. Dinamdam masyado ito ni Luisa na hanggang
ngayon ay parang nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng asawa. Kahit
mayroon pang nanligaw kay Luisa noon na ang iba ay mga binata pa, hindi
na ito nag-asawa at mas binigyan ng panahon na samahan ang pamangkin na
si Diana sa apartment na tinutuluyan nito.
“May ulam na akong nailuto diyan. Kakain ka ba muna?” tanong ni Luisa.
“Hindi na tita I have three hours na lang to prepare for the party.”
sagot ni Diana na kalalabas lang kuwarto niya bitbit ang tuwalya para
sa pagligo. Pumasok na sa banyo si Diana at isinara na ang pinto pero
biglang binuksan ulit ito at dinungaw ang ulo.
“Tita matutuloy ka ba sa pag-uwi sa November 1?”
Lumingon si Luisa. “Baka hindi ngayon. Wala na akong mabiling tiket at
full packed na ang mga bus papuntang probinsiya. Siguro pag lumuwag na
ang dami ng mga tao na umuuwi saka ko mabibisita ang Tito Rick mo.”
“Grabe ano?” sagot nito. “Anyway sama ka na lang sa akin sa November 1.
Punta tayo sa puntod ng lolo ni Micah maraming pagkain dun.”
“Ikaw talaga oo.” sabi ni Luisa. “Gabi ng mga patay ang araw na yun at
hindi gabi ng party ano? Kahit anong araw yata pam-party sa iyo.”
“I’m young and I’m restless. Ikaw naman tita, hindi naman napakalayo ng
edad natin, parang hindi mo pinagdaanan din ito?”
“Sorry, hindi eh. Iba ang experience namin sa probinsiya. Mas masaya
kayo dito, saka hindi ba nag-asawa ako agad?”
“Well, you need to get out more. Sige ligo na ako.” at isinara na nito
ang pinto ng banyo. Hindi pa nagtatagal na naliligo si Diana ay
mayroong nag-doorbell. Tumayo sa pagkakaupo si Luisa at tiningnan ang
nasa pintuan. Nung makita kung sino ito ay nagmamadaling kinatos si
Diana sa banyo.
“Diana! Diana!” katok nito. “Si Raymond nasa labas ng bahay!”
“Ha?” bigkas ni Diana. “Bakit daw siya narito?”
“Obvious ba na dadalawin ka nung tao?”
“Tita hindi ko siya puwedeng i-entertain ngayon. May lakad ako mamaya!”
“Eh di harapin mo na lang tapos sabihin mo na meron kang pupuntahan
mamaya.”
“Naku bad idea tita. Makulit ang lalaking yan. Baka sundan pa ako sa
party eh meron akong ka-date dun.”
“Ano ang sasabihin ko?”
“Sabihin mo wala ako.”
“Nandyan ang kotse mo sa labas, paano ko sasabihin na wala ka?”
“Tita sabihin mo na lang sira ang kotse, ikaw na ang bahala sige na.”
Iiling-iling na humangos si Luisa para sagutin ang doorbell nitong si
Raymond. Pagbukas na pagbukas ng pintuan ay nakangiti itong si Raymond
na mayroong dalang bulaklak.
“Good evening po tita!” bati nito. “Si Diana po?”
“Naku Raymond pasensiya ka na, hindi pa dumadating eh?”
“Ganun po ba? Kasi po yung sasakyan niya eh—”
“Oo nandito nga. Hindi naman niya nadala kasi sira eh.”
“Ah okay.” sabi ni Raymond na nakakahalata na pinagtataguan siya ng
dalaga. “Eh di… Sige po. Babalik na lang ako.”
“Pasensiya ka na Raymond.” sabi ni Luisa nung papatalikod na ang
binata. Ngumiti ito sa kanya at tumango bago tuluyang lumisan na.
“Tita… Tita…”
Lumingon sa likod si Luisa kung saan nakatayo si Diana at nakatapis ng
tuwalya.
“Wala na ba?”
“Oo wala na.” sagot ni Luisa.
Bumuntong-hininga si Diana. “Thank you tita, you saved me. Ang kulit ng
lalaking yun. Alam mo bang ilang beses ko nang binasted yun pero balik
pa rin ng balik?”
“Mukhang mabait naman si Raymond Diana. Saka mukhang kaya nang bumuhay
ng pamilya yun. Bakit mo ba binasted?”
“Ayoko sa kanya.” sagot ni Diana. “Masyadong goody-goody ang dating sa
akin.”
“Eh ano ba ang gusto mo sa lalaki?”
Natawa sandali si Diana saka bumulong sa tenga ni Luisa. Natawa din si
Luisa sa binulong ng dalaga sabay kurot sa tagiliran nito.
“Luka luka ka talaga!” sabi nito. “Eh kung sinusumbong kaya kita sa
tatay mo!”
“I know naman hindi mo ako isusumbong tita. Kaya nga loves na loves
kita.” sabi nito sabay yakap kay Luisa.
“O sige na, sige na at baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo.” awat nito.
Ngumiti ulit si Diana at nagmadali nang magbihis.
Post Comment