Athan: Bulag na Masahista (Chapter 8-A: Si B1 at si B2)


Pagdating ko sa bahay ni Madam Becky kinabukasan wala na si Bea, pumasok na siya sa school. Naging busy ako pagkat madami nagpamasaheng matatanda. Dumating pa si Victoria at naupo sa tabi ko. “Pati ba mga old timers binibigyan mo ng special service?” bulong niya at bigla ako natawa. “Kahit bulag ako maam alam ko din kailang ako dapat hindi tigasan” sagot ko at bigla siyang humalakhak at napatingin ang lahat sa kanya. “Siguro maam nakatingin sila sa atin ano?” bulong ko at bigla niya ako inakbayan at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. “Athan may narinig akong balita tungkol sa iyo ha” sabi niya bigla at nagnerbyos ako.

“Yung anak daw ni Becky e mukhang type ka daw ha” bulong niya at napangiti ako, akala ko kung ano nang balita yon. “Ha? Di siguro totoo yon, friends lang kami” sabi ko. “Friends? E balita ko ang sweet daw ng pagkaupo niyo sa ilalim ng puno e” sabi nya at gulat na gulat ako. “Sino po nagsabi?” tanong ko at tumawa siya. “Uy guilty, si Madam Becky nakakita sa inyo” sabi nya at ngayon nagnerbiyos na ako. “Shet galit po ba siya? Nag uusap lang po kami, tapos minasahe ko back po niya” palusot ko nalang at muli siyang tumawa. “Hindi siya galit, parang kinilig pa nga habang kinukwento niya kanina. Anyway kung maging kayo man ni Bea sana bigyan mo parin ako ng special service mo ha” bulong niya. “Maam imposible naman po sinasabi niyo, may boyfriend si Bea at hindi magkakagusto sa tulad ko yon” sabi ko. “Ah ganun ba? Ewan ko lang kasi may nabanggit pa si Becky e” sabi nya. “Ano po yon?” tanong ko. “Basta…sige balik na ako sa mesa” sabi nya.

Hapon na at tumigil ang mga sugarol pagkat pauwi na si Bea, nahihiya kasi sila magsugal pag nandon ang anak ni Madam Becky. Nilapitan ako ni Madam para ibigay ang sahod ko, nagpaalam narin akong uuwi na. “Ay hindi pwede dito ka maghahapunan kasi request ng anak ko yon” sabi nya at bigla niya pinisil ang pisngi ko at nanggigil. Naupo nalang ako at ilang minuto pa dumating na si Bea. Muntik nanaman ako nabuking kasi nang tignan niya ako muntik na ako ngumiti, buti nalang napigilan ko sarili ko.

Lumapit siya sa akin dahan dahan, tumayo sya at kinakawayan nanaman niya mukha ko. “Ang bango bango mo talaga, hi Bea” sabi ko at natawa siya at agad ako tinabihan. “Galing mo ha, e pano mo nalaman na ako ito iniba ko pabango ko today” sabi nya. “So easy, kanina nang wala ka amoy lupa dito e” biro ko at tumawa siya ng matindi at biglang lumapit si Madam Becky. “Ahem…halina kayo kain na tayo dinner” sabi nya at tumayo si Bea at hinihila kamay ko. “Ah hindi sige mauna na kayo, dinadalhan ako ni Greg ng pagkain ko dito” sabi ko. “Ha? Hindi ka sumasabay sa kanila pag kainan?” tanong niya. “Oo kasi…nahihiya ako kumain sa harap nila. Alam mo na kaming mga bulag kailangan magkamay” sabi ko. “Ay hindi pwede yan, halika na, kung di ka sasabay hindi ako kakain” sabi niya at biglang tumawa si Madam at nakita ko kinurot niya sa baywang si Bea. “Mama naman e! Athan halika na” sabi ni Bea kaya sumama na ako sa kanya.

Magkatabi kami sa lamesa at pinagtitignan kami ng matatanda. Si Bea ang naglagay ng pagkain sa plato ko at kinapa ko naman kunwari ang tinidor at kutsara. “Athan pwede kang magkamay iho wag kang mahihiya” sabi ni Madam Becky. “Marunong din po ako gumamit ng spoon and fork” sabi ko at tumawa sila. Di ko alam ano ginagawa ni Bea sa plato ko, di naman ako pwede yumuko para tignan kaya steady lang ang tingin ko. “Ayan, may fish dyan tinanggal ko na tinik, tapos sa right side may breaded pork, no bones, gulay yung nasa upper middle ha” sabi nya at nakikita kong nagtitilian ang mga matatanda.

“Athan sigurado ka iho kaya mo?” narinig ko sinabi ni Victoria, “Opo maam, eto sample o” sabi ko at dahan dahan ko kinakapa ang ulam sabay tinusok ng tinidor, nilapit ko ang tinidor sa bibig ko at syempre dapat papalpak ako para mas nakakabilib. Tumama ang ulam sa gilid ng bibig ko pero nakanganga na ako, “Oops adjust” biro ko at at nakain ko din ang ulam at nagtawanan sila. “Isang plato na nga lang tayo, subuan nalang kita, o say ahhh” sabi ni Bea at ako naman ang kinilig sa ginawa niya. Nakikita kong kinikilig din ang mga matatanda kaya gumawa din ako kunwari ng effort para subuan si Bea. Nagawa ko ilapit ang tinidor na may pirasong breaded pork sa bibig niya at nahiya pa si Bea pero kinain niya ito. Lalong nagtilian ang oldies at nakita kong nagblush si Bea.

“Naku anak pag nakita kayo ng boyfriend mo sigurado magseselos yon” tukso ni Madam Becky. “Anong boyfriend? Wala na akong boyfriend mama, hiniwalayan ko na siya kanina” sabi ni Bea at pumalakpak ang tenga ko. “Hmmm bakit kaya?” tukso bigla ni Victoria sabay nagtawanan silang mag aamiga. “At mommy may big announcement ako” sabi ni Bea. “Don’t tell me buntis ka anak” sumbat ni Madam Becky at tumawa si Bea. “No mommy, ibebenta ko na apartment ko tapos babalik na ako dito. Dito na ako ulit titira” sabi ni Bea at tuwang tuwa si Madam Becky, napatayo siya at nilapitan niya anak niya at niyakap. “Sure ka anak babalik ka na dito?” sabi ni madam. “Yes ma, dito na ulit ako titira, dala ko na nga gamit ko nasa kotse e” sabi ni Bea.

“Hmmm…so many suddent and drastic changes iha…may rason kaya?” tukso pa ni Victoria at lahat napansin ko nakatingin kay Bea. Napatawa si Bea, susubuan ko siya para makita ko reaksyon ng mukha niya, “Si tita talaga o, wala gusto ko lang bumalik dito sa house namimiss ko si mommy” sagot ni Bea pero tinukso parin siya at namumula na ang mga pisngi niya. Hinawakan ko ang bibig ni Bea, “Don’t move” sabi ko at di siya gumalaw, pumulot ako ng piraso ng fish meat at sinubo sa bibig niya. “Aw ang sweet nila” sabi ng isang kumara. “Magkamay nalang kaya tayo lahat, para naman makapagkamay si Athan” sabi ni Bea. “Bakit pa e nandyan ka naman para subuan siya” sabi ni Madam. “Mama talaga!” sigaw ni Bea at sinaksakan ko nanaman ng ulam ang bibig niya at nagtawanan ang lahat.

After dinner ihahatid na sana ako ni Greg pero nakita ko na sinensyasan siya ni Bea, “Athan sandali lang ha may gagawin lang ako” palusot ni Greg, tumayo lang ako kunwari sa tabi ng kotse habang nag aantay, nilapitan ako ni Bea at bigla niya binuksan ang pinto. “Tara upo tayo sa loob” sabi niya. Pinauna niya ako sa likod at sumunod siya, sinara niya ang pinto at sumandal siya sa balikat ko.

“Siguro gusto mo tanungin bakit ko hiniwalayan si Joey at bakit ako nagdecide na bumalik dito” sabi niya. “Hindi, pero feel ko sasabihin mo din lang” sagot ko at tumawa siya. “Sige hindi ko na sasabihin” sabi nya. “Okay pero feeling ko parin gusto mo sabihin” biro ko at pinagkukurot niya kamay ko at tawa siya ng tawa. “Gusto mo ba malaman?” tanong niya. “Hindi, gusto mo ba sabihin din lang?” sagot ko at huminga siya ng malalim.

“About Joey, brineak ko siya kasi may nahanap na akong bago na papalit sa kanya. Kaya ako bumalik dito kasi gusto ko makasama yung taong yon” sabi nya. “Ows? Ano naman pangalan ng swerteng lalakeng yan?” tanong ko kahit na parang ako ang tinutukoy niya. “Secret!” sumbat niya. “Okay, so sabihin mo nalang sa akin bakit siya?” sabi ko at bigla siya napaisip at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. “Kasi sweet siya at ewan ko bakit magaan ang loob ko sa kaniya. He always makes me laugh tapos ewan ko basta type ko siya at gusto ko pa siya makilala kaya bumalik ako dito” sabi nya. “Kahit na may kapansanan siya?” tanong ko bigla. “So what kung bulag ka at least totoong tao ka” sabi nya at tumawa ako. “So ako pala siya” sabi ko at nagulat siya at doon niya lang narealize na nadulas siya. Pinagkukurot niya ang kamay ko at bigla niya ako binitawan.

“Bea flattered ako talaga, pumapalakpak tenga ko pero alam mo you deserve someone better. Hindi ako” sabi ko sa kanya pagkat nakonsensya ako, nagpapanggap akong bulag at ngayon talagang nagsisisi ako. “Hay naku ang dami kong manliligaw pero pare pareho lang sila. Kaya ko sinagot si Joey para lang tumigil na yung iba, para ko siyang escape goat, oo masama yung ginawa ko pero naparusahan naman na siguro ako sa kasalanan ko e kasi masama ugali ni Joey. Pero now I like you, I really really like you kahit na ganyan ka. Alam ko di pa tayo masyado magkakilala that is why I want to get to know you more. Wag na wag mo sasabihin na I deserve better, buhay ko ito at like kita, di ko din papakialaman buhay mo pero sana like mo din ako” sabi nya at sobra ako kinilig sa sinabi nya wala na akong nagawa kundi tumawa at nakitawa din siya.

“Siguro pag tayo lang okay lang, pero Bea ayaw ko masaktan ka sa sasabihin ng iba. Your friends might lait you alam mo yon” sabi ko sa kanya. “So what? Pero I doubt lalaitin ako, baka mainggit pa sila kasi gwapo ka e” sabi nya at hinalikan niya ako sa labi. Pumasok bigla sa kotse si Greg kaya nagkalayo kami agad, “Ay sorry sorry” sabi ni Greg. “Kuya Greg wala kang nakita ha” sabi ni Bea. “Oo naman, actually nahawa na ako kay Athan bulag narin ako e” biro niya at tinuka ulit ako ni Bea sa labi at lumabas na siya ng kotse. Dalawa nalang kami sa kotse ni Greg at tinutukso niya ako. “Sabi ko sa iyo e, brod kung nakakakita ka lang sus napakaganda ni Bea” sabi ni Greg at ngumiti lang ako. “Oo nga kitang kita ko nga” sabi ko pero tumawa siya ng malakas, akala niya nagbibiro ako pero kung alam lang sana niya ang katotohanan.

Pagdating ko sa old house inantay ko pa makaalis si Greg bago ako pumasok. Madilim sa loob kaya kinakapa ko ang switch. Nagulat ako nang kamay ang nakapa ko napasigaw tuloy ako. “Para kang bakla pag sumigaw” dinig kong sinabi ni Bea. “Shet ikaw pala, ano ginagawa mo dito?” tanong ko. “Di uuwi si daddy, wala ako kasama sa bahay kaya nagpasya ako na antayin kita dito” sagot niya. “E ano ginagawa mo sa dilim, bakit di mo sinindi ang ilaw?” tanong ko. “Nakasindi kanina pero pinatay ko nung narinig ko yung kotse, gusto kita gulatin” sabi niya sabay tumawa siya. “Naman e, tara na uwi na tayo” sabi ko sa kanya pero bigla niya ako niyakap. Inalis niya shades ko at tinuka niya ako sa labi. “Kanina pa kita iniisip lalo na nung tumawag si daddy at sinabi niya di siya uuwi. Ang dami kong naisip na pwede nating gawin alam mo ba yon pero ang tagal mo dumating” bulong niya sa tenga ko. “Ows? Tara na uwi na tayo para magawa na natin” sagot ko sa kanya. “No need, halika sundan mo ako” sabi nya.

Pinatay niya ang ilaw at nagpunta kami sa itaas, pagbukas niya ng kwarto nagulat ako at may nakasinding kandila, yon lang ang tanging ilaw sa kwarto. Iba din ang itsura ng kwarto, naayos ito at yung kama parang bago ang unan at mga bedsheet. “Wow, this is so romantic” biro ko at sinimulan niya ako hubaran. “Oy nagmamadali ka ata” sabi ko. “Mas mabilis pag hinubaran mo sarili mo” sabi nya kaya habang nagtatanggal ako ng damit pati siya naghubad narin.

Pinahiga niya ako sa kama at naupo siya sa tiyan ko, sinuot niya ang piring sa akin at sabi na wag ko daw tanggalin. Umalis siya sa ibabaw ko at naramdaman kong nahiga siya sa tabi ko, “Bea wala ako makita” sabi ko sa kanya. “Ako din naman wala, wag mo tanggalin at di ko din tatanggalin akin” sabi nya at humarap ako kung nasan niya at kinapa ko agad ang katawan niya. Nahanap ko ang balakang niya at ginapang ko paakyat ang kamay ko. Napatili siyang malakas at biglang tumawa, “Wala ako makita…pero alam mo parang ang sensitive ng body ko…nakikiliti ako sa kamay ko” bulong niya.

Lalo niya nilapit ang katawan niya sa akin, nahanap ng mga kamay niya ang mukha ko at ilang saglit lang naghahalikan na kami. Tama siya parang sobrang sensitive ng sense of touch ng katawan ko, sumagi lang ang ari ko sa katawan niya konti at parang tumigas ito ng todo. Si Bea ang katabi ko sa kama, pero di ko alam bakit si Beatrice ang nakikita ko sa dilim. Dahil doon lalo ako naganahan sa paghalik sa kanya at ginapang gapang ko ang kamay ko sa tagiliran niya. Hindi ko dinidiin ang kamay ko sa balat niya, parang nilalandi ko siya at halos padampi dampi lang ang balat ko sa balat niya. Nararamdaman kong nakikiliti talaga sya sa ginagawa ko kaya nilipat ko ang kamay ko sa gitna ng dibdib niya.

Nahawakan ko na ang dibdib ni Bea, pero dibdib ni Beatrice hindi pa, ni hindi ko alam ano itsura ng katawan ni Beatrice kaya sa imahinasyon ko si Beatrice ang kasama ko. Dahil si Beatrice ang nasa isipan ko, gentle at parang first time ang pag gapang ng mga kamay ko sa boobs ni Bea, paikot ikot ang palad ko sa nipple niya at ubod ng lakas ng ungol na pinakawalan niya. Kumalas ang labi niya sa labi ko, diniin ko ang mukha ko sa leeg niya at doon ko siya pinaghahalikan, magkaiba sila ng amoy pero bakit parang si Beatrice ang naamoy ko. Gusto ko manggigil pero alam ko wala pang karanasan si Beatrice kaya nagpasya ako na sobrang gentle lang ang paghahalik na gagawin ko kay Bea.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.