Athan: Bulag na Masahista (Chapter 7: Dare Devil Athan)
Lingo ng hapon sinundo ako ni Greg, sa kotse palang inaasar niya ako. “Brod alam mo ba ang kulit ng anak ni Madam, dapat daw nandon ka sa birthday niya” sabi nya. “Ah baka magpapamasahe lang mamaya” sabi ko at tumawa siya. “Brod baka ibang masahe naman” sabi nya at nagtawanan kami. “Hindi naman siguro, mabait lang siya tulad ng nanay niya” sagot ko. “Ewan ko lang brod ha, pero alam mo di ko type boyfriend ni Bea. Gusto ko nga gulpihin minsan e” sabi niya. “Ah may boyfriend pala siya” sabi ko. “Oo brod, mayaman din pero mayabang sobra. Pero bakit ka panay kulit niya na pumunta ka ano? Uy brod ha, pag nakakakita ka lang brod alam mo napakaganda ni Bea. Talo niya ganda ng manager mo brod maniwala ka” sabi niya at napangiti nalang ako.
Pagdating sa bahay nila, out of place ako agad, puno ang bahay ng magagandang dilag at mga partner nila. Mukhang mayaman lahat, sa isang sulok nandon si Madam Becky at mga kumara niya, halatang nangangati na sila magsugal. Di ko makita si Bea kaya naupo nalang ako sa isang sulok at pinagmasdan ko ang nag gagandahan mga dilag kahit na may kaakbay silang mga asungot. “Athan!” narinig ko sigaw ni Bea, nakita ko na siya at grabe ang ganda niya. Suot niya pure white na dress, maiksi na skirt kaya litaw na litaw ang legs niya. Hapit na hapit ang dress sa katawan niya kaya kitang kita ang hubog ng kaseksihan niya.
Kunari sa malayo ako tumingin habang papalapit siya, “Uy dumating ka” sabi niya at kahit katabi ko na siya kunwari malayo parin tingin ko. “Oy nandito ako” sabi nya at pinaharap niya ako sa kanya. “Happy Birthday” sabi ko at kunwari humalik ako sa hangin. Tumawa siya at kinurot ako, “Hindi tumama kiss mo” sabi nya. “Siyempre bulag ako e” sagot ko at mas matindi ang tawa niya. “Uy tara kain ka na, samahan kita” sabi nya at inakbayan niya ako at nagpunta kami sa dining area. May humarang sa amin na lalake at napabitaw bigla si Bea sa akin, “Kanina pa kita hinahanap, dumating sina Henry, halika na” sabi ng lalake. “Teka sasamahan ko si Athan kumain” sabi ni Bea pero humawak yung lalake sa braso niya at hinila siya. “Hayaan mo na yan di importante yang taong yan, tara na” sabi ng lalake at sa oras na yon gusto ko sya hampasin ng stick ko. Buti nalang nandon si Greg at sinamahan niya ako kumuha ng pagkain.
Halos isang oras ko di nakita si Bea, nagbalik na ako sa sulok ko at naupo nalang. Nakita ko papalapit si Bea sa akin at parang malungkot ang itsura niya. Isang hakbang nalang katabi ko na pero sumulpot bigla si kupal at hinawakan ulit siya sa braso. Nakita kong nasasaktan si Bea at tinitignan niya ako, pag eentrada ako agad buking ang cover ko kaya nag antay ako ng tamang tsansa. Sinigawa ng lalake si Bea, di ko na kaya pagkat umaray na si Bea. Tumayo na ako at lumapit, hinawakan ko ang kamay ng lalake, “Pare wag mo naman saktan si Bea” sabi ko. “Teka nga pakialamero kang bulag ka ah!” sigaw niya at nakita ko na pumorma ng suntok, alam ko paparating na at sigurado ko solid ako sa mukha tatamaan.
Ayaw ko mabuking kaya inantay ko nalang at tinanggap ang suntok niya sa mukha. Solid nga at napahiga ako sa sahig. Agad ako inakbayan ni Bea, nakita ko si Greg na kinuwelyo si kupal. “Gago ka talaga Joey! Bulag to papatulan mo pa! Lumayas ka na nga!” sigaw ni Bea at lahat ng tao napatingin sa amin. “Pakialamero yan e! Mas bibigyan mo pa importansya yang bulag na yan kesa sa akin na boyfriend mo? Bitawan mo nga ako isa ka pa e!” sigaw ni kupal at binitawan naman siya ni Greg. Nakita ko lumayo si Joey at inalalayan ako ni Greg bumangon. “Athan okay ka lang?” tanong sa akin ni Bea. “Oo okay lang, sige na puntahan mo guests mo, magpapasama lang ako kay Greg magpahangin sa labas” sabi ko. “Okay ka lang talaga? Sorry ha” sabi nya. “Okay lang ako, sige na puntahan mo sila” sagot ko.
Lumabas kami ni Greg at mainit ang ulo ko, iniwan ako ni Greg na nakasandal sa isang poste pagkat magyoyosi lang daw siya saglit sa malayo. Pinapakalma ko na nga sarili ko nang sumulpot nanaman si Joey, di ko na napigilan sarili ko at minura ko sya. “Ano sabi mo? Tanga kang bulag ka ah” sabi nya. “Pag sumuntok ka parang bakla” hamon ko pa at pumorma ulit sya at pagkasuntok niya agad ako umiwas. Sapol na sapol ang kamao niya sa poste, napasigaw siya ng malakas at habang walang tao binanatan ko sya ng isa sa sikmura. Nalaglag sya sa sahig at namilipit, dumating si Greg para tignan kung anong nangyari.
Nakita niya si Joey nakahiga pero ako ang nilapitan niya. “Okay ka lang brod?” tanong ni Greg. “Dalhin mo na ako sa loob” utos ko at nilalayo niya ako sa katawan ni Joey pero sadya ko tinapakan ang katawan ni kupal, ginaya din naman ako ni Greg at napasigaw sa sakit si kupal. “Brod may natapakan ba tayo?” biro ni Greg. “Malay ko bakit mo ako tinatanong bulag ako e” biro ko at pareho kami tumawa. “Oo nga tara na” sabi ni Greg. “Tanga niyo! May araw din kayo” narinig namin sinabi ni Joey. “Pare may narinig ka?” tanong ni Greg. “Wala, kasi bingi din ako” biro ko at lalo pa kami nagtawanan.
Nagfood trip nalang kami ni Greg sa kusina, sosyal ang mga bisita kumain at concerned sila sa figure nila kaya ang daming fried chicken natira. “Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap” narinig ko boses ni Bea. “Ako nga din e, kanina pa kita hinahanap pero di kita makita” biro ko at muntik nabulunan si Greg sa pagtawa. “Tara Athan samahan mo ako sa garden” sabi ni Bea at tumayo naman ako agad. “E pano mga bisita mo?” sabi ko. “Hayaan mo sila, gusto ko din magpahangin” sabi ni Bea kaya inakbayan niya ako at naglakad kami palabas sa garden.
“Akin na yang stick mo” sabi nya pagdating namin sa labas. “Maam wag po, kailangan ko poi to para maglakad” sabi ko. “Sige na, nandito naman ako e. Bakit wala kang tiwala sa akin?” tanong niya kaya inabot ko agad ang stick sa kanya at nakita ko pinatong niya sa gilid. Inakbayan niya ang kamay ko ng mahigpit, nararamdaman ko ang boobs nya sa braso ko, “Tara lets have a walk” sabi nya, kunwari naman nanginginig pa mga paa ko sa bawat hakbang.
“Uy Athan sorry talaga kanina ha, gago talaga yon e” sabi nya. “Wala yon, pasalamat siya di ko naiwasan suntok niya” sabi ko at tumawa siya. “As if naman nakakakita ka ano” sabi nya. “Oo kaya, matalas pandinig ko at pang amoy. Parang Dare Devil yung bulag na hero” sabi ko. “E bakit di mo naiwasan suntok niya?” tanong niya. “E di ako naka costume e, at ayaw ko naman mabuking ako. Siyempre secret identity ko ito, pag ginawa ko yon e di magdududa na lahat” sagot ko at tawa siya ng tawa.
“Athan pano ba ang buhay ng bulag? Pag gising mo ng umaga ano una mo ginagawa?” tanong niya. “Well siyempre walang sense buksan ang mata kasi madilim din lang. Pero bubuksan parin with the hope na baka may miracle na nangyari at nakakakita na ako. Pero so far wala miracle” sabi ko at tahimik lang siya. “Tapos babangon ako, walang stick kasi memorized ko na kwarto ko, haharap ako agad sa salamin para tignan ang sarili ko” sabi ko at humalakhak siya at kinurot ako. “Sira ka talaga. Ano naman nakikita mo sa mirror?” tanong niya. “Nakakasawa nga e, negro parin ako” biro ko at lalo siya napahalakhak at sumasakit na ang mga kurot niya.
“E how about daily life? Mga pagkain mo ganon, o kaya di ka ba natatakot na baka may masamang tao na dukutan ka ganon?” tanong niya. “Sa pagkain may tiwala naman ako sa pinagtitirhan ko. Kaming mga bulag malaking bagay ang trust, alam namin madami manloloko talaga sa mundo pero ano pa magagawa namin pag naloko kami? Ni hindi ko makikita itsura niya, gusto ko man habulin e saan ako tatakbo? So parang bahala na ang ugali namin, pero so far wala pa naman” sagot ko.
“E ako may tiwala ka sa akin?” tanong niya. “Oo, mabait ka naman nafefeel ko yon. At medyo nag eenjoy ang braso ko” biro ko at bigla siya tumawa at binitawan niya ako. “Kanina ka pa pala nag eenjoy ha” sabi nya sabay tawa ulit. “Uy sorry di ko naman sinasadya e” sagot ko sabay acting na kinakapa ko ang daanan ko. Hinawakan niya kamay ko at nagpunta kami sa isang puno, sumandal ako sa puno sabay nagpunta siya sa harpan ko. Hinawakan niya ang salamin ko pero pinigilan ko sya. “Wag mo alisin” sabi ko. “Bakit? Gusto ko makita mga mata mo” sabi nya. Hinayaan ko siya maalis ang shades ko at nagulat siya.
“Ay bakit ganyan? Normal naman mata mo ata” sabi nya. “Syempre, bulag lang naman ako at hindi ako mutant ano” biro ko at tumawa siya. “I mean diba pag bulag dapat white siya” sabi nya at pinagmamasdan niya talaga ako. “Baka naman katarata ang sinasabi mo. Pero oo, kasi ako nakakakita naman ako dati e. Nagkaroon ng car accident, nabagok ng malakas ulo ko. Sabi ng doctor nadamage daw mga visual nervers ko kaya eto wala na ako makita” sabi ko sa kanya. Kinakawayan niya nanaman ako pero steady lang ang tingin ko paharap.
Lumapit sa akin si Bea, at talagang tinititigan niya ako. “Hay Athan buti nandito ka at napapatawa mo ako” sabi niya bigla. “Bea bakit parang may malalim kang problema?” tanong ko at parang nagulat siya. “Bakit mo naman nasabi yon?” tanong niya. “Naririnig ko naman sa boses mo e. Siguro pag nakikita kita mga mata mo ganon din sasabihin sa akin. “Alam mo sa dami ng kaibigan ko sa loob ni hindi nila napansin may problema ako, ikaw pa na bulag ang nakapansin” sabi nya bigla at parang gusto niya ako yakapin pero nagpigil siya. Mahirap ang acting ko pagkat gusto ko siya tignan pero di pwede, halos noo niya lang nakikita ko pero kailangan gawin ito.
“Bea, di man ako nakakakita pero may dalawa akong tengang gumagana, baka gusto mo ishare problema mo para makagaan sa loob mo” sabi ko sa kanya. “Smiling” sagot niya at nagtaka ako. “Ano?” tanong ko. “Sabi ko I am smiling, napangiti mo ako sa sinabi mo” sabi niya. “Ah, so sige na kwento mo na problema mo” sabi ko sa kanya. “Upo tayo” sabi niya kaya naupo ako at sumandal sa puno, katapat ko na legs niya at nadedemonyo akong haplusin sila. Nagulat ako nang tumalikod siya at naupo sa harapan ko, sumandal siya sa katawan ko at hinawakan ang aking kamay. “Okay lang ba ganito?” tanong niya. “Ah okay lang naman…ang bango mo talaga” sabi ko at napatawa siya.
“Ewan ko bakit I feel so comfortable being with you, anyway, sawa na ako sa buhay ko. Mga friends ko mga linta yan. Laging take advantage porke alam nila medyo nakakaangat ako. Hindi naman sa pinagmamayabang ko na mayaman kami pero sila nakakainis linta talaga. Isama mo pa yung si Joey na napaka possessive, lagi nalang ang gusto niya masusunod” sabi nya at hinawakan ko ang braso niya at minasahe. “Umaray ka kanina, usually dito humahawak ang mga taong ganon” palusot ko at hinayaan niya lang ako na haplusin ang braso niya.
“Alam mo nakikita ko sa iyo masyado kang mabait, hindi ka marunong tumanggi sa mga kaibigan mo. Natatakot ka na mapagsabihan ka nilang madamot. Pero about your boyfriend ewan ko bakit ka tumatagal sa mga taong ganyan. You deserve someone better than him” payo ko sa kanya. “I know, ilang beses ko narin sinubukan makipag break sa kanya pero lagi siya nagdradrama na magpapakamatay daw siya. Ako naman tanga na naniniwala” sabi nya. “Ano ba kasi nakita mo don sa lalakeng yon?” tanong ko. “Ewan ko, di ko naman siya gusto talaga e. Alam mo ba kahit one year na kami never pa kami nagkiss” sabi niya at bigla siya tumawa. “Bakit naman?” tanong ko.
“Wala lang, feeling ko na if I do kiss him I will regret it. At he doesn’t deserve my first kiss” sabi nya. “So eighteen years at never been kissed ka pa” sabi ko at tuwang tuwa naman ako. “Yup, im saving my first kiss for someone really special. Syempre first kiss yon hindi ko makakalimutan yon so dapat yung first kiss ko dapat sa person na really deserving at talagang ichecherrish ko yung memory na yon” sagot niya.
“In order for that to happen kailangan mo hiwalayan yang boyfriend mo” sabi ko. “Nope, he does not have to be my boyfriend. Syempre mas okay pag boyfriend but not necessary yon, tipong mameet ko isang guy na gusto ko ugali talaga, yung he makes me feel good, I wont mind giving that person my first kiss. Parang fairy tale gets mo ba?” sabi nya. “Hindi pero maniniwala nalang ako sa iyo” sabi ko at bigla siyang tumawa at kinurot kamay ko.
“Kahit sino man siya sigurado ko super happy niya pag hinalikan mo siya. At kahit hindi ka niya girlfriend, sus just to be kissed by a beautiful girl hay naku langit yon…langit sa lupa…palakpak tenga non baka makalipad pa siya” biro ko at tawa ulit siya ng tawa. “Kakaiba ka talaga, lagi mo ako napapatawa. How I wish lagi kita kasama para wala akong malungkot na araw” sabi niya sa akin.
“Tumatanggap ka ba ng blind body guard?” biro ko at pinagkukurot nanaman niya ako at humalakhak ulit siya. “Hay, bukas balik na ako sa apartment ko, pero nandito ka bukas diba?” tanong niya. “Oo duty ako bukas” sabi ko. “Good kasi after dinner pa ako babalik sa apartment pero sa morning I have to go to class” sabi niya at bigla siya tumayo at napatingin nanaman ako sa legs niya. Tumayo din ako dahan dahan at inalalayan niya ako.
“Teka Athan, dito ka lang. Babalik ako sa door tapos maglakad ka papunta sa akin guide mo lang voice ko” sabi nya. “Sige, pero dapat daldal ka ng daldal ha or else mawawala talaga ako” sabi ko at tumawa siya. Tumakbo sya papunta sa pinto at kinuha ang stick ko. “O game na, come walk to me” sigaw niya. “Di pwede ganyan, kailangan tuloy ka nagdadaldal” sumbat ko. Bigla siya kumanta kaya napatigil ako pagkat ang ganda ng boses niya. “Oy bakit di ka gumagalaw?” tanong niya. “Ang ganda ng boses mo e” sigaw ko at tumawa siya. Kumanta ulit siya at todo acting ulit ako, pakapa kapa mga kamay ko at mabagal akong humahakbang. Kunwari naman nilalabas ko tenga ko para marinig ko saan siya. Nakadating ako sa lugar niya at tinitigan niya ako ng seryoso.
“Hmmm di ka naman ata bulag e” sabi niya bigla. “How I wish totoo yan Bea so that I can see how beautiful you are. But sad to say I am blind. Even though I cannot see your physical beauty, I can feel the inner beauty that you possess, at yun ang importante, ang kagandahan ng loob” sagot ko sa kanya.
Di ko inaasahan bigla niya hinawakan ang mukha ako at hinalikan niya ako sa labi. Ang lambot ng mga lips niya, halatang first time niyang humalik kasi ganon din ako noon. Gusto ko siya hawakan sa bayawang pero mabubuking ako kaya steady lang sa side ang mga kamay ko. Akala ko short kiss lang pero nagtagal din ng ilang segundo ang paghahalikan namin.
Pagkabitaw ng lips namin bigla siyang sumigaw ng malakas na “Yes!!!” sabay tumawa. “Teka, di ba dapat ako yung sumisigaw niyan?” sabi ko at tawa siya ng tawa at muli ako tinuka sa labi. “Kanina pa kita gusto halikan, nagdalawang isip ako kanina pero nagawa ko din” sabi nya at natawa rin ako. “Pero Bea that was your first kiss you gave me” sabi ko. “I know and I will never regret it, tara na sa loob dumadami nang lamok” sabi nya kaya inakbayan niya kamay ko.
Humakbang na siya pero di ako gumalaw kaya tinignan niya ako. “Bea, hindi ko maramdaman ang mga paa ko, lumilipad na ata ako” biro ko at napatawa ko nanaman siya. Pumasok kami sa loob at nakipag food trip nanaman ako kay Greg. Si Bea nagpunta sa mga kaibigan niya at halatang masayang masaya siya. Napaka sarap ng pakiramdam ko at kinikilig pa ako sa ginawa niya. Kahit komlpikado ang sitwasyon muli ata tumibok ng tunay ang puso ko.
Post Comment