Boarding House: Part 18 – Ladies’ Man


Part 18 Ladies’ Man

“Bogaaaarttt…Bogarrrtttt” sigaw ni ate Mimi mula sa labas ng aking silid na tila ako’y hinahanap.

Nabigla ako dahil ang alam ko ay lumisan na siya at ikinasama pa ng aking loob ay hindi siya nagpaalam kaninang umaga. Subalit narito siya muli at nagbalik para sa akin. Wala namang kaso iyon at dapat ko pa ngang ikatuwa dahil ang nagbigay sa akin ng ligaya kagabi lamang ay muli kong makakasama. Ang problema ay narito ang aking kaklase at kaibigang si Jona, narito mismo nakaidlip sa ibabaw ng aking kama kung saan kagabi lamang ay idinaos namin ni ate Mimi ang pagtatalik.

Hindi ko man kasintahan si ate Mimi ay malamang na mahihiya akong talaga dahil sa kanyang ginawa sa akin. Hindi naman siguro papayag na magpakantot si ate Mimi ng ganoon na lamang, syempre ay may palagayang loob parin kahit paano sa kanya kaya niya hinayaang mapasok ko ang kaangkinan niya. Kaya’t halos mahulog ako sa aking kinauupuan dahil tiyak na may masasabi siya kapag nakita niyang may kasama akong ibang babae.

“ate??” sagot ko sa mga sigaw ng dalaga.

Kaagad akong nagtungo sa pintuan ng aking silid upang lumabas at para na din hindi na pumasok dito sa loob ang kapatid ng aking landlady. Ngunit sadyang nakalaan na siguro ang pagkakataong iyon sa guhit ng aking palad, bago ko pa mang nabuksan ang pintuan ay siyang pagpasok ni ate Mimi. Mabilis ang pangyayari, kaagad nagsugpong ang aming mga labi, sabik na sabik ang dalaga. Nagmamadali at tila gustong makaisa pa ni ate Mimi. Subalit ilang saglit pa nang aming paghahalikan ay kahit anong paglihis ko upang hindi niya makita si Jona sa aking kama ay nagkamali ako. Kaagad akong itinulak palayo ni ate Mimi.

“may kasama ka pala…” malungkot at pagalit na sambit sa akin ni ate Mimi.

Sa aking isipan ay nagsisisi na ako, sana ay naghintay na lang ako, hindi ko naman kasi akalaing naririto pa si ate Mimi. Nahiya ako at napayuko na lang sa mga nasabi ni ate Mimi. Hindi naman siya nagalit o nanampal, ngunit nanghihinayang ako talaga dahil kung hindi ko pala isinama si Jona dito ay tiyak na muli kong matitikman ang kapatid ni manang Monica. Sayang na sayang talaga.

“ate ka…ka-klase ko…” hindi ko na natapos ang aking paliwanag at mabilis na nilisan ni ate Mimi ang aking silid nang wala ni isang salita na namutawi sa kanya.

Sinundan ko siya sa labas, tingin ko’y kailangan ko talagang magpaliwanag. Ngunit bago ko pa man siya muling nakausap ay siya namang paglabas ni manang Nica sa kanilang silid. Nakagayak at tila may paroroonan, napansin ko ang maletang maliit sa aming sala. Nanlumo ako, nanghinayang. Aalis na pala si ate Mimi, batid sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Sa tingin ko’y gusto niyang magkantutan kaming muli kanina nang mabilisan bago siya lumisan. Ngunit huli na ang lahat, nakita niya ang hindi dapat makita. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong magpaliwanag at binago ko na din ang sitwasyon upang hindi ito malaman ni manang Monica.

“oh Bogart, naka-enrol kana ba? hinahanap ka ni Mimi nagkausap na ba kayo?” wika ni ate Nica.

“ah opo, si ate Mimi bakit? uuwi na po ba siya?” tanong ko naman.

“oo eh, sayang daw gusto ka pa daw sanang kainuman hihi. siya sige ihahatid ko lang siya sa terminal” paalam ni manang Monica.

Tanging ang unat na buhok lamang ni ate Mimi ang huli kong nakita, hindi na siya nagbitiw pa ng salita upang magpaalam. Masakit man sa aking loob ay dapat ko iyon tanggapin. Pinag-isipan ko kung ano ang mga nangyari, hinugot ko mula dito ang aral na kung saan sana ay magamit ko sa hinaharap. Bumalik ako sa aking silid at binalikan si Jona.

“sino yun?” bungad ni Jona sa akin.

Kung may sakit siguro ako sa puso ay tiyak na aatakihin na ako sa kaba noong hapong iyon. Paanong nalaman ni Jona na may tao? Gising ba siya kanina? Nakita kaya niya ang laplapan namin ni ate Mimi?

“ha?” sagot ko sa aking kaklase.

“yung babae, yung tumawag sayo kanina? kala ko puro lalaki kayo dito?” wika niyang muli.

“ah yun, kapatid ni manang, nagpaalam uuwi na daw sa province. kainuman ko kasi kagabi hehe” palusot ko nalang at hinihintay ko kung tatanungin niya kung bakit kami naghalikan.

Muling niyakap ni Jona ang aking malambot na kumot, tila lalong gumanda ang aking kaiskwela dahil sa bagong gising at nakapahinga na. Sariwang-sariwa ang aura ng kanyang mukha at muli akong natulala sa pagkakatitig ko sa dalaga.

“huy! natulala kana naman!” wika niya.

“ha? hehe! ang ganda mo pala pag bagong gising” bola ko naman.

“tse! tumigil ka nga dyan! ikaw nga may chicks kana pala dito sa boarding house nyo!” balik niya sa akin.

Nagtawanan kaming magkaibigan, ayos lang sa kanya ang aking mga biro pero sa mga buwan na nagdaan ay tila ang aking mga biro ay may sukli sa akin na pagtingin sa aking kaibigan.

“anu ka ba? kagabi ko lang nakilala yun noh! ikaw matagal na! haha!” biro kong muli sa kanya.

“ows…talaga lang ha? bolero ka pala Bogart!” wika niya.

Pagtingin ko sa bintana ay nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan. Sa paglubog ng araw ay siya ding pagbaon ko sa limot sa nangyari kanina. Kailangang maituon ko nalang sa aking kaibigan ang aking atensyon. Ilang saglit pa ay bumangon na din si Jona sa aking kama. Napatitig akong muli sa kanyang matayog na suso, sa kanyang suot na t-shirt ay maluwag ang neckline nito. Sa kanyang pagbangon ay natanaw kong muli ang maputing pagitan ng kanyang mga suso. Sa pagkakataong ito ay napansin na niya na doon ako nakatingin. Napayuko si Jona at napagtanto niyang nakikita ko nga ang cleavage niya.

“ayan nalukot pala damit ko” sambit niya.

Tila hindi nagalit si Jona, hindi niya sinita ang aking “paninilip” sa mga maputing suso niya. Hindi ko alam kung ayaw ba niyang mapunta roon ang usapan o sadyang hindi lang niya alam na doon talaga ako nakatingin sa mga dede niya.

“Bogart, pagamit naman ng banyo ok lang?” hiling ni Jona.

“ah oo halika, pero pasensya na ha, alam mo na, mga lalaki kami dito kaya don’t expect more” paalala ko naman.

Ngumiti lang si Jona, tumayo mula sa pagkakaupo sa aking kama. Sumunod siya sa akin at itinuro ko naman ang kinaroroonan ng aming palikuran.

“Bogart dito ka lang, baka may boardmate ka na dumating e” hiling niya.

“sasama ako sa loob??” tanong ko bigla.

“sira! dyan sa labas syempre! ikaw ha! nakakarami kana!” masungit na sagot ni Jona.

Muli kaming nagtawanang magkaibigan at tuluyang isinara ni Jona ang pintuan ng banyo. Naisip ko habang hinihintay ko siya sa labas ng banyo, “nakakarami” na daw ako, ibig-sabihin nito binibilang niya ang mga paninilip ko sa kanya?

Matapos magbanyo si Jona ay bumalik kaming muli sa aking silid. Nag-ayos siya ng buhok, pinagmasdan ko ang kabuuan ng katawan niya partikular ang mga suso ng dalaga. Habang nakataas ang kanyang dalawang kamay upang itali ang kanyang buhok ay siya ding pagtaas ng kanyang bra dahilan upang bumilog pa ang malusog niyang mga suso. Dahil sa maikli ang kanyang sleeves ay halos sumilip din ang maputing kili-kili ni Jona. Sa pagkakataong ito ay ako na mismo ang bumasag ng katahimikan upang hindi na niya ako muling punahin sa pagtitig ko sa kanya.

“aalis kana?” tanong ko sa aking kaibigan.

“ha? hindi bakit? diba lalabas tayo mamaya? ayaw mo ba?” sagot niya.

“ah eh nag-aayos kana kasi…” sagot ko naman.

“e bakit? ayaw mo ba akong maganda?” biro naman niya.

“kahit di ka mag-ayos maganda ka naman na” bola ko pa.

“ayan ang gusto ko sayo my friend…ang galing mong mambola! naka-ilang GF kana? haha!” sagot niya.

Niyaya ko si Jona na lumabas na muna kami sa aming sala upang manuod ng telebisyon pamatay ng oras. Malugod namang sumangayon ang dalaga, bukod sa kami lang naman kasi ang tao doon ay wala naman kaming “ginagawa” sa loob ng aking kwarto. Muli naming inubos ang natirang pagkain na aming binili kanina. Makalipas ang ilang minuto ay siya namang pagdating ng aking landlady.

“oh Bogart, may bisita ka pala?” bati ni manang Monica sa akin.

“ah manang si Jona po, classmate ko” pakilala ko sa kanila.

Hindi ko nakitaan ng kakaibang asal si manang nang pumwesto din siya sa sala upang manuod din ng palabas. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi siguro nabanggit ni ate Mimi sa kanya ang pinagdaanan namin kagabi lamang. Naging maayos naman ang lahat at tila nagkasundo pa ang aking kaibigan at ang aking landlady na nakatikim na ng aking titi.

“dito na kayo kumain Bogart, ipagluluto ko na kayo” masayang wika ni manang Nica.

“…saka bakit lalabas pa kayo? pwede naman mag-inuman dito?” suhestyon pa niya.

“oo nga naman Bogart, dito nalang tayo, kasama pa natin si manang diba?” sabat naman ni Jona.

Totoo ba itong naririnig ko? Gusto ni Jona na dito na lamang kami magdaos ng aming pagkakaibigan kasama mismo ang babaeng unang nagbigay sa akin ng karanasan sa pagtsupa sa aking sandata. Sabagay ay tama nga naman si manang, tipid na sa gastos, kasama pa siya. Pero sa isang banda ay nanghinayang din akong muli, kung lalabas kasi kami ni Jona mamaya ay tiyak na solo ko siya at hindi ako maaasiwang bolahin siya upang aking madagit. Pero kung kaharap mismo si manang Monica ay tila mahihiya na akong isakatuparan ang aking balak. Naisip kong siguro ay plano din ito ni manang Nica upang hindi ako mapasaibang babae.

“ha e, ok ba sa iyo Jona dito lang tayo sa bahay?” tanong ko sa aking kaklase.

“oo naman! ang bait pala ng landlady mo Bogart! hihi!” sagot ni Jona.

Oo mabait talagang landlady yan, sabi ko sa isip ko. Sana lang ay maging maganda ang resulta ng aming inuman mamaya. Iniwan kami ni manang Monica sa sala upang maghanda na ng aming hapunan. Kita ko naman sa mga mata ni Jona ang galak, parang gustong gusto niyang mag-goodtime talaga.

“halina kayo, kain na tayo” wika ni manang.

Muling nagkwentuhan ang dalawang babae na aking kasama, girl talk, minsan ilokano dialect pa na wala talaga akong maintindihan at minsa’y nagtatawanan pa. Ako kaya ang paksa ng kanilang usapan?

“ako na magliligpit Bogart, bumili kana ng iinumin natin” wika ni manang Monica.


itutuloy

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave a Reply

Your email address will not be published.