Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Advertisements

Ika-9 labas

Bandang alas-sais na ng umaga nakarating sa dorm si Dredd. Dinatnan niya sa ibaba si Marie. Nagkakape at tinapay.

“Oy, goodmorning, sir!”

“Goodmorning, Marie…”

“Magkape ka muna.”

“Thank you. Nakakahiya naman yata.”

“Talagang ganyan dito.Mostly ay nagkakape kaming lahat sa umaga bago

pumasok. Dito sa mesang ito tayo magkakape, kakain, magmemeryenda. Lahat kayong boarders. Kaya masanay ka nang may makakasabay tulad ko.” Ngumiti si Marie at sinundan ng paghigop sa kape. “At saka mukhang puyat ka? Dapat nga lang na magkape ka pare hindi ka aantok-antok sa

school.”

“Thank you.” Kumuha ng mag si Dredd at nagtimpla ng kape. Umupo rin sa mesa at nakipag-usap kay Marie. Sa Pagkakaupo ni Marie ay may pumasok na kapilyuhan sa utak ni Dredd. Nakataas kasi ang isang paa ni Marie sa silya at nakasoot ng short na maikli ngunit maluwang kaya halos makitaan ng singit.

Napansin iyon ni Marie. “Oh, bakit nakangisi ka?’

“Wala. Ang bait mo pala.”

“Hoy, mister. Ngayon ka lang libre d’yan. Sa susunod eh magproduce ka ng sarili mong kape at mag dahil sa mga boarder yan. Okay?”

“Okay.” Nakaramdam ng pagkahiya si Dredd kay Marie. Hindi niya tuloy malaman kung iinumin pa niya ang kape o hindi na.

“At saka nga pala ayoko ng may ligawan dito, ha? Gusto ko’y magkakaibigan lang. Parang magkakapatid na kung maaari.” Babala iyon

ni Marie kay Dredd. Ang katwiran kasi ni Marie, para nga naman kung may binabalak manligaw si Dredd kanino man sa mga boarder niya ay maiwasan na agad.

Sa bawat paghigop ni Dredd sa kape ay naguguni-guni niya ang hitsura ni Marie sa kahubaran. Nakasampa ang isang paa ng dalaga sa silya at walang soot na damit sa kanyang guni-guni, kita niya ang dibdib ng dalaga at ang bulaklak nito na nakangiti sa kanya. “Erase! Erase!

Erase!” mando niya sa sariling pag-iisip. Minabuti niyang iwanan na si Marie sa ibaba. “Thanks sa coffee, ha?”

Matipid na isang tango ang itinugon ni Marie. Umakyat na sa kanyang kuwarto si Dredd. Diretso sa higaan. Naupo. Muli at naroon na naman si Marie sa kanyang isipan. Simple nga lang si Marie pero hayop naman sa katawan. Hindi nagkakahuli ang laki at lusog ng dibdib nila ni Geng.

Pati kinis ng mga hita.

Naputol lamang ang pag-iilusyon ni Dredd ng mapansin ang mga dumadaan sa tapat ng pintuan ng kanyang kuwarto. Ang mga boarder sa itaas.

“Hi Dredd!” Bati ni Beth.

“Bye Dredd!” Si Ana.

“Hello…” Nag-wave pa si Cathy.

“Hi pogi!” Si Janeth. “Marunong kang gumitara?”

“Medyo. Why?” Tugon niya.

“May gitara sa taas. Jamming tayo minsan.” Nakangising sabi ni Janeth.

“Sure!” Tumango si Dredd. Nakangiti rin. “Hoy bruha, late na tayo,” ani Cathy kay Janeth.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment