Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Advertisements

Ika-14 labas

Umiyak si Geng. Gabi na noon. Sila na lang ang tao sa ibaba. Maya-maya ay lumabas si Cecille, ka-room mate ni Geng. “O, dating gawi na naman…” Napailing. “Hindi na kayo nasanay sa isa’t isa. Konting lamig dapat.”

“‘Yang kaibigan mo, eh… sobra na… napakaselosa.”

“Sige, kampihan mo pa ang malanding ‘yon!” Paangil na sabi ni Geng. Matalim ang tanaw kay Dredd.

“Hay naku, mabuti pa ay maglayo na kayong dalawa. Sa ibang araw ka na

bumalik Dredd. Palipasin mo muna ang init ng ulo-ulo ninyo. Okay?”

“Okay… pero pagsabihan mo naman ‘yang kaibigan mo.” Umirap si Dredd.

“Kita mo na, hindi mo na ko love…,” ani Geng. “Aalis wala man lang goodbye kiss.”

“Kiss-kisin mo sarili mo.” Bago tuluyang umalis si Dredd ay nagbilin pa uli. “Next time, isipin mo muna ang mga sasabihin mo bago ka magsalita ng masasakit sa kapwa mo, ha?”

Mag-aalas-onse na ng makarating sa dorm si Dredd. Sarado na ang gate. Wala na siyang pag-asang makapasok dahil inabutan na siya ng curfew. Saan siya matutulog ngayon? Naupo siya sa isang gilid ng umbok ng pader. Nag-isip na sana ay may lumabas o ‘di kaya ay pumasok pang may

duplicate ng susi ng gate. Pero halos kalahating oras na ay wala pang

dumadating. Kinakagat-kagat na si Dredd ng mga lamok doon.

“Kawawa ka naman d’yan!”

Napalingon agad si Dredd. Si Marie. Hawak ang susi.

“Ano’ng ginagawa mo d’yan?” Usisa ni Dredd. Tinitigang mabuti ang dalaga sa soot nitong bestida na pantulog. Nakapune ang buhok at may bahid ng polbo ang mukha.

“Ikaw ang dapat tanungin ko. Ano ang ginagawa mo ‘dyan? Kanina ka pa ba?”

Napahagod sa buhok si Dredd. Dalawang kamay ang isinuklay sa buhok. “Bad trip kasi, eh.”

Binuksan ni Marie ang gate. Pumasok si Dredd. Tuloy sila sa kusina. Sa mesa.

“Kape?” Alok ni Marie. “Mukha ngang sandamukal ‘yang problema mo.”

Tumango si Dredd. Kumuha si Marie ng dalawang mag sa tray. Tinimplahan ng kape. “Tinopak na naman kasi si Tekla, eh.”

Napangisi si Marie. “Sino na namang Tekla ‘yan?”

“Sino pa ‘di yung naghanap sa ‘kin kanina dito.”

“Ah…” Tumawa si Marie. “Inaway ka na naman.”

“Paano ba naman, kalilipat ko lang dito eh gusto na naman akong palipatin sa ibang bahay. Hindi naman ganoon kadali iyon.”

Uminom sila ng kape.

“Teka nga pala. Bakit gising ka pa? ‘Di ba maaga ang pasok mo bukas?”

“Hindi kasi ako makatulog kapag….”

“Kapag?”

“Basta… hindi ako makatulog kanina.”

May gustong sabihin si Marie na gustong malaman ni Dredd. Gustong sabihin ni Marie na hindi siya makatulog kanina dahil wala pa si Dredd. Alam niya kasing uuwi ang binata, malakas ang kutob niya.

“Kasi eh hindi ka naman nagpaalam na uuwi ka. Ganoon ako, kapag kulang pa ang boarders ko ay hindi ako mapakali dahil sagutin ko sila. Kayo!”

“Ganoon ba? Salamat, ha?”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment