Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)
Ika-30 labas
“Paano na ‘yan?”
Simpleng tanong ngunit malalim. Hindi agad nakasagot si Dredd sa tanong ng dalaga. Nag-isip ng malalim. Ngunit iba ang naging tugon niya. Isang ngiti. Ngiti. Sabay halik sa labi ni Marie. Maaalab. Napapikit si Marie at ninamnam ang dulot niyon na sarap. Yumakap siya sa binata.
“Si Geng, alam kong mahal mo siya….,” usal pa ni Marie. ”
Biglang sumaisip ni Dredd ang nobya. Mahal niya talaga si Geng. Ngunit may mga pagkakataong ganoon na hindi maiiwasan. Mahirap maiwasan. Ang makagusto sa ibang babae. Lalake lamang si Dredd at kasabihan nang sadyang maraming pag-ibig ang mga lalake dahil it’s a
man’s world.
“Noong una ay alam kong type na kita… simula ng una kitang makilala. Pero hindi ko akalain na iibig ako sa’yo. Nasira ang pangako kong magtatapos muna ng pag-aaral bago…,” wika ni Marie na ng hindi
makayanan ay napaluha at lalong humigpit ang pagyakap sa binata.
“Mahal ko si Geng. At gusto na rin kita noon pa mang una rin kitang makita. Hindi naman ibig sabihin na komo mahal ko si Geng ay hindi na kita kayang mahalin.” Paliwanag ni Dredd. “Kung ‘yon ngang mga may asawa nang lalake ay nagagawa pang magmahal sa iba, ako pa kaya na binata. At nobya ko palang naman si Geng.”
Parang nabuhayan ng loob ang dalaga. Ngunit may pangamba pa rin. “Baka pagkatapos ng lahat ay iwasan mo na ako…”
“Hindi mangyayari iyon. Bihira akong makadama ng pagmamahal sa isang babae. Ngunit kapag nakasumpong naman ako ay mamahalin ko siya maging sino man siya. Kung matatanggap mong may kahati ka sa puso ko…”
Tumingin si Marie sa mukha ng binata. “You mean, fifty-fifty kami?”
Ngumiti si Dredd. “No. Hindi ako nagmamahal ng fifty-fifty.”
“Ibig mong sabihin ay mas lamang ang pagmamahal mo kay Geng?” Malungkot ang tinig ni Marie.
“Hindi.” Nakangiting tugon ni Dredd. “Kung magmahal ako ay buo. 100% sa iyo at 100% din sa kanya. Ganyan ako kung magmahal, kailangan ay happy lahat. Walang lamangan.”
Tumawa si Marie. “Ang korni mo!”
“Ewan ko ba. Ipinanganak yata akong tulad ni Valentino at Prinsipe Adonis. Hindi mapagdamot ng pag-ibig sa sino mang nangangailangang babae.”
“Tsiken! Ang kapal!” Tawa ng tawa si Marie.
“Ang pagkakaiba ko nga lang sa kanilang dalawa ay pinipili ko lang kung sino ang mahal ko.”
“Hindi ka ba nagiginaw?” Nakangising sabi ni Marie. “Ang hangin mo kasi eh!”
Tawa si Dredd. Pero natigilan sila sa tawanan ng magsalita muli si Marie.
“Paano kung mabuntis ako?” Kumalas sa pagkakayakap kay Dredd si Marie. Lumayo ng konti sa kinauupuan. Hinarap ang binata. “Pananagutan mo ba?”
“Sure! I will!” Nakangiti ang binata. Ayaw niyang magkaroon ng pangamba sa sarili si Marie. “Pero hindi naman komo nagsex tayo ay mabubuntis ka na agad and i’m sure you know that, di ba?”
Post Comment