Zack and Sab ( Original Story ) by TOYANTZ: Chapter 1 – Kapanganakan.

Advertisements

Chapter 1 – Kapanganakan.



February 14, 1972

3:34 AM


Maririnig ang palahaw ng isang babae..

Halata kahit sa malayo ang boses nito na dumaranas ng grabeng paghihirap..

“Aaaaahhhhhhhhhh…” sigaw ng babae..

Hirap na hirap na ang pakiramdam nya..

Parang napupunit ang bawat laman nya..

“Umire ka Ditas !.. Sige pa..!.. Nakikita ko na ang ulo ng bata..” utos ng kumadrona..

Huminga ng malalim si Ditas.

Isang malakas na buhos ng pwersa.. Pinigilan nya ang paghinga at binuhos ang lahat ng lakas sa isang huling ire..

“Hmmpppp….!!!!..” impit na ire ni Ditas..

Dumulas ang bata sa kamay ng kumadrona..

Napasigaw ang mga tao sa loob ng kwarto..

Mga kapitbahay na nagmagandang loob sa babae..

“Ay..Ang gwapong bata naman nire..” puri ng isang babae sa tabi ng kumadrona..

Napangiti si Ditas..

Nagkaroon ng malakas na hatak ang antok sa pakiramdam nya.. Pero pilit nya itong pinaglabanan..

Sa natitirang lakas, inunat ni Ditas ang mga braso para abutin ang anak..

Nakangiting binalot ng kumadrona sa mumurahin ngunit malinis na dami ang bata..

Inabot ito sa ina..

Di magpagsidlan ang tuwang bumalot sa pagkatao ng babae..

Pumalahaw ng iyak ang sanggol..

Nagtawanan ang mga tao sa loob.

“Aba..Mukhang gutom ang baby..” sabi ng isa.

Napangiti ng maluwang si Ditas.

Hinihila na sya ng antok ngunit pilit nya itong pinaglalaban..

Hinalikan nya ang pisngi ng anak..

Napangiti ang kumadrona at inabot ang sanggol.

“Akina muna Ditas..Ako na ang bahala..Mag pahinga ka muna…Kailangan mong makabawi ng lakas..Pasusuhin mo pa ang anak mo mamaya…” utos ng kumadrona..

Tumango si Ditas..

“S-salamat sa inyo..” mahinang sabi nya.

Ngumiti ang tatlong babae sa loob..

Pinagkaguluhan nila ang bagong silang na sanggol..

Bumaling sa kanya ang kumadrona..

“Anong pangalan nito?..” tanong nito..

Ngumiti ng mahinhin si Ditas.

“Zackarias..” mahina ngunit malinaw na pagkakasabi nya..

Ngumiti ang mga babae at tumango..

“Maligayang bati sa iyo Zackarias !..” bati ng isang babae..

Payapang pumikit ang ina..Di na nya nilabanan ang antok at mahimbing na natulog..


Tatlong taon ang matuling lumipas..

Magtatatlong taon na din si Zackarias sa susunod na linggo..

Kasalukuyang nagtatahi ng bagong damit si Ditas para sa anak..

Nasa crib na gawa sa pinagtagpi tagping kahoy ang bata..

Tumatawang mag isa..

Napapangiti si Ditas ..

Ulila na sya sa mga magulang..

Parehong anak mahirap lamang ang kanyang ama at ina…

Matatanda na ang mga ito ng isilang sya..Pareho naring kinuha ng maykapal..

Pangalawa sya sa mga anak nito..

Ang kanyang Ate Digna ay nasa Maynila kapiling ng napangasawa nitong ahente ng Insurance..

Medyo nakakaalwan ang buhay ng Ate nya..Dahil na din siguro sa kasipagan ng bayaw nya kaya di kataka takang makapundar ang mga ito ng sariling lupa sa isang maliit ngunit tahimik na lugar..

Aminado syang minsan, nakakaramdam sya ng inggit sa kapatid.. Hindi dahil sa aspeto ng pera, kundi dahil natagpuan na nito ang tunay na Pag-ibig..

Samantalang sya..

Minalas..

Biglang humagikgik si Zack..

Natawa din bigla si Ditas..

Binaba nya ang hawak na damit at nilapitan ang anak..

Ito ang bunga ng sawing pag – ibig nya..

Di maipagkakaila ang lahing pinagmulan ng ama ni Zack..Kulay tsokolate ang mga mata nito..Mana sa amang sundalo mula sa Estados Unidos..

Nakaramdam na naman ng di maipaliwanag na lungkot si Ditas..

Pinilig nya ang ulo at tinitigan ang anak..

Ngumisi ito pagkakita sa kanya..Gigil na binuhat ni Ditas ang sanggol at pinaghahalikan sa pisngi.

Lalong humagikgik ang bata..

“Nakuu…At ano na naman ang pinagtatawanan mong bata ka?..” tatawa tawang kausap ni Ditas sa anak..

Hagikgik lang sinagot ng bata..

May tinuturo itong direksyon..

Napailing na lang si Ditas..

“Nanay !..” pilit nyang pinagsasalita ang anak..

Kumunot ang noo ng sanggol..

Ngumisi ito.

Nanggigil lalo si Ditas at akmang hahalikan ang anak sa tyan.

“Nay!..” biglang sabi ni Zack..

Nanlaki ang mga mata ni Ditas..

“Weee??..Kaw ba yon anak?.. ” pang uuto ni Ditas sa bata..

Humagikgik lalo ang sanggol..

Excited na lumabas si Ditas dala ang anak ..Pupuntahan nya ang kapitbahay na naging kaibigan na rin nya.. Para ibalita ang unang salitang binigkas ng anak..

Pero bago pa sya makarating ay nasalubong nya ang mga kapitbahay na nagkakagulo..

Kasama dito ang pupuntahan sana nya..

“Lagring..Anong kaguluhan yan?..” tanong ni Ditas sa kaibigan..

Nanlalaki ang mga mata nito..

“M-may mga rebelde..Naku magtago ka Ditas !.. Isara mong bahay nyo dali !..” tarantang sabi ng kaibigan nya.

Halos mamutla sa takot si Ditas..

Walang sabi sabing tumakbo sya pabalik sa kubo nya at marahas na sinara ang mga pinto at bintana..

Kumuha sya ng pangtaklob na kumot at sapin..

Binuksan ang silong at dali daling bumaba..

Nilatag nya ang sapin para sa anak..Sabay nagtaklob silang dalawa ng kumot..

Abot abot ang panalangin ni Ditas na wag naman sana ang kubol nila ang puntahan ng mga rebelde..

Ito ang sumpa ng baryo nila..

Madalas sila ang nagiging sentro ng bakbakan ng mga sundalo at mga rebelde.

Kadalasan, kapag tapos na ang labanan..Umaatras ang mga rebelde.. Pero saglit lang..

Hinihintay ng mga ito na umalis din ang mga sundalo at muling bababa ang mga ito buhat sa bundok..

Lilimasin ang lahat ng maaaring makuha sa taong-bayan..

Kapag pumalag ka, di ito nangingiming kumitil ng buhay..

Niyakap ni Ditas ang anak..

Nakiramdam sa paligid..

Umangal si Zack ..Mukhang naiinitan ang bata…

Halos magmakaawa ang ina na wag umiyak ang anak..

“Sssshhh.. anak..wag kang iiyak.. parang awa mo na..” bulong ng ina sa anak..

Muntik na syang mapatili ng marinig ang paglagabog ng pinto nila..

Impit nyang tinakpan ng bibig ..

Tila naramdaman ng sanggol ang damdamin ng ina..

Nakaamba na itong pumalahaw ng iyak.

Mabilis ang naging pag kilos ni Ditas..

Binuhat nya ang anak at nakayukong pinasuso ito..

Tinalukbong nya ang kumot sa sarili..

Sabik na sinuso ni Zack ang kanang suso ng ina ..

Napakunot ang noo nito na tumitig kay Ditas.


Naguumpisa ng tumulo ang luha sa mga mata ng ina..Pilit nyang pinagkakasya ang sarili sa maliit na espasyo..Ayaw na ayaw nyang gumawa ng ingay..

Nakarinig sya ng mga yabag mula sa itaas..

Langitngit ng tablang sahig..


“Pare..Mukhang walang makukuha dito..” maaskad na sabi ng isang boses..

Napahawak sa bibig si Ditas ..

Niyakap nya ang anak at pumikit..

Taimtim na nanalangin ..


“Putris na bahay to..Wala man lang makain..!…” isa pang boses..

Patuloy na nagdasal si Ditas..

Umangat ang kamay ni Zack at inabot ang pisngi ng ina..

Napangiti na lang si Ditas at hinagkan ang maliit na kamay ng bata..


“Hala bilisan nyo..Baka abutan tayo ng mga sundalo..Dun sa tokador..Nahalughog nyo na ba?..” isa pang boses ang nagsalita..


Nanlaki ang mga mata ni Ditas sa narinig.

“Dyos ko..Wag naman dyan..” impit na hiling ng ina..

Nasa loob ng tokador ang matagal na nyang ipon..

Halos di na sya kumain ng tama sa loob ng tatlong taon..

Pilit nyang tinatabi kahit piso .

Para sana sa kinabukasan ni Zack..


Nakarinig sya ng tawanan..

“Ayos pala eh..Eto..May pera..Sige na..Hati tayo pare..Wag mo ng sabihin sa iba..” maaskad ang boses ng isa.

Luhaan na si Ditas..

Kahit anong pagsisintir ang gawin nya.. Di na nya maaaring mabawi pa ang pinag ipunan..

Ilang taon din syang nagpaalila sa kiskisan ng bigas…

Sa gabi naglalabada..

Kayod kalabaw sya ng ilang taon .. At eto lang ang pinatunguhan..

Mahigpit na niyakap ni Ditas ang anak..

Tila nakakaunawa ang bata..Imbes na umiyak..Gumanti ito ng yakap sa kanya..


Malakas na mga yabag ang narinig pa nya..

Biglang nagkaroon ng putukan..

Napahiyaw si Ditas ng di sinasadya..

Tinakpan nya agad ang bibig.


Matagal na pagtitiis..

Palitan ng putok..

May mga pagsabog pa..

Luhaan ang ina..

Pero kataka takang di man lang natakot ang anak nya..

Ito na ang nagsilbing lakas ni Ditas para ihinto ang pagtangis..


Ilang saglit pa ang lumipas.

Akala ni Ditas tapos na ..

Biglang bumukas ang pinagtataguan nila.

Napatili si Ditas ..


“Misis..Wag na ho kayong matakot..Wala na ho ang mga rebelde..Lumabas na po kayo dyan..” nakangiting sabi ng isang nakasuot ng uniporme ng sundalo.

Napahinga ng malalim si Ditas.

Inayos ang sarili at dali daling umalis sa kinaroroonan.

Kipkip ang anak..Tinakbo nya ang tokador kung saan nakatago ang matagal na pinag ipunan..

Halos panawan ng ulirat si Ditas ng makita ang panyolito na ginamit nyang pambalot sa pera.

Wala na..

Natangay na ng mga rebeldeng pumasok sa tahanan nya..

Muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata..


“Misis..Ano hong hinahanap nyo?..” tanong ng sundalo..

Malungkot na ngumiti si Ditas.

“A-ang ipon ko..Natangay nila.. ” naiiyak na sabi ng ina.

Di na nya napigilan ang bugso ng damdamin..Bumuhos ang luha sa kanyang mga mata..

Nakakaunawang hinagod naman ng sundalo ang likod ng babae..

“Tahan na misis..Magkano ho ba?..” tanong nito..

Nahihiyang pinunasan ni Ditas ..Umiling sya..Maliit na halaga lang naman ang nawala.

Isang libo mahigit lang..Pero para sa kanya.. Katumbas na ito ng buhay nya.

“S-salamat na lang ho..” nahihiyang sabi ni Ditas..

Umiling at ngumiti ang sundalo.

“Ngapala..Ako ho si Capt.Reyes..Special Squad ho kami..Kung gusto ho ninyo..Pauutangin ko ho kayo ng pang puhunan..Nasan ho ba ang ama ng bata at sya na ang makausap ko..” nakangiting sabi ng may edad ng sundalo.

Nahihiyang umiling si Ditas..

Parang nahulaan naman ito ng sundalo..

“Ah.. Di na ako magtatanong…” nakangiting sabi nito.

Napangiti ng mahinhin ang babae..Bigla syang may naalala..

Tarantang lumabas ng bahay si Ditas at tinahak ang kubol ng kaibigang si Lagring..

Pero parang tinakasan sya ng lakas ng makitang sunog na ito..

Lumapit sa kanya ang sundalo..

Hinawakan nito ang balikat nya at malungkot na ngumiti.

“May kakilala ho ba kayo dyan?..” tanong nito..

Tumango si Ditas..Luhaan..

“Ikinalulungkot ko ho..” sabi nito..

Nanghihinang napaupo sa kalye ang babae..

Kipkip ang anak..

Biglang tumunog ang radyo ng kapitan..

“Eagle 1 , eagle 1, this is Headquarters..Come in..” sabi ng radyo..

Agad itong kinuha ng sundalo at sumagot..

“This is Eagle 1, Come in base..” sagot ng kapitan.

“Namataan ang makapal na bilang ng mga rebelde na pababa mula sa bundok..Papunta dyan sa kinalalagyan nyo..Evacuate the civilians immediately..I repeat..Evacuate the civilians immediately.” sabi ng radyo.

Nanlaki ang mga mata ni Ditas..

Tumigas ang anyo ng kapitan at inabot ang kamay sa babae..

“Wag na ho kayong mag alsabalutan..” sabi nito..

Tumango si Ditas..Muling nilingon ang tahanan ng kaibigan..

Magkahawak kamay nilang nilisan ang lugar..

Sumakay sya sa truck ng mga sundalo ..Kasama ang mga ka-nayon..

Ngumiti ang kapitan..Kinausap nito ang isang kasamahan..

Tumango naman ang sundalo at sumaludo sa pinuno..

Lumapit ang kapitan sa kanya..

“Misis..May iaabot ho ang kasamahan ko sa inyo..Wag nyo na hong tanggihan..Maliit na halaga lamang para sa bagong buhay…Wag na ho dito..Sentro na ito ng bakbakan…Isipin nyo ho ang anak ninyo..” sabi ng kapitan..

Naluluhang tumango at nagpasalamat si Ditas..

Kumaway pa ang kapitan sa kanya..

Ilang saglit lang..Umandar na ang truck..

Pumikit si Ditas..Yakap ang anak..

“Bahala na..” sabi ng ina.

Pagdating sa base ng mga sundalo..Lumapit sa kanya ang kinausap ng kapitan..

“Misis…Pinabibigay ho ni Kapitan..” nakangiting sabi ng sundalo.

Nagpasalamat si Ditas at nahihiyang tinanggap ang sobre..

Sumaludo pa ang sundalo sa kanya at nakangiting nagpaalam..

Nakaramdam ng gutom si Ditas..

Lumingon sya sa paligid..

Tumabi sa isang sulok..

Hawak ang sanggol sa isang kamay..

Naupo sya sa sahig at dahan dahang binulatlat ang sobre..

Halos panawan ng ulirat si Ditas ng makita ang makapal na bilang ng pera..

Tarantang sinara nyang muli ang sobre at nagpasalamat sa Diyos..Maging sa kapitan ng mga sundalo.

Ngumiti sya sa anak nya..


Nag isip..Pilit inalala ang address ng Ate nya sa Maynila..

Ng maalala, tumayo si Ditas…Hinagilap ang sundalong nag abot ng pera..Para sana pasalamatan..

Pero wala na ito.

Nagpasalamat na lamang sya sa Diyos at humiling na sana’y walang mangyaring masama sa mga ito..


Tinuping mabuti ni Ditas ang papel at sinuksok sa bulsa..

Ito na ang pinakamahalagang kayamanan nya bukod sa anak..

Bahala na..



February 14, 1975

3:34 AM


Pumalahaw ang matinis na boses ng isang babae..

Maarte itong nagreklamo sa mga nurse na umaagapay dito..

“Ohh..Damn !..It hurts honey.. It really hurtss !..” sigaw ng babae..

Tarantang ginagap ng lalake ang kamay ng kabiyak..

“Just wait honey..Tiisin mo lang..Push..Push..” sabi ng lalake..

Natatawa ang mga doktor sa lalake..Parang ito ang manganganak sa itsura ng mukha nito..

Napailing ang babaeng doktor.

“Push Mam..One strong push and I can see the baby..” sabi nito..

Pinunasan ng lalake ang noo ng asawa..

Napangiti ang mga nurse..

“Okay honey..Inhale, exhale..Whooo..” pero ang lalake ang gumagawa sa sinasabi nito..

Huminga ng malalim ang babae..

Impit itong umire..

“Aaaaaaahhhhhh..” sigaw ng babae..

Ilang saglit pa..

Pumailanlang ang matinis na pag iyak ng sanggol.

“It’s a girl sir..” sabi ng doctor..

Hawak ang bata sa paa at pinapalo ito ng mahina..

Nakaramdam ng panghihinayang ang lalake…Pero kahit ano pa man..Lumatag na din ang tuwa sa mukha nya..

Pinunasan nya ang mga kamay at nilapitan ang anak..

“May I?..” excited na sabi nya..

Natatawang umiling ang doktor..

“Later sir..Titimbangin lang namin sya ..Then lilinisin..You can wait to your room na lang po..” sabi nito..

Nanghinayang naman ang ama..Pero nakangiti pa rin itong tinitigan ang anak..

“Honey.. She’s so pretty..” nangingiting sabi ng ama..

Ngumiti naman ang ina at pumikit..

“Ahm..What’s her name sir?..” tanong ng doktor..

Nagkatinginan ang mag asawa.

Tumango ang babae..

“Sabina..” maliksing sagot ng ama..

Ngumiti ang doktor at tumango..

“Welcome to the world, Sabina!..” nakangiting bati ng mga nurses at doctors..

Lumabas na ito ng delivery room kasama ng kanyang anak..

Mabilis naman inasikaso ng mga nurses ang asawa nya..Nilinisan at pinalitan ng damit.

Dahil sa may pera , mabilis ang naging proseso ng panganganak ng kanyang asawa..


Nagpauna na ang lalake sa magiging kwarto nila..Sumunod ang natutulog na asawa..

Marahan itong nilipat sa bakanteng kama..

Nagpasalamat naman ang lalake..

“Sir..If ever magising si Mam tapos magutom po sya.. Pwede na po syang kumain..” sabi ng nurse.

Tumango ang lalake..

Aligaga sya..

Gusto na nyang makita ang anak.

Tinitigan nya ang kabiyak..

Nilabas ang cellphone..

“Moomm !..May apo na po kayoo!..” tili ng lalake..




ITUTULOY !..

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment