Zack and Sab ( Original Story ) by TOYANTZ: Chapter 2 – Zackarias

Advertisements

Chapter 2 – Zackarias




6 Years Later

“Nay!.. Nay!..” sigaw ni Zack..

Natawa bigla si Ditas sa anak.

“Oh ano na naman yon?.. ” tanong ng ina.

Humihingal na naupo sa tabi ng ina si Zack..

“Whew..Nandun na yung bagong TV nila Berto..Padala ng Tatay nya..Grabe ang laki nun Nay..Tapos ang nipis pa..Mas maganda dun sa TV nila Aling Tikya..Ay nako..Kapag makita nyo talaga..” pasikat ni Zack..

Hinaplos ng awa ang pusong ina ni Ditas para sa anak..

“Inggit ka anak?..” biro nya..

Umiling ang bata..

“Eh di po ba masama ang mainggit..Sabi naman po ni Berto, pwede akong makinood..Yung sineskwela lang Nay..Bago ako pumasok..” nakangiting sabi ni Zack..

Ngumiti din ang ina..

“Yan ang gusto ko sa anak ko..Oh kamusta ang eskwela nga pala ?.. ” tanong ni Ditas..

Nanlaki ang butas ng ilong ni Zack..

“Hah!..Nanay talaga..Parang bago ng bago..Eh ako pa rin po ang top 1 no..Nagsasawa na nga ako Nay eh..” pagyayabang ni Zack..

Bumungisngis si Ditas..

May biglang lumapit na customer..

“Ale…Magkakano ho itong bibingka?..” tanong ng babae..

Ngumiti si Ditas..

Pero sumabat si Zack..

“Sampung piso ho…Naku masarap ho yan..Naku..Pag natikman nyo ho ..Siguradong babalik balikan nyo…Luto ho ng Nanay ko yan eh..” pagmamalaki ng bata..

Nakaramdam ng di maipaliwanag na saya ang puso ni Ditas sa narinig na pagmamalaki ng anak..

Ngumiti sya at tumango sa ale.

“Ah ganun ba..Sige nga iho..Ipagbalot mo nga ako ng halagang isandaan..” nakangiting sabi ng babae..

Nanlaki ang mga mata ni Ditas at dali daling naglabas ng plastik..

Mabilis din ang naging pagkilos ni Zack..

Isa isa nyang sinilid sa plastik ang order ng babae sabay abot dito..

“Eto po ..” abot ni Zack..

Ngumiti ang babae at nagabot ng pera sa bata.

Inabot naman agad ni Zack ang benta sa nanay nya..

Nakangiting sinilid ni Ditas sa suot na apron ang benta nya..

Niyakap ang anak..

Araw ng linggo..

Kagagaling lang nilang magsimbang mag ina bago sila naupo sa pwesto nila sa tabi ng simbahan..

Ilegal ang pagkakapwesto nila..Madalas silang pinaaalis ng mamang pulis pero sige pa rin sila sa kababalik..

Nangungupahan silang mag ina sa Ate nya..

Nuong una syang dumating sa bahay nito ay halos mahimatay ito pagkakita sa kanya..

Di nya masisisi ang kapatid..

Nuong kabataan nya..Itinuturing syang isa sa pinakamaganda sa nayon nila..Nalosyang lang sya pagkapanganak kay Zack at sa pagtatrabaho nga..Pero di sya nagsisisi..

Luhaang kinwento nya sa ate nya at sa bayaw ang mga nangyari sa kanila sa probinsya..

Malugod naman silang tinanggap ng mga ito..

Pinatira sa likod bahay..Libre..Pero tumanggi si Ditas..

Ayaw nyang maging pabigat sya sa Ate nya..Pilit nya itong binayaran..

Nagtalo pa sila nuong una..

Hanggang sa mapapayag nya ito..Pero dahil nga sa kapatid nya..Maliit lamang ang naging upa nila..

Kasama na ang kuryente at tubig..

Pero ok na din..

Di nya masasabing libre..Kahit paano..May pride sya..At nahihiya sya sa bayaw nya..Syempre, ito ang nagpundar.. Tapos biglang bigla na lamang silang pipisan sa mga ito ng libre.

Bagamat mabait ito, ayaw nyang samantalahin..

Baka magsawa ..


Ang pagtawa ni Zack ang nagpabalik sa ulirat ni Ditas..

Nagtaka sya kung ano ang tinatawanan ng anak..

“Para kang baliw..” sabi ng ina.

Tumawang muli si Zack..

“Baket ba?..” tanong ni Ditas..

Umiling si Zack.

“Wala po Nay..Naalala ko lang po si Denzel..” natatawang sabi ng bata..

Ngumiti ang ina..

“Si Denzel yung nakatira dun sa subdivision di ba?..” tanong nya..

Tumango si Zack..

“Opo nay..Siraulo eh..Pumasok sya dun sa eskwela nila ng magkaiba pala yung sapatos nya..Dami kasing sapatos kaya nalilito eh..” napapailing pa ang bata..

Di man direkta..Pero parang punyal na tumarak sa puso ni Ditas ang salita ng anak..

Walang matinong sapatos si Zack..Isang pares lamang ang sapatos nito..Lumang rubber shoes na regalo ng ate nya..

Ito ang ginagawang pampasok ni Zack..Panlakad kapag nagsisimba sila..Lahat lahat ng maaring pag gamitan sa sapatos nito..

Awang awa ang ina para sa anak..

Gustuhin man nya..Di nya maibigay sa anak ang kapirasong kapritso…Nag iipon sya para sa darating nitong pagpasok sa hayskul..

Namuo ang luha ni Ditas..

Pero agad nya itong pinahid..

Ayaw na ayaw ni Zack na nakikitang syang umiiyak..Pagagalitan sya nito..Napangiti si Ditas.

“Anak..Eh matanong ko lang..Wala ka bang nagugustuhan sa mga kaklase mo?..” tukso ng ina..

Namula ang natural na maputing pisngi ni Zack..Mana sa ama..

Umiling iling ito..TInitigan ang ina na parang nakakita ng alien..

“Nay?..Ayos ka lang?..” asar na sabi ni Zack..

Napahagikgik ang ina..

“At baket?..Ayos lang naman eh..Anu nga ulit yung pangalan nung nagsulat sayo ng love letter?..” muling tukso ni Ditas..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

“Nakita nyo?..” tulalang sabi nito..

Lalong nagbungisngis si Ditas..

Tumango..

Hiyang hiya naman si Zack.

“Nay naman eh!..” reklamo ng bata..

Niyakap ng ina ang anak..

“Ayos lang yon..Ano ka ba?..Aysos..Binata na ang anak ko..” nangingiting tukso ng ina..

Lalong umangal si Zack..

“Nanay..Wala pa po sa isip ko ang ligaw ligaw na yan…Tsk..Alis na nga po muna ako..Pabarya po..” asar na sabi ni Zack..Inabot nito ang buong bente pesos sa kanya..

Natatawang binaryahan naman ng ina ang pera..

Humalik si Zack sa noo ng ina at nagpaalam na..

Hawak nya ang ilang piraso ng kakanin..May kendi pa..

Lumayo sya ng konti sa ina..


“Suman !..Karyoka !..Mainit init pa !..Bili na ho kayo !..” sigaw ni Zack..

Di sya nahihiya kahit makita sya ng mga kaklase..Katwiran nya lagi.. Marangal ang ginagawa nila..Wala silang inaagrabyadong tao..Wala silang tinatapakan..

Lalo pang lumayo si Zack..

Tumawid sya ..

Nadagit ng mga mata niya ang isang lalake..

Ngumisi si Zack..

Mayaman ..Base sa suot nitong damit..

Lumapit ang bata ..

Napatingin sa kanya ang lalake..

“Manong..Suman ho..Karyoka..” nakangiting alok ni Zack..

Ngumiti din ito.

Pinasok sa kotse ang mga pinamili at hinarap ang bata..

“Magkakano iho?..” tanong ng lalake..

Natuwa si Zack..

“Sampu ho ang isa..Masarap ho ito…Luto ng nanay ko..” pagmamalaki ng bata..

Tumawa lang ang lalake…

Naglabas si Zack ng plastic pero walang arteng dinampot ng lalake ang isang tinda nya..

Sumandal ito sa kotse at kinain..

Ninamnam ang lasa..

Napangiti si Zack…Di sya nangangamba na baka di matuwa ang lalake sa lasa ng tinda..

Expert sa pagluluto ang nanay nya..

Kumunot ang noo ng lalake..

“Ang sarap ah..” puri nito..

Ngumisi si Zack.

“Sabi ko ho sa inyo..Nanay ko ho ang nagluto nya..” pagmamalaki nya..

Natawa ang lalake..

“Sige..Pabili..” sabi nito..

Ngumiti si Zack at inayos ang plastik..

“Ilan ho?..” tanong nya..

“Lahat..” sabi ng lalake..

Nanlaki ang mga mata ni Zack.

“H-ho?..” ulit nya..

Natawa naman ang lalake at ginulo ang buhok ng bata.

“Oh..Ang bata bata mo pa..Ang hina na ng pandinig mo..Lahat nga eh..Masarap kase..” puri pa nito..

Parang namalikmata si Zack..Tulalang binalot nya ang lahat ng tinda..

“Magkano..” tanong nito..

Kinwenta ni Zack ang lahat..

“240 po..” mahinang sabi ni Zack..

Ngumiti ang lalake at naglabas ng wallet..

Inabot nito ang buong limandaan sa bata..

“Oh..” abot nito..

Nanlaki lalo ang mga mata ni Zack..Sa tanang buhay nya..Nuon lamang sya nakahawak ng ganung kalaking halaga..

Napalunok pa sya..

“M-manong…Wala po akong barya..” mahinang sabi ni Zack..

Ngumiti ang lalake at kinain ang isa pang suman..

“Ah…Eh di sayo na yung sukli..” sabi nito..

Lalong natulala si Zack..Napalunok syang muli..

“S-seryoso po?..” tanong nya.

Natawa ang lalake at inabot sa kanya ang isang plastik ng kakanin na binenta nya dito..

“Oh magmiryenda ka muna..Nasan ba nanay mo?..” tanong ng lalake..

Kumunot ang noo ni Zack..

“B-baket nyo ho hinahanap ang nanay ko?..” tanong nya..

Ngumiti ang lalake..

“Wala..Tatanong ko lang kung paano nya naluluto ang ganito..Ang sarap eh..” sagot nito..

Ngumiti din si Zack..Tinuro ang lugar ng simbahan..

“Dun ho..Nasa tabi lang ho kami ng simbahan nakapwesto..Salamat po talaga..” naiiyak na sabi ni Zack..

Ngumiti lang ang lalake.

“Teka..Ano naman ang gagawin mo sa sobra?..Kukupitin mo?..” paghamon ng lalake sa kanya..

Umiling si Zack..Pero napanguso ito..

“Kung may barya ho sana..Kukupit ako kahit singkwenta lang.. ” sabi ng bata..

Ang lalake naman ang tila napakunot ang noo..Parang mali sya ng pinagkatiwalaan.

“Ah ganun..Anu naman ang gagawin mo dun sa makukupit mo?..Ipangsusugal mo?..” muling tanong ng lalake..

Nagkandailing si Zack..

“Di po ako nagsusugal..Nagagalit ang Nanay ko..Kahit kelan… Di ako nagsugal at wala po akong balak magsugal..May bibilhin lang po ako..” nakangusong sabi ng bata..

Nacurious ang lalake.

“At ano naman ang bibilhin mo?..” tanong nito..

Nakaramdam ng hiya si Zack..

“N-notebooks po sana..Kasi kulang ako ng apat na notebooks ..Tapos konting papel at isang ballpen…” nahihiyang sabi nya..

Napangiti ang lalake..Tinantya kung tama ba ang narinig nya..

Sa murang edad ng kaharap nya..Imbes na laruan at kung anu anong luho ng bata ..Mas pinili nito ang gamit pang eskwela..Duon lalong humanga ang lalake sa magulang ng bata..Napakaganda ng pagpapalaki ng mga ito ..

“Ipasok mo ang mga nabili ko dito sa loob ng kotse..Sumama ka saken..” sabi ng lalake..

Natakot si Zack..Tila napansin naman ito ng lalake..Natawa sya at umiling..

“Oy..Wala akong balak kidnappin ka..Bilisan mo at kanina pa ako hinihintay ng mag ina ko..” natatawang sabi ng lalake..

Nahihiyang binuksan ni Zack ang kotse ng lalake at marahang nilapag ang mga nabenta nya..

Dahan dahan nya din itong sinara..

Ngumiti ang lalake..

Binuksan ang pinto ng kotse at nilock..Muli itong sinara..

“Halika..Sumunod ka..” sabi nito..

Kunot ang noo na tinantya ni Zack ang kausap..

Ngumiti ang lalake.

“Wag ka ng maarte..Halika na..” sabi nito..

Tahimik na sumunod si Zack sa lalake..Pero bigla syang napatigil ng pumasok ito sa isang kilalang department store..

Lumingon ang lalake sa kanya at ngumiti..

“Hoy..Ano pa ang hinihintay mo?..” tawag nito..

Binistahan ni Zack ang suot nya..

Gulagulanit na T-shirt..Kupas na shorts..Maruming tsinelas..

Yagit na yagit sya..

Nahihiyang ngumiti si Zack..

Parang naunawaan naman ng lalake ang nararamdaman ng bata kaya muli itong bumalik at inakbayan..

“Sus na batang ito..Halika..Ako bahala sayo..” sabi ng lalake.

Tahimik na sumunod si Zack..

Mabilis silang nakapasok sa loob.

Nakataas ang kilay ng mga nakakasalubong nilang mga tao.

Hiyang hiya si Zack..

Pero tahimik lang syang nakasunod.

Lumiko sila ng lalake.

“Oh ..Kunin mo na ang kulang sa mga gamit mo..Lahatin mo na..Bags..Notebooks..Ballpens..Lahat..Kapag konti lang kinuha mo..Kokotongan kita..” untag nito..

Tumingala si Zack..Nanlaki ang mga mata.

Nasa harap nya ang napakaraming gamit pang eskwela..

Tulala lang sya..

Natawa ang lalake..

Tinapik ang balikat ng bata.

“Bilis bilisan mo naman iho..Para kang binabae eh..” pang aasar nito.

Dumampot ng basket si Zack..

Pero nailing ang lalake..

“Teka..Kukulangin yan…Yun ang kunin mo..” tinuro ng lalake ang stroller.

Di na napigilan ni Zack ang mapasinghot..Namuo ang luha sa kanyang mga mata.

Napailing ang lalake at ito na ang humila ng stroller papunta sa bata..

Tahimik na dumapot si Zack ng mga gamit pang eskwela..Ayaw nyang sumobra ang madadampot nya..

Bawat gamit na mapili..Hinahagilap nya ang presyo..Kapag medyo mahal, binabalik nya ito at pumipili ng pinakamura..

Nakangiti lang ang lalake na naupo sa isang bench..Dumampot ng magazine at binuklat..

Napatigil si Zack sa harap ng isang bag.

Nilingon nya ang mabait na lalake..Abala ito sa pagbabasa ng magazine.

Nagtatalo ang isip ni Zack kung dadamputin ba ito o hindi..

Sa huli..Nagpasya sya na lampasan ang bag..

Muli syang bumalik sa lalake..

Napakunot ang noo nito ng mapansin ang stroller..

Inisa isa ang mga pinili ni Zack..

“Ano bang mga ito..Sigurado kang ito lang ang kailangan mo iho?..Hay nako..” naiiling ang lalake.

Tahimik na tumango si Zack..

Huminga ng malalim ang lalake..

“Sumunod ka..” sabi nito..

Tulak ni Zack ang stroller..Sumunod sya sa mabait na lalake..

Nakayuko lang sya.

Huminto ang lalake..

“Miss..Pakisukatan nga ho ito..” sabi nito..

Napaangat ang tingin ni Zack at nagulat sya dahil nasa harap nya ang mga damit panlalake..

Lumapit sa kanya ang isang babae na may dalang tape measure..Mabilis nitong sinukatan ang bata.

Luhaan si Zack..

Wala syang masabi..

Parang umatras ang dila nya..

Mabilis ang naging mga pangyayari..Puno na ang stroller ng gamit nya..

Palabas na sila ng mapansin ang isang manequin..

Naalala nya ang ina..

Napansin naman ito ng lalake.

“Oh..Baket?…” tanong nito.

Nahihiyang dinampot ni Zack ang bag na kaninang tinitigan nya..Binili din ito ng lalake para sa kanya.

Nagtaka ang lalake..

“Baket?..” muling tanong nito.

Nahihiyang ngumiti si Zack.

“A-ah..K-kuya…P-pwede pong ipagpalit ko na lang ito?…” tanong ng bata.

Kunot noo ang lalake..

“Saan?.. Baket?..” takang tanong nito..

Nginuso ni Zack ang bestida..

Natawa ang lalake..

“Wag mong sabihing magsusuot ka nyan?..” tanong nito.

Nahihiyang umiling si Zack..

“P-para po sana sa N-nanay ko..” mahinang sabi nya..

Napangiti ng maluwang ang lalake at tumango…Pumasok ito sa store..

Ilang saglit lang..May hawak na itong mga bags..

Hiyang hiya si Zack na inabot ang bag at sapatos nya bilang kapalit..Pero tumanggi ang lalake.

“Wag na..Sayo yan…Eto para sa nanay mo..” nakangiting sabi nito..

Luhaan si Zack..Pero pilit nya itong pinunasan..

Inakbayan ng lalake ang bata..

Di nya maintindihan ang sarili..

Nakikita nya ang busilak nitong puso..

Pagmamahal para sa ina..

Pero di lang yon ang dahilan…

Sabik sya sa anak na lalake..

Babae kasi ang panganay nya at sa malas..Di na pwedeng manganak pa ang asawa nya..


Masaya silang lumabas ng department store..

Kung di sya nagmamadali..Malamang na bisitahin nya pa ang pwesto ng mag ina..

Hinatid sya nito sa kotse..

“Oh..Dito na lang..Sige na..Mag aral kang mabuti..” nakangiting paalam ng lalake.

Luhaang kumaway si Zack..

Pilit nyang pinaglalabanan ang emosyon..

Hinamig ng bata ang sarili..

Ayaw nyang makita ng ina ang pag iyak nya..

Ilang saglit lang..Muling tumawid ang bata..

Nag aalangan sya kung paano ipapaliwanag ang mga dala nya..

Sa huli, nagpasya syang lapitan na ang ina.


Napakunot ang noo ni Ditas ng makita ang dala ng anak..

“Anak..Ano yan?..” tanong nya.

Nahihiyang nilapag ni Zack ang mga pinamili sa harap ng ina..

Naupo sya sa tabi nito..

“Nay..May mabait na lalaking bumili ng tinda ko..Pinakyaw nya po..Tapos wala akong panukli sa pera nya kaya yung buo na lang ang binigay nyang lahat…Tinanong nya po kung ano daw ang gagawin ko sa sobra…” mahinang paliwanag ni Zack..

Nakinig lang si Ditas sa paliwanag nito..

“Oh bakit di mo pinabaryahan anak?..” masuyong tanong ng ina.

Nag alangan si Zack kung sasabihin ba ang dahilan nya.

“E-eh kasi po.. Tinanong nya po kung kukupitin ko daw yung sobra Nay..Sabi ko po Oo..Pero konti lang..May pag gagamitan lang ako..” mahinang sabi ni Zack..

Napakunot lalo ang noo ni Ditas..

Di sya makapaniwalang magagawa ng anak na kupitan sya..

“A-anak..kukupitan mo ang nanay?..” naiiyak nitong tanong..

Nagkandailing si Zack..

“S-sorry Nay..May kailangan lang po akong bilihin..” sabi ng bata..

Pinahid ni Ditas ang luha..

“Ano naman yon?.. Sana sinabi mo na lang..Wag kang mangupit anak..Bibigyan naman kita eh..” sabi ng ina..

Nahiya si Zack.

“S-sorry Nay..Di ko na po uulitin..Di ko naman po talaga ginawa eh..” sabi nya..

Ngumiti ng mahinhin ang ina..

“Ano ba kasi yon?.. ” tanong nya.

Napakamot sa batok si Zack..

“Anak..Naglilihim ka na sa nanay mo?..” nagtatampong tanong ni Ditas..

Umiling si Zack..Nagdadalawang isip..Ayaw nyang malaman ng ina na kapos ang mga gamit pang eskwela nya..Sa murang isip, batid nya ang paghihirap na dinaranas ng ina sa pagtawid ng pang araw araw na gastusin nila..Ayaw nyang makadagdag sa alalahanin nito..

“K-kasi po..Kulang po yung N-notebooks ko ng dalawa..” nahihiyang paliwanag ni Zack…Sabi nya..Pero ang totoo..Di lang ang notebook nya ang problema nya..

Nagulat si Ditas..Ang alam nya ay sapat ang nabili niyang gamit..Hinaplos sya ng awa para sa anak..

“P-paanong naging kulang ..Di ba sabi mo anim lang ang notebooks na kailangan mo?..” tanong nya..

Umiling si Zack.

“S-sorry Nay kung di ako nagsabi ng totoo..Akala ko kasi kakayanin kong tipirin eh..Pero masyadong maraming ginagawa sa school..Kaya napuno na yung dalawang notebooks ko..” paliwanag nya.

Pinigilan ni Ditas ang umiyak..

Pinaglabanan nya ang damdamin.

“Paano ang ginawa mo?..Halos kalagitnaan na ng klase ah..” mahinang tanong ni Ditas..

Napayuko si Zack.

“Yung SIBIKA ko po na subject..Konti lang naman yung sinusulat don..Kaya kalahati ng notebook ko sa SIBIKA, ginawa kong MATH..Tapos yung isa ko pong notebook..Kalating English at Kalahating Filipino..Akala ko po kasya..Pero marami kasing pinapasulat yung teacher ng Math at English..Naubos ko na po yung dalawang notebooks..Wala na din po akong papel..yung ballpen ko po..Kay Berto yon..Sorry talaga Nay..” mahinang sabi ng bata..
 Di na naiwasan ni Ditas ang pagluha..

Umagos na ang mga ito pababa sa pisngi nya..Awang awa sya para sa anak..Ang akala nya..Sapat ang mga gamit nito… Ni hindi nya naringgan ng pagrereklamo ang anak..Ni hindi nga ito nanghihingi ng baon..Limampiso lamang ang baon ng anak nya..Kung may kailangan sa eskwela..Nagtatabi ito mula sa tininda nila..Ang mga gamit nito ay kung hindi mula sa pinsang si Berto..Galing sa ibang kakilala nyang nagsilakihan na ang mga anak..

Tahimik na lumuha ang puso ni Ditas..Napabaling ang tingin nya sa paninda..

“P-patawarin mo ang Nanay anak ha?..Wala akong magawa para sayo..” pumiyok ang tinig ng ina..

Marahas na napalingon si Zack at galit na pinunasan ang luha ng nanay nya.

“Nay !.. Walang nakakaawa !..” galit na saway ni Zack.

Natawa ng mahina si Ditas..Pero di ito sapat para paglabanan ang emosyon na unti unti ng sumisira sa katatagan nya..

Ang anak ang nagsisilbing lakas nya..Pero ito din ang nagsisilbing kahinaan nya..

Kapag nakikita nyang nahihirapan ang anak, kusang bumibigay ang puso nya..

Pinigilan nyang umiyak dahil sa nakikitang pag amba din ng luha sa mga mata ni Zack..

Ayaw nyang makita ng anak na di sya matatag..Kaya kahit nahihirapan..Ngumiti ang ina..

“Magkano naman ang nabenta mo anak?.. ” tanong ni Ditas..

Ngumiti si Zack..

Nilabas nya ang buong limandaan..

Nanlaki ang mga mata ni Ditas..

“Di aabot ng ganyan ang benta mo..San galing yan?..” tanong nya..

Ngumiti muli si Zack..

“Sa mabait na lalaki po..Nay konti na lang yung tinda nyo..Uwi na tayo..” aya ni Zack..

Ngumiti si Ditas at tumango..

Binalot nya ang mga natirang tinda..Ibibigay nya ito sa Ate nya para pasalubong.

Mabilis silang nagligpit..


Gabi..

Tapos ng maghapunan ang mag ina..Dahil sa sobrang benta ni Zack..Nagawa nilang makapag ulam ng konting manok..Kahit na pilit na itanggi ni Zack..Batid nyang sarap na sarap ito sa niluto nyang pritong manok..Katunayan ang nakatatlong balik ito..Tig isang hita sila..May tinira pa sya para bukas..Pinatago nya na lang sa Refrigerator ng Ate nya..

Si Zack ang nag pupunas ng mesa habang naghuhugas ng plato si Ditas..

Mabilis ang mga naging pagkilos ni Zack..Ayaw nyang magtrabaho pa ang ina..

Pagtapos ni Ditas na maghugas..Dinampot nya ang walis pero mabilis itong inagaw ni Zack.

Tinuro ng anak ang kama ..

Natawa si Ditas..

“Oo na .. Oo na..Magpapahinga na nga eh..” natatawang sabi nya..

Ngumiti si Zack at sya na ang nagwalis.

Mabilis ang pagkilos nya..

Aabot pa sya ..

Alam ni Ditas ang dahilan kung bakit nagmamadali ang anak..

Hinahabol nito ang paboritong programa sa telebisyon..Nakikinood lamang ang anak..

Napapangiti ang ina na nagsesepilyo..

Bagamat matanda ang pag iisip ni Zack..May mga pagkakataon na humuhulagpos pa rin ang totoong edad nito..

Bata pa ang anak nya..

Pero napipilitang mag isip matanda dahil sa sitwasyon nila..

Pinilig ni Ditas ang ulo..Ayaw nyang makita ng anak na naiiyak na naman sya..

Parang ninja kung kumilos si Zack sa mga gawaing bahay..

Humalik ito sa pisngi ng ina at mabilis na lumabas ng bahay.

Natawa si Ditas.


Ilang saglit lang ang lumipas..Nakapalit na sya ng damit pantulog..

Bumukas ang pinto..

Malungkot na pumasok si Zack..

Nagtaka naman si Ditas..

“Oh..Tapos na agad?..” tanong nya..

Umiling si Zack at ngumiti ..

“May gagawin pa pala po ako..” palusot ni Zack..

Pero matunog si Ditas.

“Baket nga?..” tanong nya..

Ngumiti ng malungkot si Zack.

“U-umalis sina Berto Nay..Namasyal daw…Sarado po bahay nila eh..” malungkot na na sagot ng bata.

Muling hinaplos ng awa ang pusong ina ni Ditas..

Inisip nya kung kelang huling nakapamasyal ang anak..

Ah..Matagal na…Dalawang taon na ata ang lumipas..

“S-sorry anak…Yaan mo..Pasyal tayo sa pasko..Pramis ko yan..” pangako ni Ditas sa anak..

Tumango lamang si Zack..

Malungkot na naupo ang bata sa mesa at kinuha ang mga gamit pang eskwela..

Napangiti ito ng lihim..

Napangiti din si Ditas..

“Naks…Bago oh..” biro nya..

Di na naitago ni Zack ang ngiti..Sabik nyang pinaglalabas ang mga bagong biling gamit..

Pinigilan nya ang sarili..

Pilit nyang pinakita sa ina na di sya nasasabik porke bago..

Ngumiti si Ditas.

“Anak..Matutulog na ako…Maaga pa akong magluluto bukas eh..Ikaw..Pagtapos nyan matulog ka na din..Maaga pa pasok mo..” sabi ng ina..

Tumango si Zack..

Pinalipas nya muna ang ilang sandali..

Ng makatiyak na tulog na ang ina..

Dinampot ni Zack ang isang bagong kwaderno.

Napapikit pa sya na hinaplos ang cover nito..

Nilapit sa ilong at inamoy.

Bago..

Sarap gamitin..

Pero di sya nagpadala sa kasabikan..

Nilabas lamang nya ang tatlong bagong kwaderno at sinilid muli ang pito pa..

Magagamit nya pa ang mga luma nyang gamit..Saka na ang iba..

Dinampot ni Zack ang lumang bag..

May butas ito..

Ito ang dahilan kung bakit nawala ang ballpen nya..Nahulog siguro sa butas..

Pinaglalabas ni Zack ang mga lumang gamit at binuksan ang bagong bag..

Lumabas ang aroma ng bagong biling gamit.

Napangiti si Zack..

Bago..

Sarap gamitin..

Nilipat nya ang mga lumang gamit..

Dahan dahan..Ayaw nyang magalusan ang bagong bag..

Pati simpleng pag zipper dito..Di maiwasan ni Zack ang ngumiti..Sarap ibukas sara ang bagong bag nya..

Yung luma, nahihirapan syang isara ito..Pero itong bagong bag nya..Swabe..Yeah..

Binuksan ni Zack ang kahon ng sapatos..

Ngumiti na parang tanga.

Inamoy amoy ang bagong sapatos.

Sarap..

Pero muli, binalik nya ang sapatos ay sinilid sa lumang bag.

Magagamit nya pa ang lumang rubber shoes bilang pamasok..

Mabilis na niligpit ni Zack ang mga kinalat nya.

Nilabas nyang muli ang isang lumang kwaderno para mag review..

Di dapat sya magpabaya sa pag aaral..

Ayaw nyang maungusan..

Ito na lamang ang tanging maisusukli nya sa ulirang ina.

Nakangiting nag aral si Zack ng mga aralin..


Di mapigilan ni Ditas ang lumuha ng tahimik.. Nakatakip ang isang unan sa ulo nya para itago ang paninilip sa mga ginagawa ng anak..

Nangingiti sya nung una.. Dahil siguro sa kasabikan kaya di maiwasan ng anak na amuy amuyin ang mga bagong gamit nito..Pero ng makita nyang hinati ni Zack ang mga bago at ginamit pa rin ang mga lumang binili nya..

Duon na dumaloy ang luha sa mga mata nya..

Mabait, responsable ang anak nya..

Di ito tulad ng iba na maluho..

Nagpapasalamat sya sa Maykapal..

Ito ang nagsisilbing lakas nya..

Marahang pinahid ni Ditas ang mga luha at tumalikod sa anak.

Natulog syang may ngiti sa mga labi.

Nagkaroon sya ng bagong determinasyon para ibangon ang anak.

Walang puwang ang pagiging mahina..

Walang puwang ang pagiging iyakin.

Kailangan nyang maging matatag..

Para sa kanya.

Para sa anak..




ITUTULOY !!!

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Post Comment